Chapter 18

97 9 0
                                    

CHAPTER 18: PLEASE STAY




Maripusa Grayson

Hinahanap ko si Robin saan man-sulok ng dalampasigan, pero hindi ko pa siya nakikita, halos nagmukha na nga akong balyo na minsan akala ko siya ang iba palang lalaki na may kasamang girlfriend.

Hindi ko na kaya ang sakit na nadama "Robin!" Sumigaw ako sa gitna ng dagat, napalingon sa akin ang lahat na kumukunot ang noo at nagsasalulong ang mga kilay.

Nagtagal ang ilang oras ng pananatili kong nakatayo dito sa dagat. Biglang may humawak sa aking balikat. Ngumiti akong humarap sa pag-akalang si Robin, pero isang babae at lalaki pala, magkasintahan ata. Bakas sa mukha nila ang lungkot at awa. Ayaw kong kaawaan ako dahil kilala ko ang sarili na matapang kaya pinipilit ko silang ngitian, kahit sa loob nama'y gusto kong may kayakap para mailabas ang lahat ng sakit na nadama.



"May nagpa-abot sa'yo nito." Sabay abot ng babae sa litratong hawak.

"S-Sino?" Tanong ko sabay tanggap.

"Isang lalaking mahal ka, na ayaw kang masaktan." Sagot niya.

"Nasaan siya? Kailangan ko siyang makita..." nataranta ako at akmang hahakbang paalis.

Ngunit agad na hinawakan ng babae ang kamay ko kaya napahinto ako "Mas mabuting tignan mo muna 'yang litrato, mukhang may naka sulat sa likod," sambit naman ng lalaki.

Napanganga ako at nagsimula ng pumatak ang aking mga luha habang nakatitig sa litrato ko na kanina pa nakatayo at paniguradong si Robin mismo kumuha nito. Ang masakit ay hindi man lang niya ako nilapitan at kinausap. Tinignan ko ang likuran ng litrato at may mga nakasulat kaya binasa ko.




“Each day and forever, I thank the God for bringing us together.
Each day and forever, you're in my heart.
Each day and forever our memories stay.

Maripusa Benibentura Grayson, Thank you for our moments. Moments that build our love story.
I'm sorry, but our world is like the moon and the sun. We collide and form an eclipse, but should be separated.
I will always love you, always my Love.
And please do what you want, do what you love.

Love, Robin Constantine.”





Pumapatak ang mga luha ko habang binabasa ito, maging ang litratong hawak ay nadapoan ng aking mga luha. Pagkatapos kong mabasa ay dahan-dahan akong humarap sa dagat tsaka tumingin sa mga ulap.

"Ipaglaban mo at huwag kang sumuko, 'yan lang ang paraan para mabuo ang dalawa niyong mundo." Sambit ng lalaki at muli ko silang hinarap.

Hinaplos ng babae ang aking balikat "Minsan talaga sinusubokan tayo, at masasabi nalang natin na hindi nga para sa atin ang nilaban. Pero 'di naman ibig sabihin niyan wala na tayong pwedeng gawin, tayo at tayo pa rin ang pipili sa ating tatahakin." Hindi ko napigilan ang pagiging emotional ko kaya agad ko siyang niyakap at kahit ang puso ko'y nadudurog nakuha ko pa ring ngumiti sa labi.

Akalain mo, may mga nakilala akong tao na naging bahagi ng buhay ko, mga taong dumating nang makilala ko si Robin. Ang pangalan nila ay Ame at Philip.




Dali-dali akong tumakbo at hindi lumilingon sa paligid, diretso lang, at hanggang makalabas ay tuloy pa rin, ayaw kong huminto kahit napapagod na.

Nakita ko siyang inilayo na sa akin ng taxi "Robin...!" Napasigaw ako ng pagkalakas habang inaabot ang mga kamay. Naninikip ang dibdib ko at bumibigat ang bawat paghinga ko dahil sumasabay sa aking takbo ang mga luha kong pumapatak.

Bigla siyang sumilip at maging siya ay umiiyak, alam kong mahal niya ako at gusto niya pa akong makasama, pero ‘di man lang niya magawang bumaba at balikan ako. Napa-isip tuloy ako kung mahal ba talaga niya ako, kasi kung mahal niya ako bakit niya nagawa sa akin ito…?



Ayaw kong tumigil, pero pagod na pagod na ako. Nakikita ko ang sarili sa mga bidang sawi. Subrang hina ko na, para akong binagsakan ng langit at lupa.

"R-Robin..." nahihirapan na akong banggitin ang pangalan niya habang kunti nalang bibigay na ang katawan ko.

Ang sakit na ng binti ko at biglang bumagsak ang buo kong katawan sa daan "H-Hindi, babangon ako…pra kay Robin..." pinipilit ko pa ring hinila patayo ang sarili kong katawan pero bumabalik pa rin ako sa pagkadapa.

"Robinnnnn…! Please stayyyyyyy…!" Nagawa ko pa ring sumigaw kahit paos na at ang mga luha ko’y tuloy sa pag buhos.

Dumating na nga ang araw na kinatakutan ko, ang araw na alam kong dudurog sa puso ko. Akala ko matapang ako, akala ko naka handa ako, pero isang malaking mali.
Oceana, dito nabuo ang lahat, dito nagsimula ang sarili kong love story kasama ang lalaking pinangarap kong makasama habang buhay. Pero dito din pala ako nasaktan, nabigo at natalo, dito rin natapos ang lahat, at dito din niya ako iniwan na luhaan.






Itinakip ko ang unan sa sariling mukha at umiyak ng umiyak. Wala na naman akong ibang ginawa kundi ang umiyak lang, para bang sinaksak ang dibdib ko at damang-dama ko ang hapdi nito. Ang daya naman. Ngayon lang ako sumaya sa isang lalaking itinitibok ng puso ko. Tapos bigla lang din palang mawawala.

Mayamaya ay bumalik na naman si Mama sa pag-katok sa kwarto ko "Marilita kumain ka na!" Tawag niya.

Pambihira talaga! Umuurong tuloy ang mga luha ko "Ma, pakiusap naman o…kahit ngayon lang, bigyan mo ako ng time mapag-isa…" taas boses kong sagot.



Biglang siyang pumasok "Anak, ano bang sinabi sa'yo ni Robin na pinanghahawakan mo?" Tanong niya sabay tinabihan ako sa kama.

Ang mga mata kong umiiyak ay dahan-dahang kumalma "Each day and forever you're in my heart, each day and forever our memories stay." Sagot ko.

Hinawakan ni Mama ang mga kamay ko "Isang linyang nagpapatunay na mahal ka niya panghabang buhay. Nakatira tayo sa mundong pansamantala lang ang lahat, walang kasiguradohan kung hanggang kailan lang sa atin ang isang bagay, lahat mawawala pero isa lang ang matitira, ang mga ala-ala. Memories of happiness, memories of sadness, and memories of our moments. Anak, huwag kang matakot na masaktan dahil bahagi 'yan ng buhay natin." Sabi ni Mama na may ngiti sa labi. Agad ko siyang niyakap ng mahigpit na mahigpit at siya nama'y hinahaplos ang aking likod.

Naririnig ko sa isipan ko ang sinasabi sa akin ni Robin na "There's no ending, life continues." Ngumiti akong naalala 'yon. Alam kong hindi pa rito magtatapos ang aming love story.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon