Chapter 14: Time... To Move On?

3 1 0
                                    


               Masarap. Alam mo ba yung feeling na parang gusto nang sumabog ng dibdib mo. Sasabayan pa ng mga paru-paro na maigting na lumilipad sa sikmura mo. Parang may washing machine na paikot ikot sa loob. Ganoon yung feeling. Masarap na nakakakiliti. Na parang ayaw mo nang matapos pa. Pero mali.

              Naramdaman ko ang mga kamay ni Errol sa likod ng ulo ko. Mas lalo pa nitong itinutulak ang ulo ko papalapit sa kanya. Slow motion lahat sa umpisa pero nang manumbalik naman ako sa ulirat ay parang rumaragasang tubig na malamig ito na bumalot sa buo kong pagkatao. Kusang nag react ang katawan ko at naitulak ko nalang bigla si Errol.

         "A-a-ano b-bang ginagawa mo?!" Bulyaw ko habang marahas na pinapahid ang mga labi ko. Napatingin ako ng masama kay Errol na sya namang di makatingin sa akin ng diretso.

         Nang hindi sya umimik ay agad kong nilisan ang lugar na iyon. Umiiyak pa rin ako. Pinagtitinginan na ako ng mga nakakasalubong ko pero hindi ko na sila pinansin pa. Maya-maya ay nakaramdam ako ng parang may sumusunod sa akin kaya napalingon ako sa likod ko at nakita ko naman agad si Errol doon.

           "S-sorry Dave." Tanging sabi nya. Halata na marami pa syang gustong sabihin pero pinutol ko na sya agad doon.

          "Kaylangan ko nang umuwi. Masyado nang gabi." Paliwanag ko at nagsimula na uling maglakad patungo sa paradahan ng trisikel. Medyo lumalamig na din ang hangin. Tanda na palalim na ng palalim ang gabi.

          Pagdating sa paradahan ng sasakyan, wala akong nadatnan na trisikel. Umupo ako sa isa sa mga upuan at matyagang naghintay kung may dadating pang trisikel para makauwi na ako.

          Sa pag upo ko, di ko napigilan ang sarili ko na isipin ang mga nangyari kani-kanina lang. Namuo na naman ang luha sa mga mata ko. Masakit para sa akin na isiping ganoon ang tingin sa akin ng best friend ko.

           Napayuko nalang ako. Tinakpan ko ang mga mukha ko gamit ang kamay ko sabay iyak. Pigilan ko man, di ko magawa. Kusang tumulo ang luha sa mga mata ko. Tuloy tuloy.

              Mag isa lang ako sa paradahan. Madilim ang paligid pero wala akong pakialam. Hindi ko pinahid ang luha ko. Hinayaan ko lang ito sa pag agos. Madrama man pero anong magagawa ko? Sobrang sakit eh.

              Maya maya ay narinig ko ang mga yabag ng tao dahil sa pagtunog ng graba sa trisikelan. Kasunod noon ang paglundoy ng kahoy na upuan na kinauupuan ko.

           Isang buntong hininga ang narinig ko bago nagsalita ang bagong dating.

           "Dave... Sorry..." malumanay na paghingi ng tawad ni Errol. "Hindi ko balak na bastusin ka. Pero sana, mabigyan mo ako ng pagkakataon na patunayan sayo ang sarili ko."

           Hindi ko sya pinansin at mabilis na pinalis ang tumulong luha sa pisngi ko sabay alis. Bago pa man ako nakaalis ay nahawakan ako ni Errol sa braso. Dahilan para bigyan ko sya ng isang masamang tingin.

       "Ano pa bang kaylangan mo sa akin, Errol?!" Bulyaw ko sa kanya. Nag iwas naman sya ng tingin bago dahan dahang binitawan ang braso ko.

         "Please lang. Wag ka na munang sumabay." Yun lang ang sinabi ko bago tuluyang umalis sa lugar na iyon.

           Dahil nga sa wala nang trisikel ng mga oras na iyon ay napilitan akong lakarin nalang ang daan pauwi. Malayo layo na din ang nalakad ko nang lumiko ako sa isang kanto. Kaylangan kong mag short cut pauwi dahil masyado nang late.

            Sa pagliko ko ay sya namang tumambad sa akin ang mga kabataang nag iinuman sa tabi ng daan. Lima sila, dalawang babae at tatlong lalake na halos nasa range ng edad ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 04, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon