A/N:
Hi sa lahat ng nagbabasa!! Hayss, kung meron man. Hahaha. Nakakatuwa, natutuwa ako sa story kong ito. Basta, kapit lang kayo guys. Tatapusin ko ito!! *Fighting* (~_^)
********************
Nang maramdaman ko ang pag agos ng mga luha ko ay sigurado na ako sa nararamdaman ko. Kahit mali, kahit hindi pwede, kahit pa masaktan ako.
Hinabol ko si Allen na noon ay lumiko na sa sumunod na kanto. Yung ikatlong bahay doon ay ang bahay nila. Sa amin ang ika apat. Pagliko ko sa kanto na tinakbuhan ni Allen ay wala na sya. Nakapasok na sa kanila.
Tinakbo ko padin yung layo na yun. Paghinto ko sa gate nila ay nag alangan pa akong kumatok. Hindi ko alam ang sasabihin ko kay Allen. Nawala na naman sa dibdib ko yung kaninang lakas ng loob na saglit ay tumubo dito. Sa huli wala din akong ginawa. Lumagpas ako. Pinalagpas ko yung pagkakataon. Naaasar ako sa sarili ko.
Pinalagpas ko ang pagkakataon! P*tang ina naman Dave. Mura ko sa sarili ko. Bakit mo pinalagpas? Bakit ka umalis??
Pagdating ko sa bahay, nadatnan ko si Mommy na nagdidilig ng mga halaman nya sa mini garden namin. Pag aalala agad ang reaksyon na rumehistro kay Mommy nang makita nyang pugto ang mga mata ko at kagagaling lang sa pag iyak.
"Dave, anak, anong nangyari?" tanong agad ni Mommy. Iniwan nya ang ginagawa para lumapit sa akin pero nilagpasan ko lang sya.
Sorry Mommy. Wala ako sa mood makipag usap ngayon. Please, pabayaan mo muna ako.
"A-ahh... E-ehh, wala to Mommy! Kanina kasi tumakbo kami sa school bago u-umuwi... Tas may pumasok na insekto s-sa mata ko." paliwanag ko nalang. Kagatin mo Mommy please.
"Okay ka na ba, Anak? Masakit ba? Malaki ba yung pumasok na insekto?" Bakas padin ang pag aalala ni Mommy sa akin.
"Okay na po Mommy, don't worry. Ayos na po." Sagot ko sabay lakad papasok ng bahay.
Nagdiretso naman agad ako sa kwarto ko. Pagkapasok ko ay inilock ko ang pinto tapos ay inilapag ko lang yung bag ko sa study table na nasa tabi ng bed ko sabay pabagsak na humiga sa kama. Umiiyak na naman ako.
---------------
Di ko namalayan nakatulog pala ako sa pag iyak. Nagising nalang ako nang marinig na kumakatok si Mommy.
"Dave, anak? Dinner na. Lumabas ka na dyan." Tawag nya.
"Opo Mommy. Saglit lang po." sagot ko naman. Akmang tatayo na sana ako nang mapansing naka uniform pa pala ako. Dumiretso na muna ako sa cr ng room ko para maligo at magpalit ng damit.
7pm na pala. Dalawang oras din pala ako nakatulog. Pagpasok ko sa cr ay agad kong nakita ang repleksyon ko sa salamin. Grabe ang haggard ko! Namumugto ang mata at magulo ang buhok. Wala din sa ayos at medyo madumi ang mukha ko.
Naghilamos muna ako bago ko hinubad ang lahat ng damit ko pagkatapos ay tumapat sa shower. Maligamgam ang tubig. Nakakarelax. Tumingala ako at pagkuwan ay tumama ang tubig sa mukha ko. Pababa sa leeg ko, sa dibdib, tyan at likod, pababa. Naramdaman kong nag loosen up yung mga muscles ko na nabigla sa training kanina sa Taekwondo.
Wala na muna akong iisipin sa ngayon. Grabe naman kasi. Monday palang, bad vibes na agad...
Mahalaga ka sa akin Dave. Mahalagang mahalaga...
Bigla akong napamulat nang bumalik sa isip ko iyon. Sakto namang nakatingala ako kaya pumasok yung tubig sa mata ko tapos ay nadulas pa ako kaya napaupo ako sa sahig ng cr.
BINABASA MO ANG
The Day We Both Cried
RomanceMahal ko ang Best Friend ko. Matagal ko na 'tong tinatago sa lahat. Lalo na sa kanya. Alam kong mali pero sumugal padin ako. Pero ng dahil sa isang pagkakamali nawala lahat 'yon. Nasira ang lahat sa amin. Nang dahil sa pangyayaring iyon kaylangan na...