Chapter 8

145 11 0
                                    

CHAPTER 8: DO WHAT YOU LOVE




Alas dose ng gabi na at hindi pa rin ako inaantok, busy ako sa pagbalik ng aking mga 100+ books sa kanilang lagayan at binago na rin ang ayos. "Pasensiya na kayo hah...pero ito mukhang nagbabalik na nga ang dating ako, pero hindi ko pa rin alam paano magsimula ulit." Kinakausap ko sila habang ina-arrange. Inihiwalay ko ang mga love stories na happy ending at hindi ko muna inilagay sa plastaran.


Makalipas ang ilang oras ay sa wakas na tapos ko na rin, mabuti't sabado bukas kaya walang pasok. "Sa wakas. Nakakapagod palang gawin muli ang matagal mo ng hindi ginagawa..." may ngiti sa labi ko habang nakatitig sa kanila na maganda ng tignan. Nilagyan ko sila ng mga decorations at ilaw, ang board naman ay may nakapikit na mga quotes at pictures ko, aking pamilya at si Jesus.

Tinitigan ko ang hawak kong litrato namin ni Robin sa aquarium ng Manila Ocean Park "At syempre ikaw...paano ba naman kita makakalimutan, ikaw kaya dahilan kung bakit ako bumalik sa dati..." kinakausap ko si Robin sa pagitan ng litrato.

Idinikit ko ang picture namin sa centro ng broad na nasa itaas ng mga books. Umupo ako sa kama at hawak ang mga love stories na minahal ko talaga ng subra dati, natutuwa akong muling makita sila.

Naiisip ko talaga si Robin sa mga male-lade characters ng romance stories, para tuloy kaming nasa kwento. Pero ano kaya maging title kapag kami ang main characters sa isang story? Magkaroon ba kami ng happy ending? Hay naku...wala pa palang ka-siguradohan kung magkikita pa ba kayo. Naiinis na ako sa dami kong iniisip kaya agad akong tumayo at binuksan ang isa sa pintoan ng aking kwarto na patungo sa balcony.

Tumamby ako rito sa balcony ng aking kwarto at tumingin sa mga ulap "Kumusta kaya siya? Naiisip din kaya niya ako?" Tanong ko sa sarili. "Tsk itulog ko na nga lang 'to..." bumalik ako sa loob ng kwarto at humiga sa kama tsaka dahan-dahang ipinikit ang mga mata.






"Marilita bilisan mo na! Alis na tayo!" Tawag ni Mama na sa tingin ko'y nasa labas ng pintoan sa kwarto ko nag hihintay.

"Ito na po Ma, sandali lang..." sagot ko habang may hawak ng lipstick, nag dadalawang isip pa rin ako kung mag li-lipstick ba ako. "Hay naku, ano na naman bang nagyayari sa akin? Simple lang Pusa, be you." Sabi ko sa sarili habang nakaharap sa salamin.

Pagkalabas ko ay agad akong hinarap ng pamilya ko at sabay nanlaki ang kanilang mga mata at halos nahuhulog na ang mga panga. "Halaaa..." palaki ng palaki ang kanilang mga mata at kulang nalang pasokan na ng langaw ang kanilang mga bibig habang tinatanaw ako mula ulo hanggang paa.

Nilapitan ako ni Papa "Anak sino bang sumanib sa'yo?" Sabay hawak niya sa aking bisig.

"Ako lang 'to..." pa-chil kong sagot.

Iniikutan naman ako nina Mama at Kuya "P-Pero hindi ka naman ganyan. Hindi ka hilig sa ganyang pananamit at ayos ng mukha..." kumunot ang noo ni Kuya, subra talaga ang pagtataka nila sa akin. Kilala kasi nila akong simple lang at walang hilig sa make up o mag-paganda at walang ka-artehan. Noong nasaktan naman ako sa mga love stories ay naging medyo boyish ako tignan at balot na balot ang katawan.

Sa nakita nila sa akin ngayon ay ibang-iba. Naka ayos ng santiped ang buhok ko sa likod at may decenyong bulaklak, suot ko'y romper na kulay sky blue at puti na mga sapatos, may kunting blush lang naman sa mukha at manipis na lipstick. Mukhang ang outfit ko nga lang ang nagbago.

"Baka mamaya magkagusto sa'yo ang mga animals do'n..." natawa kami sa sinabi ni Mama.

"Sige na hali na kayo..." tawag ni Papa na humakbang palabas sa bahay. Papunta kami ngayon sa Manila Zoo, subrang excited akong muling makakita ng mga wild cats at syempre ang iba pang mga animals. Sana sa lakad na ito muli kong makita si Robin.







Pagkadating namin, ay abot tenga ang ngiti namin na magkasabay pumasok sa loob. "O walang hihiwalay..." sabi ni Mama.

"Para naman tayong hahabulin ng mga hayop diyan sa sinabi mo Ma..." sagot ni Kuya at nagtawanan kami habang kinurot naman ni Mama ang kaniyang tenga.

Nakanganga at abot tenga ang ngiti namin habang tinatanaw ang mga alagang animals. "Oi si Happy malaki na..." sabi namin habang nakaturo sa isa sa mga paborito namin dito, si Happy, isang tigress. Madalas kaming nagbibigay ng pagkain sa kaniya, nong bata pa kasi ako ay nilalaro namin ang isa't isa sa salamin.

"Awhhh ang sweet niya pa rin sa Mama niya..." magkaparihas pa rin ang mga sinabi namin habang nakahaplos sa sariling mga pisngi na tila kinikilig dahil ang cute makitang nakipag purr si Happy sa kaniyang Mama.

Bigla siyang napalingon sa amin "Nakita niya tayo...come on baby..." sabi ko at humakbang nga siya palapit sa amin. Pagkalapit niya ay ngumi-ngiti kaming tumatawa habang parang humahalik si Happy sa akin sa salamin.


Naglibot-libot pa kami sa loob "Taika, hindi ba kayo nagugutom..." sabay haplos ni Kuya sa kaniyang tiyan.

"As I expected, lagi ka talagang na gugutom anak..." tinawanan namin si Kuya dahil sa sagot ni Mama at si Kuya nama'y napakamot sa ulo kasi siya laging natatawanan namin.






Pagkalabas namin sa Zoo ay may naka kros akong landas na papasok sa loob. Hindi ko klaro ang mukha niya dahil deretso lang ang tingin ko, pero may kakaiba akong nararamdaman na tila kilala ko siya.

Agad akong napahinto at napalingon sa akin ang pamilya ko "O anak anong tinatayo-tayo mo diyan?" Tanong ni Mama.

"Meron lang kasi akong kilalang tao na pumasok din sa loob..." sagot ko.

"Mamaya na 'yan bunso, gutom na ako..." hinahaplos ni Kuya ang sariling tiyan at halos nasisira na ang mukha niyang tumititig sa akin.

"Kayo nalang po mauna, susunod lang po ako..." sabay lingon ko sa loob ng Manila Zoo.

"Sige, basta sunod ka hah..." saad ni Papa.





Nag ikot-ikot ako sa loob at hinahanap ang hindi ko alam kung sino nga ba hinahanap ko. Napahinto ako at humarap sa aking kiliran "Hala! Anong ginagawa niya sa loob?!" Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang isang lalaking nakasuot ng hood at ito'y nakatalikod sa loob ng tarsier park.

"Kuya anong ginagawa mo diyan?!" Sigaw ko at dahan-dahan siyang humarap.

Lalong lumaki ang aking mga mata at napatakip na ako sa bibig. Ang paligid ko’y parang tumigil na tila naka pause ang mundo at para bang kami lang ni Robin ang magkasama. Ganito-ganito ‘yung mga nababasa kong nararamdaman ng mga characters sa scenes na nagtagbo ang landas nila ng taong nakalaan sa kanila.

Dumaan ang malamig na simoy ng hangin habang nanatiling nagkatitigan kami ni Robin na nakatulala din nang makita ako. Dahan-dahan siyang ngumiti at kinawayan ako. Natawa nalang ako dahil ang cute niya talaga tignan sa abot tenga niyang ngiti "Itong lalaki talagang 'to..."  sambit ko. Pumipintig na naman ng malakas ang puso ko nang makita siyang humahakbang palabas ng tarsier park at siguradong lalapitan niya ako.

Nang siya'y nakalapit na sa akin ay abot tenga din ang ngiti ko "What are you doing...?" Tanong ko habang hindi maikubli ang labis na tuwang nadama dahil natupad nga ang hiling kong muli siyang makita.

"Doing my job." Sabay pakita niya ng kaniyang camera "I can't believe we now meet again. Destiny really exist." Sabi niyang may simpleng ngiti pero nakakatunaw na ng puso ko.

"Ikaw talaga...come with me before zoo keeper warn you..." inabot ko ang isa kong kamay.

"Oh, I'm sorry..." tawa niya sabay hawak sa aking kamay. Naging mahigpit ang hawak ng aming mga kamay habang isasama ko siya sa aking pamilya para maipakilala ko siya sa kanila.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon