Chapter 12

104 8 0
                                    

CHAPTER 12: ENTREPRENEUR STUDENT




Pumasok ako sa campus na naka ngiti at blooming talaga. "Magandang araw! Magandang araw sa iyo! Magandang araw sa inyong lahat!" Abot tenga ang ngiti kong bumabati sa mga kasabay kong pumasok at maging sa mga nakakasalubong ko sa daan, nakikita ko sa kanila ang pagkagulat at pagtataka.

Halos kumunot ang noo ng iba habang nagbubulongan "Si Maripusa ba talaga 'yan?"

Ang mga kalalakihan nama'y napahawak sa mga sariling pisngi habang nakatulalang nakatitig sa akin "Oi bro binati niya tayo. Nakakakilig..."

Ang iba nama'y nginitian ako ng labi "Mas lalo siyang gumanda. I think inspired 'yan." Nginitian ko lang ang mga naririnig ko sa kanila at madami talagang nabagohan sa akin. Eh hindi ko naman sila masisisi kasi kilala nila akong medyo boyish, but now I'm bloom again.




Pagkapasok ko sa classroom "Hi classmates, akala niyo male-late ako noh...suprise mga tanga!" Sabay hawak ng isa kong kamay sa bewang tsaka nag hawi ng buhok. Ganun din ang mga reaction ng mga classmates ko; nahuhulog ang mga panga.

Nilapitan ako ng tatlong girls, sina Nic, May at Anne "Pusa ang ganda mo..." sabay nilang sabi.

"Girls, oo maganda siya. Pero kilala natin siya, kapag masaya 'yan, may balak 'yan." Pagtataray ni Nic habang naka crossed arm at tinaasan ako ng isang kilay.

Lumayo ang dalawa sa akin "O nga pala, alis muna tayo dito..." humakbang sila palabas sa room.

"Wait!" Mabilisan kong binuksan ang bag, sabay silang napahinto at tiyak kong nanlaki na ang kanilang mga mata nang marinig ang tunog ng zee per sa bag ko.

"Alam niyo na...ito meron akong junk foods, biscuits, pan...ano gusto niyo meron ako rito..." I smiled like a comedy villain. Wala kayong takas sa akin!

Hinarap nila ako "Wala kaming pera." Sabay nilang sagot.

Kumunot ang noo ko "Walang pera daw, eh saan ba kayo pupunta?" Tinaasan ko sila ng isang kilay.

"Sa canteen," napalunok sila.

"Pupunta pa kayo sa malayo eh may lumalapit na sa inyo." Sabay hawak ko sa mga bewang, ako ang madam dito pag wala si Ma’am.



Bagsak ang mga balikat nilang lumapit sa akin "Ibang klase talaga. Bakit may napkin ka ba diyan?" Tanong ni Nic.

"Subrang masaya ako ngayon, kaya nag improve na rin ang aking MBAG Store." Nilabas ko ang mga klase-klase ng napkin.

"Ikaw na talaga Pusa. Sa gilid nga tayo, nakakahiya namang malaman nilang meron ako ngayon..." sabi ni May at lumipat kami sa huling banda ng classroom kung saan may mga books.

"Sos mahiya ka pa, normal lang naman sa atin 'yan. Ito pumili ka, with wings or non-wings?" Tanong ko habang pumurma kami ng bilog para hindi makita ng mga kasama naming classmates sa loob lalo na ang mga boys na naglalaro ng online games.

"Meron ka bang colgate diyan? Hindi kasi ako nakapag brush sa bahay..." sambit ni Anne habang napakagat sa sariling kuko.

"Sali muna toothbrush alam kong wala kang dala..." sabay labas ko ng colgate at toothbrush.

"Ay hindi 'yan, ‘yong close up." Sabi niya

"Alam mo, sasapakin na talaga kita!" Nagsasalubong ang mga kilay ko sa inis.

"Sorry..." paghingi niya ng tawad habang naka peace finger at kumuha ng close up sabay bayad, nakapili na ng napkin sina May at Nic kaya sabay silang pumasok sa banyo.





Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon