Chapter 14

107 8 0
                                    

CHAPTER 14: A BOOK THAT COMPLETE US




Nandito kami ni Robin sa labas ng Books For Life, isang book store na malapit lang sa Future High, paboritong lugar ng mga readers. Sa labas palang ay naiilang akong pumasok dahil matagal na rin simula nong pumasok ako ritong masaya at masaya ding lumabas na may dalang librong aking mamahalin.

Katabi ko si Robin "Let's get inside." Napalingon ako nang magsalita siya. Na-kwento ko na sa kaniya ang dating buhay ko nong hindi pa siya dumating, at ang sagot niya "Do what you love." Kaya ito, sinamahan niya ako.

Napabuntong hininga ako at hinarap siya "Robin, we will choose one book that will complete our love story." Sabi ko sa kaniya.

"That's interesting." Sagot niyang may ngiti sa labi at magkahawak ang aming mga kamay tsaka sabay na pumasok sa loob.

Kapag parihas kaming mapahinto, tumitig sa iisang libro at parihas lang ang kukunin namin ay sign na nakatadhana nga kami sa isa't isa, dahil parihas ang aming mga puso na itinitibok ang librong makukuha. It’s a sign na we will end up in a happy ending at magtatapos sa salitang they live happily ever after.





Lumapit muna kami sa isa pang special na tao sa akin, si Tita Maganda, ang matagal ng nag ta-trabaho rito. "Hi po Tita Maganda..." ngumi-ngiti kong pagbati sa kaniya habang busy sa pag-arrange ng mga bagong dating na books.

"Yes?" Humarap siya sa amin na may ngiti sa labi at bakas sa mukha niya ang hindi ako kilala. Syempre paano ba naman niya ako makilala, eh bata pa ako sa mga panahong pumapasok ako rito. Nong nagdalaga naman ako, dinadaanan ko lang ito sa labas pero hindi ko magawang pumasok.

"Tita Maganda...nakalimutan niyo na po ba ang nag-iisang tumatawag sa iyo ng Tita Maganda..." abot tenga ang ngiti ko habang naka pogi pose ang kamay sa mukha, ganito kasing mukha ang nakikita niya sa akin kapag lalabas na ako ditong may biniling libro.

Tinitigan niya ako ng malapitan at nanlaki ang kaniyang mga mata "M-Maripusa...?" Tila nahuhulog ang kaniyang panga at parang hindi siya makapaniwala.

"Opo…" sabay tawa ko na ngumi-ngiti

"Hala…" napatakip siya sa sariling bibig. Gaya ng dati nagiging emotional na naman siya nang makita ako. Kaya kami nagkakasundo dahil ang emotional namin, kunting tuwa lang papatak na ang mga luha, lalo na kapag nakakabili ako ng mga books. And nagkakasundo rin kami dahil sa pagiging book lovers, kapag may time magkasama kaming babasa ng libro, nagmukha nga niya akong totoong anak.



Niyakap namin ang isa't isa ng mahigpit "Ang laki muna…dalagang-dalaga ka na…" sabi niya habang kayakap ako.

Natapos ang aming pagyakapan "Kumusta ka na ba? Matagal na panahon na ring hindi tayo nagkita..." kitang-kita ko sa mukha at kilos niya ang labis na tuwa nang makita ako dahil hinahaplos niya ang aking balikat, bisig at kamay.

"Oo nga po, na-miss ko ngang tumambay rito..." lumilingon ako sa paligid ng Books For Life.

Hinaplos niya ang mga pisngi ko "Anong nangyari? Bakit hindi ka na pumupunta rito? May ibang book store ka na bang nagustohan?" Tanong niyang nakipagtitigan sa akin, para talaga kaming mag-ina.

"Naku hindi po, ito ang pinaka the best para sa akin." Abot tenga ang ngiti ko.

Sa lahat kasi ng book store rito sa lugar ay ang Books For Life ang pinakamaluwag, maraming books at talaga ngang masasabi kong nasa international library ako. Sa iba kasi maganda naman pero hindi ko masasabing bookstore o library dahil may nakahalo namang ibang paninda like school supplies, clothes at marami pa. Ang isa din sa nagpamahal sa akin dito sa Books For Life ay pwede kang tumamby rito at magbasa, bagay na nakakatulong lalo na't kung marami kang pag-pipilian, babasahin mo ang ilang parts tapos kapag okay sa'yo ay 'yon ang bilhin mo.





Napalingon si Tita Maganda kay Robin "O sino 'tong gwapo mong kasama?" Tanong niyang parang kinilig sa appeal ni Robin.

"Tita meet my boyfriend, Robin Constantine. Love, this is my Tita Maganda." Pinapakilala ko sila sa isa’t isa.

Sila nama'y nag shake hands "Hi Tita…I promise to take care your lovely niece..." abot tenga ang ngiti ni Robin.

Natawa si Tita Maganda "Naku, not that type of tita, we are best friend since she was 4 years old. She always come back here and love to read books, that's why I love this kid so much..."

"Oh, I'm sorry..." napakamot sa ulo si Robin habang ngumi-ngiti.

"It's okay, I may not her real tita, but if you will broke her heart I will kick you." Pananakot ni Tita Maganda habang kumukunot ang noo.

"No, I won't do that, I promise." Sagot ni Robin na iniwagay-way ang mga kamay na nagsasabing hindi niya talaga gagawin.

"Just kidding. Come on, I'll tell you some Maripusa's secret..." hinawakan ni Tita ang kamay ni Robin sabay inilayo siya sa akin.

"Tita..." napakamot ako sa ulo habang may kaba dahil baka ano pang masabi ni Tita, sumunod lang ako sa kanilang likuran para marinig ang kanilang pag-usapan.


"Did you know, she cries when her family doesn't buy the book she wants. And when they don't give her money for books, she sells goods from their store, at school..." ibinunyag na nga ni Tita ang lihim ko. Naku nakakaloka, baka pagtatawanan niya ako. Medyo kabado ako habang todo kinig pa rin sa kanila.

"Oh, she's a business woman..." natawang tuno ng boses ni Robin.

"Yeah since kid..." nagtawanan na ang dalawa. Naku hindi maaari. Baka hihiwalayan na niya ako o baka naman na-discourage siya sa akin. Huwag naman sana.

Natigil ang pagtawanan nila "Then I love her more. Finding ways for what you love, is the best thing you can do for yourself." Sambit ni Robin.

"Awww..." kinikilig na naman ako habang niyayakap ang sarili at nakatitig sa likod ni Robin.







Pagkatapos ng kanilang pag-uusap halos alam na ni Robin kung gaano ako ka-balyo sa mga love stories. Magkahawak ang aming mga kamay ng mahigpit at sinimulan ng lumilingon sa mga libro. Marami na kaming natatanaw pero hindi pa kami napahinto at tumitig sa iisang librong alam namin na ito ang hinahanap. Minsan naman huminto kami pero magkaiba ang librong tinatanaw ng aming mga mata.

Makalipas ang ilang oras sa pag-iikot. Parihas kami ni Robin na sabay napahinto at nakatitig sa isang librong napa-sama sa itaas na bahagi. Nakaangat ang tingin namin at tanaw ang libro. Dahan-dahan kaming lumingon sa isa't isa at nagkatitigan.

Sabay na palapit ang isa-isa naming kamay sa librong ko-kompleto ng aming love story. Nagkahaplos pa ang mga kamay namin habang nakadapo sa cover ng libro. Ang book cover nito ay isang lalaki at babaeng nakatalikod at nagyakapan sa gitna ng dagat.

Kinuha namin ito habang may ngiti sa mga labi, ang libro nama'y naka pwesto sa harap ng aming dibdib at naririnig ko pa ang tibok ng aking puso habang tinitigan namin ang librong napili ng aming mga puso, ang Us, Forever.

God, maraming salamat. Dahil natagpuan ko na ang lalaking para sa akin.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon