Chapter 5

191 12 0
                                    

CHAPTER 5: READER AND THE PHOTOGRAPHER




Umahon kami at isinama ko siyang umupo sa paborito kong pwesto para mag kwentohan. "I never drowned, it's part of my job as a photographer..." sabi niyang nakatitig
sa akin.

"As a photographer? So you mean you're taking pictures of your self under the water...?" Natawa ako.

Napakamot siya sa ulo "Yeah..." sabay tawa niya.

"Grabe ka, buwis-buhay progect," sambit ko.

"What?" Tanong niya.

"Don't mind it. So by the way, my name is Maripusa Grayson." Sabay abot ko ng kamay.

Nakipag shake hands siya sa akin "Robin Constantine..." pagpakilala niyang may ngiti sa labi.

"So, where you from?" Tanong ko.

"London, United Kingdom." Sagot niya.

"Wow that's one of my favorite country..." napanganga ako habang ngumi-ngiti.

Bigla siyang may kinuha na notebook mula sa kaniyang bag "Finally, I already check my second to the last bucket list."

Nagiging giraffe na ako kakasilip sa notebook niya "Can I see?"

Agad niya itong inilayo sa akin "No, it's my secret." Idinapo niya ito sa kaniyang dibdib.

"So I can you help you complete it..." nakanguso kong sabi.

"No, because you're already here." Mahina niyang sabi habang ibinalik sa bag ang notebook niya.

Kumunot ang noo ko "What? Hindi ko masyadong narinig ang sinabi mo..." napakamot ako sa ulo, langaw lang ata nakarinig sa mga sinabi niya.


Nilingon niya ako "Nothing. Anyway, visit Philippines is a birthday gift for myself..." sambit niya.

"Really...Happy Birthday!" Pagbati kong may abot tengang ngiti habang pumalakpak na parang bata.

"It's already done, July 7. I'm 21 years old." Sagot niyang may ngiti sa labi.

Napalunok ako "Happy belated birthday then..."

Lumingon siya sa karagatan "Thank you. I found myself here, I always watch videos about Philippines and research some destinations." Tanging sa karagatan lang siya nakatitig.

"I can tour you..." sabi ko.

Abot tenga ang ngiti niyang humarap sa akin "Really?! Thank you so much...can we go now...?" Tila nais na niyang tumayo.

Biglang naalala kong not to trust easily lalo na kapag strangers. Marami ng napapahamak dahil sa pagsuway ng kasabihang "Don't talk to strangers" bilang babae kailangan kong protektahan ang sarili. "Niknik mo!" Agad akong tumayo at kinuha ang bag ko.

"What?" Napaangat ng tingin siya sa akin.

"We're strangers, I guess you get my point." Humakbang ako paalis.

"I-I'm sorry..." sagot niyang maamo ang boses.


Napahinto ako at nakita kong nakayuko ang ulo niya at tsaka muling tinanaw ang karagatan. Lumakad na ako palayo pero laging tumitibok ang puso ko na parang nagsasabing "Siya na, siya na ang para sa'yo kaya huwag mo siyang iiwan..." Huminto ako at muling ibinaling ang tingin sa kaniya.

"Kung magkikita tayong muli, it's a sign na dapat kitang pagkatiwalaan at pakinggan ang kung ano man itong sinasabi ng puso ko..." sabi ko sarili habang tinitigan siya. Ang cute niya talaga...gusto ko siyang lapitan at sabihing joke lang, dahil naawa ako sa kaniya. Pero hindi, kailangan ko ng umuwi. Hayaan ko nalang ang tadhana na kumilos, kung kami talaga ay muling magtagbo ang mga mundo namin.







Pagdating ko sa bahay ay sinalubong ako nina Papa at Kuya sa labas. "Oi bunso okay ka lang...?" Tanong ni Kuya sabay hawak sa balikat ko.

Si Papa nama'y sinusuri ang mga kamay ko kung may sugat ba "Aming prinsesa wala bang nangyaring masama sa'yo?" Ito lagi sina Papa at Kuya, ginagawa akong baby princess na dapat protektahan, alagaan at huwag mapa-hamak.

"Saan ka ba pumuntang bata ka...alas singko na ng hapon alam mo namang hindi ko mapapatawad ang sarili kung may mangyayari sa'yo-"

"Dahil ipinangako niyo po kay Lolo na protektahan ako...opo alam na alam ko na po 'yan..." pagpatuloy ko sa paulit-ulit niyang sina-sabi.

Mayamaya lumabas si Mama "Marilita, okay ka lang ba? Wala bang sugat sa'yo..." sabay sinususi ang aking kamay at mukha.

Napakamot ako sa ulo "Wala po...okay lang po talaga ako..." nakakairita man pero mahal ko sila.

"Ah okay..." bumuntong hininga si Mama.

Agad niyang mahigpit na hinawakan ang bisig ko "Ikaw na bata ka...saan ka naman pumupunta...?!" Sabay hila niya sa akin papasok sa bahay at sumunod sina Papa at Kuya.

"Aray po Ma..." subrang diin ang paghawak ni Mama sa bisig ko.

Kumunot ang noo niya "Talagang masasaktan kang bata ka...nag cutting clases ka na naman!" Padabog niya akong pina-upo.

"Wala naman po silang klase, halos lahat ay may freedom kaya umalis nalang siya, dahil boring naman talaga do'n..." pinagtanggol ako ni Kuya.

"Pero mali pa rin ang ginawa niyang pag-cutting!" Taas boses ni Mama habang nakahawak sa kaniyang bewang. Tsk, parang hindi pa sanay si Mama sa akin.

"Anak huwag mo na 'yang ulitin." Sambit ni Papa.

"Opo pasensiya na po." Sagot ko habang pinipilit ngumiti.






Pagkatapos kong kumain, maligo at magbihis ay lumabas ako sa kwarto at nakita ko ang pamilya kong nasa sala habang nanunuod ng tv. "O anak hali ka na rito, ikaw nalang hinihintay namin..." tawag sa akin ni Mama.

"Batman po?" Humakbang ako palapit sa kanila.

"Oo anak idol natin, hali ka na..." sambit ni Papa at dali-dali akong pumagitna sa kanila. Movie marathon ang isa sa mga family bonding namin. Dati ibang trip ko sa kanila, pariho nilang gusto ang action, horror, mystery, thriller at ano pa. Samantalang ako ay nagbabasa ng mga love stories, minsan naman ako lang mag-isang nanunuod ng mga romance...pero ngayon iba na.

"Ayan sige! Suntokin mo...ipakita mo ang tunay na lalaki!" Ito na naman si Mama akala niya ata siya lang nasa paligid, kaya sabay kaming tatlo napatakip sa tenga. Isa sa mga awkward moment talaga namin ay sa cinema, ang lahat ay tahimik pero siya'y tumatalon-talon, sumi-sigaw, nanapak at minsan pa'y sinasabi ang mga theory kung anong susunod na mangyari, parang ako lang din dati.

"Napanood ko na ito eh...pero hindi ko maalala kung kailan, pero subrang ganda nito, ang ending ay-"

"Hep! Hep! Hep!" Pagtutol namin sa kaniya.

"Ma kung gusto mo dito ka sa gitna at i-kwento niyo nalang sa amin..." sabi ko.

"Langhiya ka talagang bata ka! Hindi ko na naalala eh, kaya manood nalang tayo..." napakamot siya sa ulo.

"Ayon mas maganda..." sabay naming sagot.

"Ayan sige suntokin mo! Sige pa! Ipakita mo ang tunay na lalaki!" Nagiging action star na naman siya.

"Aray...!" Napasigaw si Kuya dahil nasasapak siya ni Mama, subrang lapit kasi niya habang kami ni Papa ay dumistansya.

Kumu-kunot ang noo ni Kuya "Ma naman, ang sakit-sakit na ng likod ko..." sabay hilot niya sa kaniyang likod.

Tinawanan lang namin siya ni Papa "Hali ka rito anak, alam mo namang squad tayo pag dating sa movie marathon..." tawag ni Papa habang naka akbay sa akin.






Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon