Salamat po sa lahat ng nagbabasa! I really appreciate it. Hindi ako marunong mag dedicate ng chapter kasi phone lang gamit ko pero gusto kong idedicate ang chapter na ito kay...
@mik-mik016
Yey!! :) Thanks for reading my story! Tatapusin natin to... Haha, tiwala lang... :D
††Kuya Eros††
*************************
Biglang huminto ang oras noon. Si Errol, nakapikit ang mata at nakatalikod sa pinto habang ang kanyang labi ay nakalapat sa labi ko. Ako, gulat ang hitsura na nakatingin sa kung sino man ang nasa pinto.
At si Allen, nasa pinto. Noong una ay bakas ang gulat sa mukha nito pero bigla din namang nagbago at naging galit. Biglang bumilis ang oras. Naitulak ko si Errol at bigla namang tumakbo paalis si Allen.
"A-allen!! Teka lang!" Habol ko sa kanya.
"Dumating pala si Allen. Sorry Dave. Hindi ko sinasadyang gawin iyon." Pagpapaliwanag ni Errol. Napatingin lang ako sa kanya at tumakbo na din para habulin si Allen.
Please Allen. Magpakita ka sana sa akin. Magpapaliwanag ako. Please!
Bulong ko sa sarili ko habang tumatakbo. Hindi ko alam kung saan pupunta si Allen. Basta tumakbo ako. Bahala na kung saan ako dalhin ng utak at mga paa ko. Dumiretso agad ako sa classroom namin at naabutang papalabas na sila Alvin at Red kasama sina Mae at Grace.
"Na... Kita.... N-nyo ba... Si A-allen?" Tanong ko pagkalapit ko sa kanila habang habol ang hininga ko.
"Bakit ba kayo nagmamadali? Kalalabas lang ni Allen. Dala ang bag nya." Sabi ni Red habang tumuturo doon sa hagdan sa kabilang dulo ng hallway. Doon ako umakyat sa hagdan na nasa tabi ng room namin.
"Anong problema noon Dave? Mukhang galit na galit sya eh. Tinatanong nga namin sa kanya kung anong problema pero wala syang imik ehh..." Paliwanag naman ni Mae.
"Teka muna, saan ka ba galing? Andito yung bag mo pero wala ka buong morning class." Hindi ko na sila sinagot at kinuha ko na din agad ang bag ko pagkatapos ay nagmadali ding umalis.
Tinakbo ko yung hagdan palabas ng school. Hindi naman na nakasunod sa akin ang guard ng school namin kaya dirediretso na ako. Nagbabaka sakaling maabutan ko pa si Allen. Ramdam ko na ang pagod na lumulukob sa katawan ko. Sumisikip na ang paghinga ko kasabay ang paghina ng tuhod ko.
Narating ko din ang bahay nila Allen ng limang minuto lang. Yung lakad na kinse minuto ay tinakbo ko na. Pagkatok ko sa gate nila ay napaupo na ako sa pasimano ng daan sa harap nila. Hindi din nagtagal at dumungaw si Tita Mae na naka apron pa at halatang nagluluto na ng tanghalian.
"Ti... Tita, si... Si All– si Allen po?" Hinihingal kong tanong.
"Dave? Hindi pa umuuwi si Allen. Anong nangyari? San ka ba galing bata ka?" Nag aalalang tanong ni tita sa akin.
"Ahh... Ganoon po ba? Si-sige po. Aalis na po ako." Sabi ko nalang sabay tayo at pagpag ng pantalon ko.
"Teka lang Dave, anak, baka gusto mo munang pumasok? Mukhang pagod na pagod ka. Ano ba kasing pinag gagagawa ninyo?" Aya ni Tita. Bakas padin ang pag aalala.
"Hindi na po Tita. Salamat po. Uuwi nalang po ako." Sagot ko naman.
Naglakad na din ako pauwi pagkatapos noon. Naglalaban ang isip ko. Hindi ko alam kung saan ko hahanapin si Allen. Kung magkita man kami ay hindi ko din alam kung anong sasabihin ko. Paano ako magpapaliwanag?
BINABASA MO ANG
The Day We Both Cried
RomanceMahal ko ang Best Friend ko. Matagal ko na 'tong tinatago sa lahat. Lalo na sa kanya. Alam kong mali pero sumugal padin ako. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nawala lahat 'yon. Nasira ang lahat sa amin. Nang dahil sa pangyayaring iyon kaylangan na...