CHAPTER 15: MEETING HER IDOLS
Magkasama naming binisita ni Robin ang Oceana, ang dalampasigang nagtagbo sa aming mga mundo. Dito kami sa paborito kong pwesto, sa ilalim ng puno. Nakahiga siya at nakapatong ang ulo sa aking hita, habang ako nama'y hawak ang librong Us, Forever at binabasa, buti nalang english story ‘to.
Ang ganda ng story, tungkol siya sa babaeng hilig mag travel, kung saan-saan na siya napapadpad, maraming country na rin ang kaniyang nabisita, which is relate naman si Robin. Nasa chapter na kami na meron ng lalaki na laging kasama ng babae, nag bonding sila and sharing moments. Parihas nilang ina-appreciate at pino-protektahan ang kalikasan. Ang conflict ng kwentong ito ay may mga taong inaabuso ang kalikasan, nagtatapon ng mga basura sa dagat at kinakalbo ang mga kagubatan lalo na sa pagputol ng mga kahoy.Napahinto ako sa pagbabasa nang may nakita akong parang familiar couples na nakatayong tinitigan ang karagatan at nakatalikod sila kaya hindi ko ma-figure out kung sino ba sila, pero ang lakas talaga ng pakiramdam ko.
"Why my love?" Tanong ni Robin, mukhang nahalata niya akong tinatanaw ang dalawang magkasintahan.
Ibinaling ko ang tingin sa kaniya "Love, I think I know those couples near at the ocean. Let’s approach them..." sagot ko habang nakaturo sa magkasintahan.
"Yeah sure." Sabay kaming tumayo at palapit sa kanila habang hawak ko pa rin ang libro.
Nang makalapit ay talagang nakadama ako ng excitement na makausap sila, pero nag-uusap pa ang dalawa kaya huminto kami ni Robin sa kanilang likuran at nakinig nalang muna."Lalangoyin ko ang dagat para ika'y marating, pero sana'y 'di kagatin ng lumalangoy na pating." Tumu-tula ata ang lalaki para sa kaniyang kasintahan.
Sinapak ng babae ang ulo nito "Alam mo ang korny mo." Sabi niya. Natatawa na ako pero pinipigilan ko pa rin dahil baka maka-disturbo ako.
"Aking Irog, hinding-hindi ako susuko hanggat hindi ako napapaligiran." Sabi na naman ng lalaki at bumuntong hininga "Alam mo bang nanaginip ako sa aking pagtulog," dagdag niya.
"Bakit, meron bang nanaginip na gising?!" Taas boses na tanong ng babae.
"Pataposin mo nga ako!" Sa boses ng lalaki ay tila naaasar na.
Ang lalaki ay nagpapatawa at mukhang alam ko na kung sino sila. Hindi na ako makapaghintay na sila'y masilayan at mayakap. Pero sa ngayon si Robin ang niyayakap ko dahil sa labis na tuwang nadama. Si Robin nama'y ngini-ngitian lang ako sa labi."Nanaginip ako sa aking pagtulog, na ika'y nagising na mula sa pagkatulog." Itinuloy na ng lalaki ang sasabihin niya kanina.
"Ano?!" Napahawak sa bewang ang babae sabay hinarap ang lalaki. Nanlaki ang mga mata ko at napanganga ako nang makita ang itsura ng babae dahil naka-side view siya banda sa amin ni Robin dahil nga humarap siya sa ka-sintahang lalaki.
Tama ako! Si Agua nga! Naging abot tenga ang ngiti ko at halos nanginginig na ang aking labi dahil talagang hindi na ako makapaghintay, lalo na't magkasama sina Agua at Barry.Lumingon si Barry kay Agua "Hindi ko rin gets eh, basta magkatunog lang okay na." Napakamot siya sa ulo.
"Ayosin mo nga. Sige ka, hihiwalayan na talaga kita." Sagot ni Agua.
"Huwag naman. Pinapasaya lang naman kita dahil stress ka na sa mga stories mo, tapos hihiwalayan mo ako…" naiiyak ang tuno ng boses ni Barry.
Agad namang hinaplos ni Agua ang likod niya "Luh, umiiyak ka…sorry na, nagbibiro lang naman ako. Sige na ituloy muna ang mga jokes mo."
"Jokes?! Mga banat ko 'yon sa’yo eh." Kita ko ang nagsasalubong na mga kilay ni Barry at hanggang ngayon matatawag pa rin siyang may nakakatakot na tingin.
Iniwasan naman ni Agua ang mga tingin niya "Ganun ba, sige ituloy muna."
"Huwag na, wala na rin akong maisip eh.” Sagot ni Barry at nagyakapan sila habang muling tumanaw sa karagatan.Pagkatapos nilang magyakapan ay bumuntong hininga muna ako tsaka maki-singit sa eksina. "H-Hi po, Agua Paraluman and Barry Brown…" nakakahiya pero kinaya.
Sabay silang napaharap at maliwanag na nga sa mga mata koe ang kanilang mga itsura na hindi pa rin nagbabago "Hi…" pagbati nilang may ngiti sa labi habang kumakaway.
"Super-duper fan niyo po ako...pwede ko po ba kayong mayakap...?" Sabik na sabik na ang mga kamay ko.
"Oo naman, pwedeng-pwede…" sabay nilang sagot at agad ko silang niyakap ng mahigpit at pakiramdam ko parang anak nila ako dahil mahigpit din ang yakap nila sa akin.
Muli kaming humarap sa isa’t isa "Subrang saya ko pong makita kayo muli…" abot tenga ang ngiti ko na halos ikapunit na ng labi ko.
Napakunot-noo si Agua habang may ngiti sa labi "Taika, Maripusa Grayson, I'm I right?"
"Tumpak po kayo diyan!" Sagot ko.
"Sabi ko na eh…16 ka ata nong huli kitang nakita. Anong nangyari, bakit hindi na kita nakikita sa bawat book signing ko?" Tanong niya at hindi maikubli ang bakas sa mukha niyang nalulungkot para sa akin.
Back on the old days, I'm so addicted to all of her stories, always present on her book signing and full of energy sa harap niya. I'm one of her active fan, naging isa sa mga admin ng online group of her supporters, and masasabi ko ring naging magkaibigan din kami. ‘Yun nga lang, dahil sa nangyari sa akin ay matagal na niya akong hindi nakita, at nahihiya na rin akong magpakita."Mahabang kwento po eh. Pero dahil lang po sa pagkabusy sa pag-aaral." Pinipilit kong ngumiti pero parang hindi ko kaya dahil nagsinungaling ako, kasi parang hindi ko kayang sabihin ang katotohanan sa harap ng mga idol kong manunulat.
Bigla niyang hinaplos ang aking bisig "Mag 37 years old na ako, pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagsusulat dahil ito ‘yung minahal ko. Kapag mahal mo ang isang bagay, walang kataposan 'yan. Kaya sana muli kitang makita sa mga upcoming events ko..." sagot niyang nakipagtitigan sa akin.
Napalunok ako pero buti nalang nagawa ko ng ngumiti sa labi. Natamaan ako, tama nga si Robin, do what you love. "Pangako po. Happy Birthday po this July 27, hindi po kayo halata sa edad niyo, walang nagbago po sa inyo…" sambit ko.
"Awww thank you dear..." pasalamat niyang may tuno ng tawa ang boses."Tsa nga po pala, nais ko po ipakilala sa inyo, si Robin, my boyfriend." Pagpakilala ko kay Robin.
Kinawayan naman nila si Robin "Hi Robin…you guys are lovely and sweet couples.” Sabi ni Agua, kinilig tuloy akong masabihan kami ng ganito galing sa idol ko.
Nilingon ko si Robin na ngumi-ngiti lang mula kanina "Robin, meet my favorite authors." Sabay lahad ko ng kamay sa kanila Agua at Barry.
"Oh, nice to meet you guys…" nakipag shake hands siya habang may ngiti sa kanilang mga labi.
"Let me take you guys a photographs." Sabay hawak niya ng kaniyang camera na lagi naka sabit sa leeg niya. Game na game naman kami sa pictures at nasa gitna ako nina Agua at Barry.
"Wait. Kuya Pablo!" Tawag ni Barry kay Kuya Pablo, isa sa kanilang driver. Kanina lang pala siya nakatayo malapit sa pwesto namin ni Robin kanina.
Lumapit siya "Bakit po sir?" Tanong niya.
"Please kunan mo kami ng pictures, para na rin makasama si Robin." Sagot ni Barry.Makalipas ang ilang oras ay tapos na ang aming pag picture. "O paano, mauna na kami dahil may mga kanya-kanya pa kaming stories na tataposin..." sabi ni Barry. Malungkot man dahil ang liit lang ng moments naming apat, but still subrang masaya ako.
"Mag-ingat kayo hah. I wish aabot kayo sa hundreds years ng magkasama." Sabi ni Agua sabay haplos niya sa balikat namin Robin.
"Kayo din po." Abot tenga ang ngiti ko at pinipigilang papatak ang mga luha, napaka-emotional ko sa ganitong eksina na magpapa-alam na at hindi alam kung kailan muling magkikita.Hahakbang na sana sila patalikod pero biglang napahinto si Agua at tumitig sa hawak kong libro. "Us, Forever…?" Tanong niyang may kunot ang noo.
"Opo, kahapon lang po namin ito nabili, at ang mga puso namin ang pumili…" sagot ko. Ngunit nagtataka ako sa mukha niya dahil parang may kakaiba, napaka-seryoso niya.
"Maganda po siya at nakakakilig, tiyak ko pong happy ending ang kanilang love story…" dagdag ko na may kasamang tawa dahil tila tumahimik ang paligid at hindi niya magawang magsalita.
Mas lalo na akong nagtataka dahil sa itsura ni Agua na bakas ang lungkot, awa at halo-halong emotions pero wala akong nakitang tuwa. Bigla siyang bumuntong hininga at hinawakan ang mga kamay namin ni Robin at ginawa niyang magkahawakan ang aming mga kamay "Even though they live in two different worlds, in the end they have forever, just think of your own ending." Ngumi-ngiti ang labi niya habang nakatitig sa mga mata namin ni Robin.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...