CHAPTER 19: LOVE CONTINUES
Lumabas na si Mama sa kwarto ko. Biglang nag ring ang cellphone kong nasa aking tabi kaya kinuha ko ito. Kumunot ang noo ko nang si Robin ang tumawag "Taena ka talaga!" Nangangalit kong sagot.
"Hey, are you okay?" Malamig ang boses niyang nag tanong.
"Okay?! Mukha mo okay! You broke my heart!" Nagsasalubong ang mga kilay ko at tila naging takore na naman ang ilong ko, umuusok. Pero halo-halo ang nararamdaman ko ngayon, may galit at the same time may tuwa dahil hindi niya ako nakalimutang tawagan, malaking bagay na ito sa akin.
"I'm so sorry..." paghingi niya ng tawad.
"Apology accepted, no! I mean, explained it first, you damn!" Tinaasan ko siya ng boses tsaka bumuntong hininga.
"It's a family problem against my happiness. On that night, Mom called with the news that my Dad had passed away so I had to go home. From the very start they don't want me to stay for a long time in any country I visit. Only this birthday, they let me stay for a months, and I choose Philippines." Sagot niya. Hindi din pala madali ang buhay ng Robin ko, kailangan pa lang pumili, sariling kaligayahan o pamilya. Excited akong ma-meet ang pamilya niya at mag tipon-tipon ang lahat para sa aming kasal, advance mag-isip lang pero panigurado naman akong mangyayari, kaya hihintayin kong darating ang araw na 'yon."Hey, are you mad? I'm so sorry..." marahil nagtataka siya dahil natahimik ako.
"Earlier. But now my heart is okay like kabog-kabog na..." napahawak ako sa dibdib ko.
"You mean you already forgive me?" Tanong niya at ewan pero parang ramdam kong ngumiti siya sa kabilang linya.
"Of course. I love you, so I won't give up for us and I won’t let you go." Abot tenga ang ngiti ko.
"Thank you so much. Sooner or later I'll be back, I promise. Love, you are my home, so please wait for me to come back." Sa mga sinabi niya ay muling nabuhay ang puso ko, ramdam ko pa kasing walang nag bago, tanging wala lang siya sa tabi ko pero may tiwala ako sa kaniya, sa aming relationship. Nagpapasalamat akong hindi pa natapos ang aming love story, tuloy ang pagmamahalan.
Agad akong sumandig sa unan "Always my Love, I will wait for you and your name will stay in my heart." Saad kong may ngiti sa labi.
Pinasok na namin ang Long Distance Relationship. Kakayanin ko ito, kaya sana ganun din siya, hihintayin namin ang isa't isa. Bawat araw lagi kaming nag ku-kumustahan, mag tawagan, message, video call. Mga bagay na kailangang gawin para mas maging matatag ang pag-ibig na malayo sa isa't isa.
Lagi kaming may communication, sa bahay, sa classroom, sa simbahan, sa gala at sa paboritong lugar na Oceana, tsaka 'di nawawala ang video call. Lagi-lagi may update sa isa't isa, kung kumain na ba, kung naligo na ba, kung anong ginagawa, kung nag-aral bang mabuti at kung magaling na ba kapag may sakit na nararamdaman. Ang hirap, na sanay na akong lagi siyang kasama, at nakaka-inggit makakita ng mga couples, kahit saan man ako lumingon, ang daming mga nagkayapan, halikan at lambingan.
Sumunod na araw. Ito nag video call na naman kami ni Robin my Love ko. Kinawayan ko siya "Hi Love! How are you today?" Abot tenga ang ngiti kong pagbati sa kaniya.
Pinipilit niya ngumiti "I-I'm fine my L-Loveee...how about y-you...?" Nahihirapan siyang magsalita na para bang hinahabol niya ang paghinga.
Napakunot-noo ako dahil sa labis na pagtataka "I'm okay. How about you? Seems like you're not okay,"
Bigla niyang tinakpan ang sariling bibig sa hawak niyang kulay asul na panyo "N-No, I'm okay. I-It's just a cough..." sagot niya at napa-ubo siya ng malakas na para bang may mga plemang nakabara.
Napanganga ako "That's not type of normal cough, you must go to the doctors!" Tinaasan ko siya ng boses.
Tumigil ang pag-ubo niya at tinitigan niya akong nagsasalubong ang mga kilay "Wait a minute, do you think I have serious ill?!" Pagalit niyang tanong.
"Not gonna lie!" Sagot ko.
"I'm okay, I can handle this. Goodbye Love." Naubo muna siya bago tinapos ang video call.
Sa subra kong pag-alala ay dali-dali akong nag research; serious illness that involves super heavy cough. Ang pangkaraniwang bumungad sa akin ay; Chronic cough, Asthma, Heart cough or Lung diseases.
Agad kong tinupi ang laptop at ibinalik sa drawer. Grabe naman, sinusubukan ko ngang mag think positive pero nakakatakot naman itong mga lumabas.
Hinaplos ko ang ulo ko at napabuntong hininga "Huwag kang mag-isip ng kung ano-ano, matapang si Robin, mag-tiwala ka sa kaniya. Magtiwala ka sa inyong pag-ibig." Sabi ko sa sarili.
Makalipas ang ilang araw. Nag video call ulit kami "Hi Love! Good morning!" Pagbati ko sa kaniya at nginitian lang niya ako sa labi. Mas lalo na akong nag-alala dahil balot na balot siya, naka hood, naka facemask at umu-ubo pa.
"Go see doctors right now!" Parang nangangalit na ang mga ngipin ko. Habang siya nama'y pinipilit pa rin ngumiti ng abot tenga habang hinihilot ang sariling dibdib.
"Gago ka ba?! Please I'm begging Robin!" Sinisigawan ko na siya at pinipigilan kong maluha dahil baka ikahina pa niya kung makita akong umiiyak.
Bumuntong hininga siya at maging ang hinga niya'y hindi na maganda "M-Maripusa, I just want you to know that I love you so much. Always remember, no matter what happens there's a boy named Robin Wayne Constantine, who always be with you..." ang bawat pag-hinga niya ay subrang bigat.Hindi ko na napigilang pumatak ang mga luha "Don't talk like this..." pinapahid ko ang sariling mga kamay sa mga luhang nakadapo sa aking pisngi. Iba na pakiramdam ko, masama na ito.
"Please find someone else, love someone else and open your heart to someone. Our love story end, and a right guy will come to continue your love story." Pilit niyang labanan ang nararamdaman.
"No! I promise, no one can replace you! No matter what happens, I will always choice you!" Sagot ko habang nagpatakan ang mga luha sa mga mata.
Bigla siyang tumalikod at umubo ng pagkalakas. Sumisilip ako para makita kung anong nangyayari sa kaniya, may hawak siyang tissue kaya mas inilapit ko ang mukha sa laptop at nakita kong may dugo ang tissue.Nanlaki ang mga mata ko "Robin what's going on...? Are you hiding something?!" Pagalit kong tanong. Humarap siya at itinago ang tissue, tanaw ko pang may kunting dugo sa kaniyang labi.
"I love you." Sabay patay niya sa tawag.
Napatakip ako sa bibig at tuloy sa pagluha "Diyos ko po, huwag naman sana..." ngayon, ang Panginoon lang ang tanging makakapitan ko at magdadasal na sana'y bumuti ang pakiramdam ni Robin at huwag muna siyang kukunin sa akin, hindi pa ako handa, ikakasal pa kami, bubuo ng sariling pamilya at magkasama pa kami ng matagal.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...