Chapter 11: Sermon at Pangaral

20 2 1
                                    

       "Allen!!" Sigaw ko pa bago mawala ng tuluyan si Allen sa paningin ko. Sa pagitan ng mga hikbi ko ay pinilit ko padin syang sundan pero binigo na ako ng mga tuhod ko.

     Hindi ko na alam kung ilang oras ako nakaupo sa sahig ng tree house habang iyak ng iyak. Sobrang sakit na marinig sa taong mahal mo ang ganong mga salita. Para bang tinanggalan ka ng karapatan sa isang bagay na importante sayo? Mahirap syempre...

      Noong wala na akong ay kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ng pantalon ko at pinahid ang mga luha na tuloy tuloy na bumagsak mula sa mga mata ko. Saglit din na inayos ko ang sarili ko bago tumayo at magpag pag ng damit.

       Paglabas ko ng tree housee ay paika ika kong kinuha ang bag ko at nagsimula nang bumaba. Masakit ang buong katawan ko dahil sa mga tama na natanggap ko mula kay Allen.

      First time yun sa buong buhay namin na nag away kami at nagkasakitan. Ang akala ko maaayos namin to ng walang kahirap hirap. Hindi ko naman inaasahan na mas lalala pa pala ang sitwasyon.

      Ngayon, hindi ko na talaga alam kung papano ko pa maaayos ang sa amin ni Allen. Sobrang gulo na ng utak ko.

      Habang iniisip ko iyon ay paika ika akong naglakad pabalik sa daang dinaanan ko kanina pagpunta sa palaruan. Tingin ko nasa alas singko na din ng hapon ang oras dahil paglabas ko ng palaruan ay sya ding labas ng mga estudyanteng nag aaral sa tapat nito.

      Binilisan ko lalo ang lakad ko dahil ayokong makita ng ibang tao sa ganitong ayos. Alam ko na pumutok din ang mukha ko sa mga suntok ni Allen. May ilang estudyante na ang nakapansin sa akin at pinag titinginan na ako. Ang iba'y nakasunod na ang tingin sa akin kaya mas lalo ko pang binilisan ang lakad ko.

  ****************************

     Pagdating sa bahay, dahan dahan akong pumasok. Nag iingat na huwag makagawa ng ingay at baka marinig ako ni Mommy, at makita pa ang hitsura ko ngayon.

      Sakto naman, naririnig ko ang mga kasangkapan sa kusina. Tanda na nasa kusina si Mommy. Binilisan ko ang paghakbang papunta sa kwarto ko at agad na naglock ng pinto.

       Sobrang dami na ng nangyari ngayong araw na ito. Sumasakit lang ang ulo ko pag inaalala ang lahat lahat ng iyon. Pagpasok ko sa kwarto ko ay ibinaba ko agad ang bag ko sa upuan ng study table ko sabay tanggal ng polo ko. Madali ko na nga lang natanggal ang polo ko dahil may ilang butones doon ang natanggal na. Sabay hubad ng pantalon na suot ko.

      Pagkahubad noon ay dumiretso ako sa c.r ko para ilagay ang maruming damit sa laundry basket. Itinabi ko muna yung polo para maayos ko sya bago pa man makita ni Mommy dahil tiyak na magagalit yun. Isinama ko na din ang sando ko sa paghuhubad kaya tanging ang itim na brief nalang ang natitirang saplot sa katawan ko.

      Pagkalagay ko ng mga damit sa laundry basket ay nagtungo naman ako sa salamin ko sa c.r.. Nagulat pa ako dahil sa hitsura ko. Putok ang kanang bahagi ng labi ko. Natuyo at nagitim na nga ang dugong umalpas mula doon. May pasa ako sa kaliwang pisngi, magulo ang buhok ko, sobrang dungis ng mukha ko at may namuong dugo sa ibabaw lang ng kilay ko. Mataman kong pinagmasdan ang sarili ko sa salamin.

       Binuksan ko ang gripo sa maliit na lababo ng c.r ko para sana maghilamos. Malamig ang tubig doon at mahapdi pag dumadampi sa balat mo. Pagkatapos kong maghilamos ay binuksan ko ang shower ko at ini-on ko sa medium temperature. Bago pa man ako magbasa ay tinanggal ko na ang natitirang saplot sa katawan ko.

      Maligamgam na tubig ang bumuhos sa akin mula ulo pababa sa katawan ko. Noong una nga ay mahapdi pero kalaunan ay naramdaman kong nag loosen up ang mga tensed kong muscles. Bahagyang gumaan ang pakiramdam ko at medyo nabawasan ang sakit na nararamdaman ko sa buo kong katawan.

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon