Chapter 5: Phantasma at Taekwondo Club

28 2 0
                                    

Pagkaalis na pagkaalis ni Errol sa room ay tinawag agad ako nung isang lalaking nakaupo sa teacher's table sa harap ng room. Yung ibang estudyante na sa tingin ko ay mga myembro ng Phantasma ay nakaupo sa mga upuang nakaharap sa lalaking yun. Payat sya, medyo mahaba ang buhok at mukha talagang matalino. May aura sya na parang kaylangan respetuhin mo sya dahil sa group sya ang authority.

"Hi, good morning sayo. Ako nga pala si Francis Leo Tanyag at ang pinasukan mong club ay ang Phantasma. So, would you care to introduce yourself?" sabi nya. Feeling ko hindi naman sya ganun kagrabe tulad ng inaakala ko kanina. Nakasmile sya ngayon sa akin at magaan ang hitsura nya. Tumango lang ako at humarap na sa iba pang mga tao sa loob ng room... Nasa sampu sila, kasama na si Francis sa bilang.

"Hi sa inyong lahat and good morning. Ako si John Dave Delos Santos but you can call me Dave for short. I am a Junior student in section A. Mahilig akong magbasa ng books specially adventure, fantasy, sci fi, and thrilling mystery books. Sana makapasok ako sa club nyo." sabi ko while smiling sa kanila. Nakinig naman sila ng maige and medyo serious sila kaya medyo natensed ako.

"Okay, thanks Dave. Pero bago kita bigyan ng registration form gusto ko sanang mag recite ka ng isang verse sa kahit anong book na nabasa mo. Then, isa din sa poems na alam mo. Also, include the author ha.. Go." seryosong sabi ni Francis. Nagkatitigan lang kami for a second then nung akala nya wala akong maibibigay nagsalita ako.

"The fault, dear Brutus, is not in our stars. But in ourselves... The Fault in our Stars by John Green." napangiti lang sya sa akin. Motioning to continue.

"The sun will rise but with the stars. Its yellow rays will form gold bars. The color of the rainbow shine. The sea will play its mellow chime. For the world you have been born, a great majestic Unicorn... Unicorn by Author Unknown.." pagkatapos ko ay nagpalakpakan ang mga nakaupo sa smga silya sa room. Napataas ang kilay ni Francis at sumilay na muli ang ngiti sa kanyang mukha.

"Wow.. I was just joking around kanina. Pero napabilib mo ko. Ang galing... Mukha ngang marami kang alam and you really deserve to be here sa 'guild' namin. Here's your registration form. Fill it up and submit it to me after. I am looking forward sa mga contributions mo sa Phantasma Dave." sabi ni Francis pagkalapit nya sa akin sabay abot ng registration form. Pagkatapos noon ay nakipag kamay pa sya sa akin at pinaupo ako sa upuan na malapit lang din sa harap ng room. Habang nagfi- fill up ako ng form ay kinakausap ako ng ibang mga members ng Phantasma.

"Hi Dave! Ako si Kymbhyrly Faye Dy. Kym nalang for short. Ang galing, binabasa mo din pala ang works ni John Green. That was nice." sabi ng isang babae sa akin. Maliit lang sya, fair ang complexion, medyo boyish pero nakangiti sya all the time.

"Hindi naman masyado. Actually kasisimula ko palang na basahin yung book. Hindi ko pa sya tapos." sagot ko.

Mababait sila at napag alaman ko na halos lahat ng nasa silid ngayon ang mga pioneering members ng club nila. Si Ralph Ervin Vertudez at si Ludielyn Mahinay na pansin kong laging magkatabi ay mag partner pala. Si Ludie ay may medyo kulot na buhok, maputi sya at nakasalamin samantalang si Ralf naman ay kayumanggi at matangkad. Si Sharleen Lanao at Dayanara Manarin ay magpinsan. Matangkad na slim si Sharleen samantalang si Dana naman ay medyo short built at chubby. Si Jamil Avellano na palaging kakulitan nila Dana at Sharleen ay kaklase nila. Medium built si Jamil, kayumangi at maingay din. Si Janet Tejada ay laging nakadikit kay Francis at lagi din silang nag uusap. Sya pala ang tumatayong secretary ng Phantasma. Si Marjorie Alvarez at si Cariza Ortega naman ang magkasama. Magkaklase sila at magkaibigang matalik din. Parehas sila halos sa pisikal na kaanyuan at lagi silang magkasundo.

Sabi pa nila meron lang halos dalawampu o tatlompung estudyante ang nagpasa ng registration form sa kanila pero ayos na din yun. Pagkapasa ko ng form ko ay nanatili muna ako sa silid kasama nila. Nag uusap usap sila tungkol sa mga plano nilang activities sa darating pang mga buwan. Maglalabas din sila ng mga babasahin na sila mismo ang may akda. Syempre, kapag nakapasok ako ay maidadagdag daw nila ang mga maiaambag na stories at work piece ng mga bagong myembro.

The Day We Both CriedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon