CHAPTER 4: DESTINED
Nakatayo ako dito sa labas ng paborito kong lugar. Ang Oceana, ang suki kong stambayan na dalampasigan. Pagkapasok ko ay diretso kong inilapag sa buhangin ang bag ko at agad akong tumakbo sa baybayin na abot tenga ang ngiti at nilanghap ang malamig na hangin habang nakaangat ang mga kamay.
Umupo ako sa sulok na may kahoy. Hindi ko mapigilang maalala ang gustong-gusto ko gawin dati, ang magbasa ng mga libro sa dalampasigan at dito sa ilalim ng puno ang paborito kong pwesto. Gusto kong gawin, pero paano? Hindi na ako tulad ng dati na laging may dalang libro sa bag.
Pinikit ko nalang ang mga mata at sinubukang matulog, pero mas pinili kong titigan ang karagatan. Napakamot ako sa mga mata at pilit kong pinapalaki para mas matanaw kung tama ba ang nakikita ko sa dagat.
"A-Anong ginagawa niya diyan? Naku hindi..." agad akong tumayo at dali-daling tumakbo palapit sa dagat.
Tanaw ko ang isang kamay sa ibabaw ng tubig habang nakahawak ng camera pero wala ang katawan kaya malamang humihingi ito ng tulong dahil nalulunod. Lumangoy ako para mas madali akong makalapit, kung tatakbo lang kasi eh matatagalan, ang bigat kaya ng tubig. Pagkalapit ko ay agad kong hinawakan ang kaniyang kamay na may mga leather bracelet at hinila siya para maahon, mababaw lang pala ito.
"Ano ka bang bata ka! Ano bang ginawa mo dito?!" Nilakasan ko ang paghila sa kaniya na halos lumabas na ang mga ngipin kong nangangalit, nagtataka ako sa bigat nito na parang malaking bata. Napanganga ako at ang mga mata ko'y nanlaki nang bigla siyang tumayo, dahan-dahan akong nag-angat ng tingin dahil mas matangkad pa siya sa akin.
"Oh my breath." Napatakip ako sa bibig habang nakatitig sa lalaking subrang guwapo, subrang puti, napaka-charming, at ang kaniyang asul na mga mata ay mistulang mga bituin na kumikinang habang nakatitig sa akin. "Ito na po ba ang sign niyo Panginoon?" Nakatulala ako habang nakatitig sa kaniya na malamang isang foreigner.
"M-Miss...?" Ang kaniyang boses ay kasing lamig ng simoy ng hanging na kay sarap yakapin and his lips is perfect that I'm almost wanted to kiss him right now. Dahan-dahang bumaba ang tingin ng mga mata ko sa kaniyang katawan, at napakagat-labi ako, he's so hot and he doesn't have abs, but I want it and it makes me hungry, to be honest at walang halong biro ay mas gusto ko 'yong walang abs, plain lang ang katawan. Hoy ano 'tong mga pinag-iisip ko?!'
Bumalik ang tingin ko sa kaniyang mga mata "A-Ahm, are you my Barry Brown?" Naka ngiti ako sa labi habang dahan-dahan na gustong humaplos ang mga kamay ko sa kaniyang mga pisnging namumula. Jusko, wala na ata ako sa sarili ko...nakakahiya, ano itong ginagawa ko?!
Hindi ko alam anong nangyari sa akin, kahit anong pilit ko, ang tanging nagawa ko lang ay titigan ang charming niyang appeal. Anong meron sa lalaking ito?! Hindi ako 'yong tipong babae na easy to fall, sa dami ng nagka-gusto sa akin at umakyat ng ligaw, wala ni-isa akong naramdaman na masasabi kong sila na nga ang destined for me.
Sa dami ng mga lalaking nakakatagbo ko sa daan, sa school, sa mall, sa dalampasigan, at sa lahat ng mga lugar na napupuntahan ko ay wala akong nararamdaman tulad ng nadama ko sa lalaking ito. Nakatitig ako sa lalaking ngayon ko lang nakita pero nabubuhay ang puso ko at tumitibok ng mabilis. May bahagi ng katawan ko ang nagsasabing siya ang hinihintay kong future husband.
"Who's Barry Brown?" Tanong niya.
Mabuti't nagising ako sa kalutangan at naka hinga na ng maluwag "Hindi mo siya kilala...famous kaya 'yon na story character na base sa totoong tao na husband din ng author na si Agua Paraluman..." sagot ko.
"What are you talking about?" Tanong niya sabay ngiti sa labi. Pusa hold your breath! He have adorable smile! Tsk, nakalimutan kong foreigner pala siya.
"N-Nothing, just sharing my favorite story long time ago..." napakamot ako sa ulo.
"O-Okay. Then why are you here?" Dagdag niyang tanong.
Kumunot ang noo ko "I'm the one supposed to ask that, what are you doing?! Life is beautiful and you're going to waste it!" Tinaasan ko siya ng boses at inilalapit ang mukha kong nagsasalubong ang mga kilay, taika taika parang gusto ko na yatang maka-score ng halik.
"Your funny." Natatawa ang tuno ng boses niya. Oh my, parang may spark, ang cute niya tumawa. Tigilan niyo ako, nababalyo na ako!
"Do I look like funny?!" Seryoso kong sagot at pilit itago ang kilig.
"So let me guess, you've think I'm going to take suicide?" Naka ngiti siya habang inilalapit ang mukha sa akin at naghihintay ng sagot. Nanlaki ang aking mga mata at ang mga pisngi ko'y namumula, at kung kanina malakas ang tibok ng puso ko, will ngayon subrang lakas. Parang mahihimatay na yata ako!
"N-No...ang babaw nito para magpakamatay ka. Ang iniisip ko ay isa kang batang nalulunod..." my breath, sa subrang kaba ay nakalimutan ko na namang foreigner siya.
Dahan-dahan niya akong nginitian, kaya tinablan ako, ibinalik ko sa kaniya ang abot tenga kong ngiti na matagal ko ng tinatago na para lang talaga sa lalaking feel ko special sa akin. Bago pa nga nagkakilala. Ano bang meron sa lalaking 'to, dahil ang puso kong bato ay unti-unting lumalambot.
Since this day I meet him, masasabi ko ng he's the one, not a fictional character but a real man that I'll wish to share my moments with.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...