Chapter 4: You Are Very Mysterious

34 2 0
                                    

Dave's POV:

Monday ngayon. Mabilis ding dumaan ang panahon at medyo nasa kalagitnaan na kami ng school year. Bale 3months na din ako sa public school na pinapasukan ni Allen. Simula noong mga first days ng junior years ko matapos yung nangyare kay Allen at Errol (though tingin ko di dapat big deal yun) ay iba na ang turingan ng dalawa. Minsan ay parang may tensyon sa pagitan nila pag nagkakaharap sila. Lalo na at pag nasa paligid lamang ako.

Parehas silang varsity ng school namin. Si Allen at Errol. At parehas sila ng sports na sinalihan. Magka team sila sa Taekwondo class at parehas silang magaling. Ilang beses na din naman na akong nanood ng mga trainings nila kaya ko nasabing magaling nga sila. Ngayong araw na ito ay para sa club openings ng school for new members. Since nakapag aral din ako ng Taekwondo na syang pinakamalapit na sport sa puso ko, nagdecide akong mag register sa club nila. Marami pa akong alam na sports gaya ng Swimming, Basketball, Archery, at Karate-do pero wala eh. Taekwondo talaga ang love ko. Hahaha... Excited ako kasi andun si Espren. At syempre kasi eto talaga ang passion ko.

Madami ding clubs na pang academic ang nagbukas for new member. Syempre nag join agad ako sa Writing Club named Phantasma. Ang cool ng name nila diba?? Bale writing club sila na medyo nag jump din for theater, and literature club. Though may separate pa na clubs for theater and literature. Ewan ko ba sa school na to. Parang college na. Hahaha...

Nasa ganoon akong pag iisip habang nakahiga padin sa kama ko just looking blankly at the cieling when my mom knocked on the door and gently open it. Dumungaw sya mula sa labas then sabay pa kaming nagkatitigan.

"Aba anak, bangon na. Monday na monday ohh... Baka malate ka nyan ha, sige ka... Oh andyan na nga pala si Allen sa baba. Magbihis ka na nga." mahabang litanya ni mama sabay labas ulit ng room ko. Ako naman ay tumayo na at nagmadaling mag ayos ng sarili ko. Hindi ko dapat paghintayin si Espren! Lagot ako dun pag nagkataon. Hayss...

Pagkatapos kong maligo ay nagbihis na agad ako ng school uniform at kinuha na agad ang mga gamit ko. Pagbaba ko ay nakita ko na agad ang napaka genuine na ngiti ng Espren ko. Yung ngiti na paniguradong mamimiss ko lage. Mahal ko na nga talaga tong mokong na ito. Hindi ko alam kung papaano ko yun masasabi sa kanya. Na mahal ko sya. Na sya ang buhay ko. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko for being so confused about myself. Bakit ako nagkakagusto sa kapwa ko lalaki. At ang matindi pa dun, sa best friend ko pa.

Nagulat ako nang biglang may humawak sa magkabilang balikat ko. Nabigla ako at napakislot ng malamang nakatayo na pala ako sa harap ng Espren ko.

"Espren? Okay ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag ahh... Tulala ka dyan?" sabi nya habang malapad na ngiti ang makikita mo sa kanyang mukha. Ah, that face. Hindi ako magsasawang tignan yun.

"Ahh, wala to Espren! May iniisip lang ako..." sagot ko naman at nag iwas ako ng paningin. Ang lapit nya kasi sakin, feeling ko tuloy namumula ang mukha ko.

Pagkatapos noon ay dumiretso ako sa kusina namin at gumawa ng tatlong sandwich. Yung isa kinain ko ng mabilis sabay inom ng juice na nakahanda sa lamesa. Si mommy naman ay busy sa pagluluto nung time na yun kaya hindi nya din napansin. Lumapit ako sa kanya, kissed her cheek and said good bye. Nagulat pa sya nung nagpaalam ako at sinundan nya ako ng tingin.

"Teka Dave, anak. Di pa tapos tong niluluto ko for breakfast ohh? Maaga pa ahh?" sabi ni mommy pero pinakita ko lang sa kanya yung dalawa pang sandwich na ginawa ko and said okay na yun at nagmamadali din kami ni Allen.

Paglabas ko ng kitchen ay nagkasalubong pa kami ni Retch na halatang kagigising lang. Naikwento ko na sya sa inyo diba? Sya ang nakababata kong kapatid...

"Oh Retch, wala ka bang pasok ngayon?" tanong ko.

"Kuya, wala naman kaming gagawin ngayon sa school. Registrations lang para sa mga extra curricular activities tas sports clubs ang meron ngayon." sagot naman nya na pupungay pungay pa. Tsk, nagpuyat na naman to kagabi.

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon