CHAPTER 20: WEDDING
Makalipas ang pitong araw.
Wala sa mood at walang kibo, 'yan lang ang ikinikilos ko ngayong araw, maging dito sa school. "Pusa anong gusto mong kainin?" Tanong ni Anna sabay tinabihan ako.
"Just stay quite Anna." Walang ka-buhay-buhay kong sagot.
Kanina lang ako dito nanatiling nakaupo at naka simangot, nakahawak ang isang kamay sa sariling pisngi at malayo ang tingin. Ang lahat ng classmates ko'y subrang gulo at ang iingay, naririnig ko pang pinag-uusapan nila akong bumalik na raw sa dating ugali na walang gana sa pag-aaral. Hindi ko lang sila pinapansin, wala naman silang alam sa nangyayari at sa nararamdaman ko."Pusa sige na, sige na punta na tayo sa canteen..." pag pumulit na naman ni Anna.
Agad akong tumayo "Sabing ayaw ko! Ang kulit mo naman! Hindi ka ba nakaka-intindi ng isang salita!" Taas boses ko habang nagsasalubong ang mga kilay kong tinitigan siya.
"Ano bang nangyari sa'yo? Bakit ka nagka ganyan...?" Napa hawak siya sa kaniyang dibdib.
Lumilingon ako sa mga classmates ko "Wala kayong alam! Kung makapag salita kayo diyan, akala niyo namang hindi ko kayo naririnig!" Tinitigan ko silang lahat na napa-nganga at humawak sa sariling mga dibdib.
Humakbang ako palabas sa classroom. Nakakainis, pag bulongan pa naman ako ng "Hayaan niyo na 'yan, ang oa lang niyan. Ang drama! Nalulungkot dahil affective sa iisang story lang!" Palibhasa kasi wala silang mga pakiramdam.Naglalakad ako pauwi sa bahay na bagsak ang balikat at ang ulo'y nakayuko ng kunti. Hanggang ngayon na gabi na ay nagmukmok lang ako sa kwarto, maaga akong kumain nang sa ganun ay hindi nila ako madidisturbo. Pagkatapos ng gawain ng lahat, pagkatapos ng subrang busy at ingay ng mundo, ay lumabas na rin ako sa kwarto.
Bumungad sa akin si Mama "Okay ka lang anak?" Tanong niya habang nagka-kape sa lamisa.
"Anong oras na po ba?" Tanong ko.
"Alas onse ng gabi na. Gusto mo bang mag kape?" Tanong niya habang nilagyan ng mainit na tubig ang isang tasa.
"Sige po." Umupo ako sa tabi niya at ako na nag lagay ng kape sa tasa at nag timpla.
"May probema ba anak? Ngayon ka lang namin nakitang nagka ganyan." Sambit ni Mama.
Wala pang nakakaalam sa dinadala kong sakit ngayon. Napabuntong hininga ako "Si Robin po kasi,"
"O anong meron sa kaniya? Naghiwalay ba kayo?" Sunod-sunod niyang tanong."Wala naman pong hiwalayan, ewan, 'di ko po naintindihan ang nangyayari. Bigla-bigla nalang siyang walang paramdam sa akin, matagal na kaming walang communication." Sabay higop ko sa kape, kahit medyo mainit ay tuloy pa rin ako sa pag-inom. Siguro walang makakatalo sa sakit sa nadarama ko ngayon.
"Baka busy lang, alam mo namang hilig sa adventures 'yang boyfriend mo, halos lahat gagawin para lang magsaya na para bang katapusan na niya..." sagot ni Mama. Sana nga ganun lang.
Biglang nag ring ang cellphone ko sa bulsa, tinignan ko kung sinong tumawag. Isa itong number sa ibang bansa, ang naisip ko'y baka pamilya 'to ni Robin. Agad kong sinagot ang tawag."Hello, is this Maripusa Grayson?" Boses ng babae.
"Yes Ma’am," sagot kong may kunot sa noo.
"I'm Robin's Mother, you can call me Mama Selena." Sagot niya.
Sa subrang gulat at ‘di makapaniwala ay napahawak ako sa labi "H-Hi po Mama Selena...how are you and Robin...? Is he okay...?" Napa ngiti ako. Baka prank lang lahat 'to ni Robin. Baka set-up ito para sa kasal namin.
"That's the reason why I called you. If it's okay with you that you need to come here..." napanganga ako dahil sa kaniyang mga sinabi.
"Really...? I always wishing to meet you all someday, and this is it...thank you so much..." abot tenga ang ngiti ko.
"Thank you too, please contact me on this number. Bye for now, we have something to prefer." Sabay patay niya sa tawag.
Gusto kong sumigaw at tumalon sa saya dahil sa wakas ay makakapunta na ako sa lugar na isa sa pinangarap kong mapuntahan, ang London. At higit sa lahat ay muling makasama si Robin at makilala ang kaniyang mga pamilya. Pero may kakaiba pa rin akong nadama na para bang may mali. Kaya ngumi-ngiti nalang akong nakatingin sa kape."Sino 'yong Mama Selena? Ano sabi Anak?" Tanong ni Mama at muntik ko ng nakalimutang kasama ko pa pala siya dito sa lamisa.
Nilingon ko siya "Tumawag po Mama ni Robin, pinapapunta po niya ako sa kanila..." sagot ko"Talaga ba...? Wow masaya ako para sa'yo anak...taika, hindi ba kami kasama, baka kasi pina-plano na ang kasal niyo..." kinikilig at subrang natuwa rin si Mama habang hinahawakan ang bisig ko.
"Ako lang po kasi ang sinabi niya, baka ipapasunod po kayo..." sagot ko.May ngiti sa labi ko habang na i-imagine ang kasal namin ni Robin. Lahat invited, mula sa parti ng pamilya, kaibigan, classmates, sina Agua at Barry, Ame at Philip, at maging ang mga kapitbahay. May ngiti sa kanilang mga labi.
May naka decinyong mga bulaklak, may nakasabit na mga photographs namin ni Robin at syempre may mga books. At lalakad ako sa red carpet papunta kay Robin na lumuluhang naka ngiti. Inabot niya ang kaniyang kamay at hinawakan ko ito ng mahigpit. Tsaka humarap kami sa isang Pastor na mag sasabing isa na kaming ganap na Husband and Wife.
Sa subrang excited ko ay maaga akong nagising at nag-ayos. Pamilya ni Robin ang nag libre sa akin ng ticket. Sa labas palang ay may iilang kapitbahay namin ang nag tipon-tipon at pinag-usapan ang pag punta ko sa London.
"Anak excited kami para sa'yo..." sabay yakap sa akin ni Mama.
"Ayieh makikita na niya si Robin...baka hinihintay ka niya sa simbahan ng kasalan..." sambit ni Kuya habang ibinababa ang dadalhin kong malita na naglalaman ng mga gamit.
"Anak ang bigat naman pala nitong dala mo, parang hindi ka na babalik dito..." biro ni Papa na tinutulongan si Kuya.
"Papa naman, babalik po ako rito, baka nga po may apo na kayo..." sabay tawa ko.Nilapitan niya ako "Aba sige maganda 'yan..." sabay hawak niya sa bisig ko.
Inabot na ni Kuya sa akin ang dadalhin kong malita "Edwarlito maghanap ka na ng taxi do'n sa labas." Utos ni Mama at agad namang lumabas si Kuya na napa-kamot sa ulo at naghanap.
Mayamaya ay kasama na niya ang taxing maghahatid sa akin sa airport. "O sige na anak. Mag-ingat ka do'n hah..." sambit ni Mama sabay haplos sa mga kamay ko.
"Opo Ma, kayo din po dito mag-ingat kayo. Tawagan po namin kayo ni Robin." Nagyakapan muna kami ng mahigpit na mahigpit. Tsaka humakbang na ako papasok sa taxi.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...