Chapter 3: Ang Gulo Mo Espren

42 2 0
                                    

    The whole day ng unang araw ko sa public school na pinapasukan ni Allen ay hindi naging maganda sa akin. Well, it was nice to meet new faces. Yung iba sa kanila ay nakausap at nakilala ko na. Pero iniisip ko padin yung pakilala sa akin ni Allen nung umaga.

   "…pinakamamahal kong BESTFRIEND!"

   Hindi ko alam kung bakit pero ganun talaga ang naramdaman ko. Tell me Allen, do you feel exactly the same for me? Will you ever feel that way? Naisip ko nalang bigla. Sa ngayon sobrang gulo na talaga ng utak ko. Alam kong mali ang magkagusto sa kapwa ko lalake pero bakit ganito nalang ang nararamdaman ko para sa kanya? Para sa Best friend ko?

   Filipino, Math, Social Studies, Science... Tas Reccess na. Since first day of school, puro lang kami pagpapakilala sa bawat isa. Minsan ay magpapasa kami ng kapirasong papel kung saan nakasulat ang pangalan o anu mang basic personal information namin.

   "Espren, tara sa Canteen, bili tau ng pagkain then igagala na din kita..." kalabit sa akin ni Allen. Magkatabi lang kami ng upuan nun sa second row ng classroom. Seating arragement ang ayos at since magkalapit lang kami ng apelyido ay lagi kaming nagkakatabi sa upuan. Bagay naman na ikinatutuwa ko talaga.

   "Sige." matipid kong sagot.

   "Espren, okay ka lang ba talaga? Di ako sanay na ganyan ka eh." pag aalala naman ni Allen na bakas sa mukha nya.

   "Haha, ano ka ba Espren? Wala lang to. Wag mo nalang pansinin." tugon ko naman na tumawa pa para lang maikubli ang mga iniisip ko.

   Pagkatapos noon ay dumiretso na kami sa unang palapag ng gusali kung saan naroon ang aming Canteen. Syempre maliit din ito kumpara sa pinapasukan ko dati. Masikip din at maingay dahil puno ng mga estudyante. Pero kahit ganoon ay okay lang. Kasama ko sya at okay na sakin yun. Kasu-kasunod nya ako sa likod nya. Palihim na pinagmamasdan ang bawat kilos nya. Sa ngayon ay talagang di ko padin maintindihan lahat to.

   Pagkatapos naming makabili ng pagkain ay dumiretso na kami pabalik sa aming silid para doon nalang kainin ang nabili namin. Mapapansin naman sa silid aralan namin na nakapaikot na ang mga upuan sa maliliit na grupo. Nagtatawanan at nagkukwentuhan ang mga kaklase namin nang mapalingon sa amin ang grupo na nasa kabilang dulo ng room. Malapit sa bintana. Apat silang nakaupo sa pabilog na mga upuan. Kumaway sila sa amin at lumapit doon si Allen. Pagkalapit ay napansin ko agad na may mga bakante pa silang upuan. Tatlo iyon. Naupo kami ni Allen na magkatabi sa dalawang upuan.

  "Kamusta ang bakasyon Allen? Namiss ka ng grupo ha..." ika ng isang babae na katabi ni Allen sa kaliwa. Ako kasi ang nasa kanan nya.

   "Teka teka lang! Pansinin muna natin ang bago nating kaklase ohh.. Mamaya na ang kamustahan nyo dyan. Ipakilala mo muna samin tong kasama mo Allen!" singit naman ng isa pang babae na katabi ng bakanteng upuan na katabi ko bago pa makapagsalita si Allen.

   "Nga pala, eto si John Dave. You can call him Dave nalang since sooner eh mapapasama na din sya sa atin." paliwanag ni Allen sabay akbay sa balikat ko.

   "Hi Dave! Ako nga pala si Mae, nice to meet you." ika nung nasa tabi ni Allen na babae sabay abot ng kamay. Chubby sya ng konti, maputi at mahaba ang itim nitong buhok. Mukha syang Chinese ng konti dahil chinita sya.

   "Hi, ako naman si Alvin. Nice to meet you Dave." sumunod ang katabi ni Ate Mae na lalake. Maliit lang sya, wavy ang buhok at maputi. Matangos ang ilong at maganda ang porma ng katawan.

   "Ako naman si Red, Hi say'o Dave..." sunod na bati ng katabi ni Alvin. Kumpara kay Alvin, medyo mas maliit pa sya kesa dito ng konti. May kaitiman din ng konti pero bumabagay naman sa kanya ang kulay.

   Inaasahan kong yung babae na ang susunod na magpapakilala sa kanila pero bigla nalang akong nakaramdam ng tapik sa likod sabay ang pag upo ng isang binata sa tabi ko. Doon sa upuang walang nakaupo. Matangkad sya, kasing tangakad namin ni Allen. Maputi. Maganda ang alon ng buhok nya na medyo nakukulayan ng brown. Ang mata nya ay mapungay at may pagka misteryoso. Pati ang labi nya. Manipis ito at mapula. May dala din syang pagkain na inilapag nya sa desk ng upuan nya at tumingin sa akin ng kakaiba. Natulala ako saglit sa pagtingin sa kanya pero nakabawi din naman ako ng biglang hinatak ako papalapit ni Allen sa kanya.

   "Dave, sya nga pala si Errol. One of our friends." maikli pero may pagkaseryosong sabi ni Allen. Napatingin ako sa kanya at nakita kong seryoso nga talaga ang mukha nya. Bigla din naman iyong naglaho at ngumiti din sya. Pagnalik ko ng tingin sa lalakeng tumabi sa amin, nakatingin pa din ito sa akin. Mapanuri ang tinhin nya. For a second parang nakita ko pa itong ngumiti sa akin pero bigla ding nawala.

   "Hi there. Ikaw siguro ang kaibigang matalik netong si Allen? Ako nga pala si Errol. Nice meeting you." sabi nya sabay abot din ng kamay. Inabot ko din naman ang kamay nya at nakipagshake. Pero may iba talaga sa tingin nya. Ang pakikipag kamay din nya ay may kakaibang tono. Bago pa man sya bumitaw ay isang mahinang pisil ang iniwan nya. Mas lalo akong nalito. Sa nararamdaman ko... At sa pagkatao ko...

   Una ay si Allen lang. Pero sino ba 'tong Errol na ito at bakit parang iniiwas ako ni Allen sa kanya? Nararamdaman ko padin kasing inilalapit ako ni Allen sa kanya. Papalayo sa lalakeng katabi ko sa kanan ko...

********

    Nagpatuloy ang kwentuhan at kamustahan sa loob ng maliit na grupo na yun. May asaran din at kulitan. Nakakasabay din naman ako sa kanila at itinuring na din naman na nila akong kaibigan. Paminsan minsan ay napapatahimik si Allen. Pero pag mapapansin ko yun ay bigla na naman syang makikipagkulitan. Samantalang tahimik naman at paminsan minsan lang sumali sa kulitan si Errol. Pagakatapos ng Reccess ay nagpatuloy ang klase. Nag iba ang timpal ni Allen nung time na yun. Naging seryoso sya at tahimik. Malalim ang iniisip.

    Sa kalagitnaan ng klase namin sa English ay di ko na napigilan at tinanong ko na si Allen...

    "Allen, tahimik ka ata at seryoso. May problema ba?" sabi ko pagkalabit ko sa kanya.

   "Wala to... Di ko lang napansin sa buong umaga na kaklase pala natin si Errol." seryoso padin sya.

   "Bakit? May problema ba sa kanya? May problema ba sa inyong dalawa?" tanong ko ulit.

   "Wala naman. Basta, wag ka nalang masyadong lalapit sa kanya.... Ayokong maagaw ka nya sa akin..." sagot ni Allen. Nabigla ako sa sinabi nya. Di agad ako nakaimik noon. Magtatanong pa sana ako sa kanya pero nasita kami ng aming guro na noo'y nasa harapan na pala namin. Napatingin nalang ako sa likuran pakaraang nawala na ulit ang atensyon ng teacher namin sa aming dalawa. Napatingin ako sa direksyon ni Errol. Nagulat pa ako noon dahil pag lingon ko ay nakatingin ito sa akin at ngumiti pa...

   Pagbalik ko ng tingin ko sa harapan ay bigla akong hinawakan ni Allen sa kamay. Isang haplos sa una pagkuwa'y pisil. Kakaiba ang naramdaman ko noon. Napatingin ako sa aming mga kamay. Pagatapos ay sa mukha nya. Tutok ang atensyon nya sa notebook na nakapalapag sa desk nya. Iba ang hitsura nya. Seryoso at di maipinta.

  "Espren, ano ba talaga? Naguguluhan na ako sayo..."

******

  AUTHOR'S Note:

    Hi sa mga readers ko. Ngayon palang ay nagpapasalamat na ako sa lahat ng nagbabasa at nagvovote ng story ko na 'to. Nakakahiya dahil di ako mabilis makapag update. Biglaan lang din kasi 'tong story na ito at hindi ko pa alam ang isusunod.

    Anyways, sana ay nagugustuhan nyo ang story na ito. Please keep on voting and if you are up to it, you can leave your comments in my message board or here at the comment box. Thanks.

    ~Kuya Eros

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon