Chapter 6: Problema Ito

16 2 1
                                    

Excited ako para sa sabado. Initiation para sa Writer's Club na Phantasma and at the same time night swimming na din! Masaya yun for sure...

"Espren! Matagal ka pa ba dyan?" tawag ko kay Allen. Andito kami ngayon sa locker room ng gym. Katatapos ko lang maligo at naiwan pa si Espren sa loob.

Oopps! By cubicle ang shower room namin dito. Haha, sayang? Hindi naman. Ayoko din kasi ng exposed ako habang naliligo eh. Nakakahiya kaya. Maya maya lang ay lumabas na din si Allen sa shower room. Nakatapis lang ng tuwalya! Sheyt naman!! Ang gwapo bakit ganun???

Amputi ni Espren. Ang kinis pa. Nagulat nalang ako ng biglang may basang tuwalyang tumama sa mukha ko. Di ko namalayang napatitig na pala ako sa kanya...

"Haha! Natulala ka dyan Espren? Kinakausap kita..." sabi nya na tawa lang ng tawa. Napahiya naman ako noon kaya napatungo nalang ako saglit.

"Ahh ehh ano ba yung sinasabi mo?" tanong ko. Ano ba Dave?? Hayss...

"Goodluck! Sabi ko kung tutuloy ka ba sa Sabado. Yung sinasabi ni Errol." sabi nya. Tumatawa pa sya nung una pero nung mabanggit nya ang pangalan ni Errol ay sumeryoso sya bigla.

"Oo naman Espren! Kaylangan yun para makasali na ako sa Phantasma..." sabi ko. "Gusto mo bang sumali?" dagdag ko pa.

"Wag na..." iiling iling nyang sabi.

"Baka makasira lang ako ng moment nyo..." bulong pa nya.

"Ha?" tanong ko. Hindi ko alam kung tama ako ng pagkakarinig pero yun ang rumehistro sa isip ko.

"Wala! Sabi ko baka hindi pwede ang magsama ng hindi kasali." sabi nya habang nagbibihis na ng t-shirt.

"Itatanong ko kay Errol Espren kung gusto mo o kaya kay Fr--"

"Wag na nga... O-okay lang ano ka ba E-espren..." biglang pagtaas ng boses nya. Halatang iritable na pero nabawi nya din agad iyon.

"O-okay..." sabi ko nalang sabay yuko ulit. Lumapit naman sakin si Allen sabay akbay.

"Tapos na ko magbihis Espren! Tara na may Date pa tayo!!" Sabi nya. Napatingin naman ako sa kanya at nakitang nakangiti sya with matching taas taas kilay pa.

"Baliw! Date? Tara na nga... Kung ano ano na naman sinasabi mo." sagot ko nalang na tatawa tawa bago sya iwan sa loob ng locker room.

****************

Sa favorite naming lugawan.

"Espren ikaw naman ngayon ang oorder. Same padin ha." masayang sabi ni Allen sabay upo sa favorite spot namin.

Kilala naman na kami dito sa lugawan. Lagi kami dito pag napapadaan kami habang naglalakad pauwi galing sa dati naming school. Minsan dito din kami nagmemeryenda at tumatambay. Kahit bakasyon pag natripan naming maglugaw ay dito kami pumupunta gamit ang mga bike namin.

Nagtungo nalang ako sa counter at sinalubong agad ako ng ngiti ng mga nagbabantay doon. Si Aling Opi, ang pinaka may ari ng lugawan. May katandaan na pero hindi mahahalata dahil palaging nakangiti. Maliit lang sya na tao at magiliw. Kaya din siguro patok ang lugawan nila sa iba dahil doon. Kasama nya sa loob ang dalawa nyang anak na sina Bernadette ang panganay at si Joshua na sumunod naman.

"Aba! Ikaw pala Dave! Kamusta na, kasama mo ba si Allen ngayon?" bati ni Aling Opi nang makalapit ako. Nakangiti ito.

"Okay naman po Ate. Opo kasama ko ngayon si Allen. Kakain po kami ng lugaw pa-order nalang din po ng---" naputol ang sasabihin ko nang dugtungan na iyon ni Ate Opi.

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon