Pagkauwi ng bahay ay agad akong nagmano kay mommy na busy na sa kusina para sa pagluluto ng hapunan bago ako dumiretso sa kwarto ko. Si Retch naman ay malamang nasa kanyang kwarto at nagkukulong para makapaglaro ng kanyang mga RPG games.
Ibinaba ko ang gamit ko sa tabi ng side table ko at magpapalit na sana ng damit ng maalala ko ang detalye ng pupuntahan kong orientation bukas.
Mamaya ko nalang sasabihin kay mommy sa dinner. Ang sabi ko sa sarili ko.
Hinubad ko na ang uniform ko at nagpalit ng pambahay na damit pagkatapos ay ginawa ko na agad ang mga assignments at nagreview na agad ako ng lessons.
Alam ko na hindi magiging madali ang ginagawa ko dahil nasa ibang lugar ang utak ko pero pinilit ko pa din. Maya maya pa ay sumakit na din ang ulo ko kaya napabuntong hininga nalang ako.
"Hay nako Allen! Ang hirap mo ispelingin!" Bulong ko sa sarili ko bago ako tumayo at pabagsak na humiga sa kama ko.
Tatayo na sana dapat ako para lumabas ng makarinig ako ng mga katok galing sa pinto ng kwarto ko.
"Kuya, kakain na daw sabi ni mommy!" Sigaw ni Retch sa labas, sapat na para marinig ko sya. Napatingin naman ako sa orasan at nakitang alas syete na pala ng gabi. Matagal tagal din pala ako sa study table ko.
Paglabas ko ay nandoon padin si Retch kaya sabay na kaming bumaba para makapag hapunan na. Pagdating naman namin sa kusina ay nakahain na si mommy.
Sa hapag-kainan, tahimik kaming kumain bukod sa panaka-nakang tanong ni mommy sa araw namin at ang pagbibigay ko ng detalye ng orientaion ko para sa Club bukas. Mabilis lang din kaming natapos at ako ang naatasang maghugas ng pinagkainan, sa ayaw ko man at sa gusto.
**************
"Allen, pagkatapos nating kumain, hugasan mo ang mga pinggan ha." Malambing na sabi ni mommy matapos ang mahaba habang katahimikan. Muntikan pa akong masamid doon dahil madalang lang kaming mautusan ni mommy sa kusina. Ayaw nya kasi ng may ibang gumagalaw ng mga gamit sa kusina bukod sa kanya.
Magrereklamo pa sana ako nang maalala kong may parusa pa nga pala akong dapat harapin kaya nanahimik nalang ako. Nakarinig naman ako ng mahinang bungisngis sa aking gilid kaya madali akong napatingin kay Retch na halata naman na nagpipigil ng tawa.
"Ahh at Retchel, anak, gusto kong itigil mo na yang paglalaro ng online games ha. Gabi gabi ka nang nagpupuyat. Alam mo na ang mangyayari pag sumuway, okay?" Sabi ni mommy na hindi man lang nag angat ng paningin. Napabusangot naman si Retch na ikinatuwa ko din naman.
***********************
Pagkatapos kong gawin ang ipinagawa ni mommy ay agad akong nagtungo sa aking kwarto para makaligo at makapag palit ng damit. Pasado alas nueve na ng gabi at malamang ay tulog na si mommy. Maaga kasi iyon natutulog.
Naka shorts lang ako at naka plain white v-neck shirt na pinatungan ng black na polo tas sneakers nang lumabas ako ng kwarto ko. Dahan dahan pa akong naglakad pababa ng hagdan para masigurado na walang ingay akong magagawa.
Nang nasa kalagitnaan na ako ng hagdan ng biglang sumulpot si Retch galing sa baba. Nagkatinginan pa kami saglit, parehas kaming natigilan.
"Aha! San ka pupunta kuya?" Sabi ni Retch. Hindi naman malakas pero baka marinig parin ni mommy.
"Shhh! Wag ka ngang maingay! Ah... Ehh.. May pupuntahan lang ako saglit. Babalik din ako agad." Paliwanag ko. Sumenyas naman si Retch na parang nag iisip.
BINABASA MO ANG
The Day We Both Cried
RomanceMahal ko ang Best Friend ko. Matagal ko na 'tong tinatago sa lahat. Lalo na sa kanya. Alam kong mali pero sumugal padin ako. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nawala lahat 'yon. Nasira ang lahat sa amin. Nang dahil sa pangyayaring iyon kaylangan na...