Dave's POV:
Lunes isang Summer. Magkasama kami noon. Unang pagkikita palang siguro alam na namin sa isa't isa yung feeling na iyon. Nakakakiliti sa tyan na parang sasabog ang dibdib mo sa kaba.....
*KRIIINNNNGGGG!!
Hmmmm... Ano ba un?
*KRIIINNNNGGGG!!
"Waaahhhh!!" napabalikwas ako ng higa at biglang napaupo ng tumunog ulit ang orasan sa side table ko.
"Hmm, panaginip lang pala... Weird..." hindi ko alam kung bakit pero ganun nalang lagi ang napapanaginipan ko. Lalo na pag summer...
"Dave, anak, bumaba ka na dito at baka malate ka pa..." sabi sakin ni mommy pagkatapos ay kumatok pa ito sa pintuan ng kwarto ko.
"Opo ma, andyan na." tanging sagot ko. Nakakatuwa at highschool na ko ngayon. Hmm, teka, nakapagpakilala ba ko last time? Kung hindi pa...
Ako nga pala si John Dave delos Santos. 14 years old na ako ngayon at third year high school student n din. Ngayung araw din na to ang unang araw ko sa bago kong school. Nagpalipat kasi si Allen sa public school since nagkakaproblema ang kanyang mga magulang sa budget. Dahil dun, pinilit ko si mommy na ilipat din ako sa public school na papasukan ni Allen. Nagtaka si mommy at first pero sabi ko sa kanya na gusto ko kasama si Allen hanggang makatapos kami ng pag aaral. Konting usap pa and Viola! Napapayag ko din naman si mommy.
Marami ding nangyari samin nung elementary kami. Halos lahat na yata napagsaluhan namin kaya wala na kaming maitatago sa isa't isa. Nandyan yung sabay kami manuod ng t.v.. Sa lahat ng lakad, lagi kaming magkasama. Sabay kami maligo at sabay din kami matulog dati. Minsan sa kwarto nya, minsan naman sa kwarto ko...
Mabilis lang akong naligo at nag toothbrush. Pagkatapos noon ay bumaba na din ako at dumiretso na sa kusina. Naabutan ko si mommy na nagluluto ng almusal. Suot nya yung favorite na apron nya at sa ilalim noon ay naka pajamas pa sya. Yeah, she may be old pero mukha parin naman syang bata.
"Oh anak, kumain ka na dyan ha." sabi nya nang makita nya ako. Umupo na ko sa isa sa mga upuan sa dining table at nagsimula nang kumain.
"Anong plano mo ngayong araw na to anak?" tanong ni mommy ng makaupo na din sya.
"Nothing in particular po. Magtetext naman ako pag may biglaang lakad ma." sagot ko. "Nga po pala, asan si Retch? Tanghali na sya ahh..." dugtong ko pa. Si Retch nga pala ang nakababata kong kapatid! Yeah, i have a younger sis na... She's 9 years old na and nag aaral na din... Grade 3.
"Ah nauna na sayo yun anak. Ambagal mo kumilos eh. Kanikanina lang din sya nakaalis." sabi ni mommy at napangiti nalang ako at pinagpatuloy ko ang pagkain. Sweet at malambing si Retch. Magkasundong magkasundo nga kami sa lahat ng bagay at madalang kami mag away.
Maya-maya pa ay may kumakatok na sa pintuan namin sabay bukas nito. Iniluwa nito ang isang gwapong nilalang. Oo, wala parin syang kupas. Mas lalo pa ngang nadagdagan ang kakisigan nya.
"Good morning every one! Tao po. Tita?" tawag nya pagpasok sa bahay.
"Oh good morning din Allen. Maaga ka ata ngayon? Buti na nga lang at maaga ko din nagising tong kaibigan mo. Teka lang at tatawagin ko na ha." narinig ko pang sabi ni mommy. Sinalubong nya na kasi si Allen sa sala. Pagkarinig ko noon ay dali-dali ko nalang din inubos ang pagkain ko, uminom ng tubig at lumabas na ng kusina.
"No need na po mommy, tapos na ko and we'll be going na din..." Sabi ko.
"Ang aga ng english mo espren! Haha, wala pa naman akong dalang tissue!" pagbibiro ni Allen. Ngiti lang ang sinukli namin ni mommy.
BINABASA MO ANG
The Day We Both Cried
RomanceMahal ko ang Best Friend ko. Matagal ko na 'tong tinatago sa lahat. Lalo na sa kanya. Alam kong mali pero sumugal padin ako. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nawala lahat 'yon. Nasira ang lahat sa amin. Nang dahil sa pangyayaring iyon kaylangan na...