CHAPTER 1: MARIPUSA
"Hoy Marilita! Gising na, alas syete na! Mali-late ka na naman!""Ohh..." pilit kong ibalik sa tulog ang sarili, sino ba naman kasi ang hindi magising kay Mama eh abot barangay ata boses niya.
"Marilita!" Sigaw niya ulit.
"Pusa!" Taas boses ko sa isa pang nickname na tinatawag niya sa akin.
"Kung hindi ka pa babangon diyan papaloin na talaga kita..." ramdam ko ang pagtanggal niya sa suot niyang tsinilas.
"Ito na po Ma..." tumayo ako sa pagkahiga "Anong oras na po ba?" Tanong ko habang nililinis ang sariling mga mata.
"Alas syete na!"
"Ano?!" Nataranta ako at dali-daling kinuha ang cellphone sa tabi ng unan.
Bumagsak ang balikat ko habang lumingon kay Mama "Ma naman wala pa nga alas syete eh..."
Tumalikod siya para lalabas na sa kwarto ko "Bakit hihintayin mo pa bang mag alas syete?! Maligo ka na't kumain, late ka na! Anak naman oh araw-araw na lang..."
"Hays ito na naman ang aking umaga." Napakamot ako sa ulo.
"Kami nong mga kapanahonan namin, binubuhusan talaga kami ng tubig para lang magising! Hindi pa ba sapat ang ginagawa namin para matutunan mong mahalin ang pag-aaral..." mga salita ni Mama habang nag wawalis sa sahig. Ang hindi niya alam ay sinasayawan ko lang siya ng kung ano-anong dance step.
Hinarap niya ako "O anong sinasayaw-sayaw mo diyan?!" Bakas ang galit sa kaniyang mukha habang nakahawak sa bewang.
"Eh para naman po may threater play, kayo 'yung kumakanta..." sabay tawa ko.
"Ikaw talagang bata ka!" Sigaw niya sabay hawak na naman ng kaniyang tsinilas.
Nilapitan ko siya "Love you Ma..." tawa ko sabay yakap sa likod niya.
"Nag duty na si Papa mo sa police station hindi ka na niya mahahatid." Sambit niya.
"Okay lang po 'yan. Sige po maligo na ako..." sabay hakbang ko patungo sa banyo.
Pagkatapos kong maligo ay lumabas ako sa kwarto at lumapit sa lamisa para kumain habang naka suot na ng school uniform. "Bilisan mo ng kumain diyan..." hindi ko mapigilang matawa dahil sa suot ni Mama na abot sahig at bulak-lakin, ‘yung talagang kadalasan na makikita sa mga chismosa."Saan po kayo pupunta Ma?" Tanong ko habang ngumunguya.
"Itatanong pa ba 'yan..." sagot niya habang lumakad palabas sa bahay.
"O nga pala. Sige Ma bilisan mo na dahil baka late ka na sa chika!" Sigaw kong natatawa. Chismis, isang bahagi ng buhay ni Mama na hindi niya gustong 'di magawa sa bawat araw.
"Edwarlito bantayan mo ang tindahan!" Sigaw niya kahit nasa labas na.
Napakamot sa ulo si Kuya na kakalabas pa lang sa kaniyang kwarto "Ma naman...Edward po, pakiusap naman!"
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...