Chapter 8: "11:11" pt. 1

17 2 1
                                    

"Ikaw ang tinutukoy ko Dave. Gusto kita. Hindi lang gusto... Mahal kita Dave..."

Arrrghh!!! Bulyaw ko sa sarili ko habang paikot ikot sa kama ko. Hindi ko na nga naintindihan kung papano ako nakauwi eh. Tapos paulit ulit pang sumasagi sa isip ko yung nangyari kanina...

*****************************

"Gusto kita Dave, handa naman akong maghintay sa sagot mo eh. Bigyan mo ako ng chance." Pagpapatuloy ni Errol.

Nasamid na ako noon at hindi magkanda tuto kung papano ang gagawin ko. Nabigla din naman si Errol at napatayo sa upuan nya para lapitan ako.

Pagkalapit naman nya ay hinagod nya ng kanyang palad ang likod ko. Dahil doon ay medyo umayos naman ang pakiramdam ko pero andoon padin yung gulat sa mga pinagsasasabi ni Errol.

"Pinagtitripan mo na naman ba ako Errol? Hindi yan magandang biro!" Inis na sabi ko.

"Totoo to Dave! Sana naman mapagbigyan mo ako." Nahihiya nyang sabi. Namumula sya. Mabilis lang naman yun makita dahil maputi sya.

"Pero mali to Errol. Parehas tayong lalake, nahihibang ka na..." Paliwanag ko.

"Wala akong pakialam doon Dave. Mahalaga ka sa akin. Ayokong maunahan ako ng ibang tao dyan. Totoo to." Sabi ni Errol na ngayon ay seryosong nakatingin sa akin.

"Gusto ko nang umuwi Errol, please..." Sabi ko sabay tayo at lakad palabas. Hindi naman na sumunod si Errol pero may sinabi pa sya bago ako makalayo sa table namin.

"Pag isipan mo Dave. Pakinggan mo kung anong sinasabi ng puso mo. Alam ko, parehas tayo ng nararamdaman. Bigyan mo sana ako ng chance..."

****************************

Ano ba itong nangyayari sa buhay ko? Peste. Una si Allen. Ngayon naman si Errol.

Napabalikwas ulit ako sa higaan ko. Nakatodo naman na ang aircon ng kwarto ko pero init na init padin ang pakiramdam ko. Naisip ko na naman si Errol.

Kaya pala ganoon ang mga kilos ni Errol kapag magkasama kami.

Napahawak naman ako sa dibdib ko. Sa tapat kung saan naroon ang puso ko. Malakas ang tibok nito. Nararamdaman ko ulit yung feeling na nakakakiliti na parang sasabog ang kung anumang nasa dibdib ko.

Pagbigyan mo na. May kung anong bumubulong sa isip ko na pagbigyan ko sya. Na tanggapin ko yung inaalok na pag ibig ni Errol sa akin.

Pero mali kasi eh. Sa mata ng mga tao, mali ito. Parehas kaming lalaki!!

Napatingin ako sa orasan sa side table ko at nakitang 11pm na pala. 11:11pm to be exact. Ano nga ba ulit yung sinasabi nila tungkol sa 11/11 na yan sa orasan? Hayss, hindi ko na talaga maintindihan ang nangyayari.

"Sana naman may magpaliwanag sa akin ng mga nangyayari sa buhay ko. Haysss..." Bigla ko nalang nasabi sa sarili ko.

Dahil sa init na init ako sa katawan ko ay napagdesisyunan kong bumaba para kumuha ng maiinom. Paglabas ko palang ng pinto ng kwarto ko ay narinig ko nang bukas pa ang tv sa sala namin. Bukas padin ang ilaw. Gising pa si Mommy.

Pagbaba ko ng hagdan ay dumiretso agad ako sa kusina at uminom ng tubig. Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang tawagin ako ni Mommy.

"Dave, anak..." Tawag sa akin ni Mommy. Pumunta din naman agad ako sa sala at umupo sa sofa katabi nya.

"Dave, nitong mga nakaraang araw napapansin kong nag iiba ka. Kahapon ay umuwi kang umiiyak. Anong problema?"

"Mommy, hindi po ako umiiyak. Napuwing lang po ako ng ins-"

"Ah ah ah, hindi ka pwedeng maglihim sa akin anak. Alam mo yan. Hindi ka napuwing kahapon. Anong problema? Makikinig naman ako eh..." Pagpuputol ni Mommy sa sasabihin ko.

Hindi ko alam kung papano ko sasabihin sa kanya ang lahat lahat. Na ano? Ang panganay nyang anak ay bading? Gay? Homosexual? Baka itakwil ako nila Mommy at Daddy. At mas malala pa noon, ng buong angkan ko!

Nakayuko lang ako. Nag iisip kung itutuloy ko ba na magkwento kay Mommy o hindi. Pero siguro eto na yung hiniling ko kanina. Sana maintindihan ni Mommy.

"Mommy, iba kasi nararamdaman ko sa sarili ko eh." Pag uumpisa ko. Tumingin ako saglit sa kanya at nakita kong nakatingin lang sya sa akin. Hudyat na magpatuloy ako.

"May kakaiba akong nararamdaman sa katawan ko. Alam ko na mali ito kasi lalake ako pero iba ang sinasabi ng puso ko Mommy. Hindi ko alam pero nagkakagusto yata ako sa kapwa ko lalake..." Pagsisiwalat ko. Hindi ako makatingin sa kanya pero nang wala akong narinig mula sa kanya ay napatingin ako.

Nakatingin padin si Mommy sa akin. Hindi nawawala yung blanko nyang hitsura pero bigla din naman itong napalitan ng isang maliit na ngiti noong magtama ang mga mata namin.

"Anak, alam mo bang normal lang yan sa mga tao. Lalo na sa mga kabataang kagaya mo. Dumadating yung punto sa buhay nila na maguguluhan sila sa kung ano yung nararamdaman nila sa sarili nila. Kaya minsan may mga lalakeng nagkakagusto sa lalake at meron din namang babaeng nagkakagusto sa kapwa nila." Paliwanag ni Mommy.

"Isa lang naman sa dalawa ang pipiliin mo eh. Yung sinasabi ng utak mo o yung tinitibok ng puso mo. Yun lang yun. Ikaw ang bahalang magdesisyon kung alin ang masusunod Dave. Basta, alam mo namang nandito lang kami sa tabi mo diba? Alam ko maiintindihan ka ng Daddy mo." Naguguluhan ako sa mga sinasabi ni Mommy. Expected ko na magagalit sya pero hindi. Maluha luha pa ako noon na nagtanong.

"Anong maiintindihan ni Daddy? Hindi ko kayo magets." Tanong ko.

"Alam ko lahat ng sekreto ng Daddy mo. At alam nya din lahat ng sa akin. Sigurado akong maiintindihan ka nya dahil nagdaan din sya sa ganyang sitwasyon." Sabi ni Mommy.

"H-ha?? Si Daddy? Talaga??" Gulat na reaction ko pa. Tumango lang si Mommy.

"Basta Dave, kahit ano pa man ang sundin mo, andito lang ako sa tabi mo. Kami ng Daddy mo. Wag mo lang iapapahamak ang sarili mo anak. Ilagay mo sa tama lahat ng gagawin mo. Wag kang makinig sa sasabihin ng ibang tao, basta push lang." Sabi ni Mommy. Napayakap nalang ako sa kanya. Nakakatuwa naman dahil naiintindihan pala nila ako.

Gumaan ang pakiramdam ko. Feeling ko nabawasan yung dinadala ko dahil nailabas ko na sya. Bigla na namang pumasok sa isip ko si Errol.

"Mommy, may isa pa kong problema ehh..." Sabi ko pagkaalis ko sa yakap namin ni Mommy. Napatingin nalang sya sa akin para magpatuloy ako.

"Ganito kasi yan..." Ikinuwento ko sa kanya si Errol. Kung ano sya sa akin. Pati yung nagyari kanina sa Cafe nila.

Nakinig naman si Mommy sa paliwanag ko at pagkatapos noon ay natawa pa sya.

"Hindi ko akalaing magkakaroon ako ng dalaga agad. Hahaha." Kantyaw ni Mommy. Napasimangot naman ako.

"Basta Dave. Sundin mo kung ano ang binubulong sayo. Pag isipan mong mabuti lahat ng gagawin mo bago ka gumawa ng hakbang. Nasa iyo kung anong pipiliin mo." Pagpapatuloy pa ni Mommy.

Napansin ko naman na 2am na pala sa orasan kaya nagpaalam na ako kay Mommy na matutulog na at maaga pa ang pasok ko mamaya. Yumakap muna ako at humalik bago ako umakyat sa taas at nahiga sa kama ko.

Panatag ang loob kong nakatulog pagkatapos noon.

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon