A/N:
Hi! Sorry sa late upload para sa lahat ng nagbabasa ng story na ito. Biglang nawala ang Chapter 9 at 10 ko kaya gumawa ulit ako ng bago.Dahil nga din sa nawala ang ilang mga Chapters ko ay nawala ako sa story line kaya medyo natagalan... Sorry ulit! Hehe...
********************************
Kinaumagahan, maaga ulit akong nagising. Maaga akong naligo at nakapagbihis para sumalo kila Mommy at Retch sa breakfast. Masaya ako dahil kahit papaano gumaan gaan ang pakiramdam ko. Kahit papaano ay nabawasan ang mg problema ko.
Okay na ang problema ko sa katauhan ko. Ang tanging natitira nalang ay ang problema ko kay Allen, kay Errol. At ang problema ko sa puso ko.
Nang maisip ko yon, medyo nabawasan ang ngiti ko pero hindi yon ang magiging dahilan para mawala ako sa mood.
"Dave, anak, mukhang maganda ang gising mo ngayon ah?" Sita sa akin ni Mommy sabay ngiti ng makahulugan.
"Opo Mommy, atleast ngayon malinaw na ang isip ko sa mga problema ko." Paliwanag ko naman.
7am na pero wala padin ang hinihintay kong tao. Hindi na naman kaya sya papasok? Sana dumatin na sya para makausap ko na sya. Gusto ko nang matapos ang problema ko na ito.
"Oh, anak, bakit naandito ka pa? Baka malate ka na nyan..." Sabi ni Mommy pagkalabas nya ng kusina.
"Ahh Mommy, hinihintay ko po si Allen." Sagot ko naman.
"Bakit hindi mo tawagan? Para alam mo din kung dadating ba sya. Teka, tinext mo na ba?" Sabi ni Mommy.
"Tinetext ko po sya, kaso hindi naman po nagrereply. Tinawagan ko na din po pero hindi sya sumasagot." Paliwanag ko. Napayuko naman ako at sumimangot.
"Sinubukan mo na bang tumawag sa telepono nila?" Tanong ni Mommy.
Nagliwanag naman ang mukha ko at agad na pinuntahan ang telepono namin na nasa gilid lang ng sala namin na malapit sa hagdan. Agad akong nagdial ng mga numero. Ilang ring din ang narinig ko bago ito sagutin ng kabilang linya.
"Hello, de Guzman Residence. Sino po sila?" Bati ng babae sa kabilang linya.
"Good morning po Tita. Si Dave po ito. Itatanong ko lang po sana kung papasok si Allen ngayon?" Bungad ko.
"Ah Dave, oo papasok sya ngayon. Teka, wala pa ba sya dyan? Maaga syang umalis ng bahay." Sabi ni Tita May.
"Ahh... Ganun po ba? Sige po Tita, salamat po!" Malungkot kong sagot peeo nakabawi naman agad ako at nagpaalam na din agad.
Pagbaba ng tawag ay agad kong kinuha ang bag ko sa sofa para umalis na.
"Mom, aalis na po ako!" Sabi ko habang dire-diretsong lumabas ng bahay...
***********************
Pagdating sa school, agad naman akong pumasok ng room namin. Isang tao lang ang hinanap ng mga mata ko at nakita ko din naman agad iyon.
Si Allen. Nakaupo na sya sa upuan nya habang nakayuko at nagbabasa ng notes na tingin ko ay hiniram nya lang sa kaklase namin.
Naglakad ako palapit sa upuang katabi nya at naupo agad. Hindi agad ako nakapagsalita pero pinilit kong kausapin si Allen.
"Allen, anong nangyayari? Bakit hindi ka pumasok kahapon?" Bungad ko pero hindi man lang nya ako pinansin. Sinubukan ko ulit magsalita.
BINABASA MO ANG
The Day We Both Cried
RomanceMahal ko ang Best Friend ko. Matagal ko na 'tong tinatago sa lahat. Lalo na sa kanya. Alam kong mali pero sumugal padin ako. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nawala lahat 'yon. Nasira ang lahat sa amin. Nang dahil sa pangyayaring iyon kaylangan na...