CHAPTER 9: LOVE THY NEIGHBOR
Sinama ko si Robin sa carenderya kung saan namin na piling kumain, hindi ko alam anong maging reaction ng pamilya ko kapag ipinakilala ko siya. Lumapit kami sa kanilang harapan "Ma, Pa at Kuya," napahinto silang kumain at dahan-dahang inangat ang tingin sa amin ni Robin.
"Oh my gosh." Napanganga si Mama. Hindi ko mapigilang matawa dahil halos kita ang mga kinain nila sa kanilang mga bunganga.
"Sino ang guwapong binata na 'to?" Tanong ni Mama.
"Grayson Fam, meet Robin Constantine all the way from London United Kingdom." Pagpakilala ko kay Robin.
Napahinto si Papa sa pag-nguya ng kinain at agad na tumayo "Oi, hi ka-lahi..." inabot ni Papa ang kaniyang kamay na may kasamang ngiti sa labi.
"Robin, this is my father Zack." Pagpakilala ko kay Papa kay Robin habang nasa gitna nila ako.
"Nice to meet you Sir!" Abot tenga ang ngiti ni Robin habang nakipag shake hands.
Lumapit naman si Mama "And I'm Cecilia, the beautiful mother of Marilita." May pa-pretty face pa siyang nalalaman at ang bilis-bilis niyang ginagalaw ang mga pilikmata. Napakamot-ulo nalang ako, wala na eh, nasabi na ni Mama ang pangalang Marilita, sana naman baliwalain lang ni Robin 'yon.
"Nice to meet you Ma’am. Your daughter is beautiful just like you." Sambit ni Robin at tila naging pabebeng dalaga naman ang kilos ni Mama na parang ngayon lang napag-sabihan ng maganda. Nag shake hands silang dalawa at si Mama ay parang ayaw ng bitawan ang kamay ni Robin.
Si Kuya naman ang lumapit "Hey Bro! What sup, what sup...my name is Edward, the one and only Kuya of this pretty girl. Ito babala lang, sa oras na saktan mo itong kapatid ko, talagang mananagot ka sa amin..." bakas sa mukha ni Kuya ang pananakot habang lumalapit kay Robin na napapaatras din ang mukha ng dahan-dahan habang may ngiti pa rin sa kaniyang labi.
Ito talaga si Kuya o, gwapo nga pero may sayad naman "Kuya umayos ka nga..." mahina kong sa kaniya at natitiyak kong siya lang nakarinig.
Makipag shake hands sana si Robin pero mas pinili siyang yakapin ni Kuya, nakuha pa niyang haplosin ang likod ni Robin. "Ahem. Ahem. Kuya..." pa-rinig ko at agad natapos ang kanilang pag yakapan. Nakita ko sa mukha ni Robin na comfortable naman sa amin.
"Come on join us...it's very pretty delicious foods here..." pinipigilan ni Mama na matawa sa kaniyang sarili marahil hindi siya sigurado sa mga english niya.
"Thank you so much..." sagot ni Robin at sabay kaming umupo.
Sinabayan niya kaming kumain at labis ang tuwa kong nadama dahil ang bilis niyang nakasundo ang mga pamilya ko. Sa mga nakaraan ko kasing manliligaw ay hindi ko nakita sa pamilya ko ang saya nilang ganito. Dahil siguro si Robin lang ang tanging lalaki na ako mismo ang nagpakilala sa kanila.
"Filipino Foods is the best. Adobo, bicol express, sisig and giniling is my favorites so far..." slung niyang banggit sa mga ulam.
"Eat more..." saad ko. Then eat me. Hoy Pusa, iniisip mo diyan.
Umuwi kami sa bahay na masaya "Grabe, ang sayang kasama ng batang 'yon..." abot tenga ang ngiti ni Papa na agad umupo sa lamisa. Ang saya talaga namin sa Manila Zoo, naging photographer pa namin si Robin. Naawa na ako sa camera niya, full na ata dahil sa pictures namin, eh ang pamilya ko ay talagang kinarer na ang pagiging model.
"Butong-buto ako kay Robin. Pero ang tanong, Pusa nanliligaw na ba siya sa'yo?" Nag-aabang si Kuya ng sagot ko.
Napabuntong hininga na lang ako "H-Hindi..." naka nguso kong sagot.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...