Chapter 23

147 10 0
                                    

CHAPTER 23: MOMENTS




Magkasama kaming tatlo rito sa kanilang sala at ang mga luha nami'y pumapatak, they comfort me while I'm holding Robin's Photographs. Pumasok si Diana sa kwarto ni Robin, at sa kaniyang paglabas ay may dala siyang Notebook. Ito ‘yong Notebook na hawak ni Robin noong una naming pagkikita, may mga sinusulat siyang Bucket List. Kaya pala siya merong Bucket List dahil alam pala niyang kunti nalang natitirang oras para sa kaniya.


"His bucket list..." sabay abot sa akin ni Diana, dahan-dahan ko itong tinanggap at tinignan ang mga nakasulat.

Travel around the world ✅
See northern lights ✅
Take a painting class ✅
Visit zoo ✅
Try a new foods ✅
Have fun with ocean creatures ✅
Read one special book ✅
Visit Philippines ✅


Natutuwa akong nagawa niya ang lahat ng ito. May isa ang umagaw sa aking pansin.

Last on my list, I don't know if can have this, I don't know if I can find a special person that I'll share my moments with, but I hope.
Meet The Girl Destined For Me. ✅

Ito pala ang last list niya na ayaw niyang tutulong ako para ma-achieve. "Read the back..." napalingon ako kay Diana, agad ko naman siyang sinunod, tinignan ko ang nasa likod at binasa.


Yes! I meet her! She's the right girl I've been waiting for.

We've meet because of her mistake though. When I rise upon the water, I'm so amazed at her beauty, her eyes looks like stars that shine so bright, and she just perfect. And suddenly my heart beat while I'm staring at her, I only feel this to her.

She told me right now that she will help me achieve this last list, but I don't want, because she's already here.
Maripusa Benibentura Grayson. ✅


Napatakip ako sa bibig at mas lalong bumuhos ang mga luha ko. Inakbayan ako Mama Selena at si Diana nama'y hinahaplos ang aking likod. "Why he didn't tell me he had cancer...so that I can at least help him..." paghihinagpis ko habang mahigpit na niyakap ang notebook ni Robin.

"Because he doesn't want you to worry, he's afraid you might not accept his proposal. Yes, he want to survive so he can marry you. He keep fighting and breathing even it's already hard on him, because the only thing he want to do after surviving, is be with you." Sambit ni Mama Selena na humaplos sa aking pisngi.






Pumasok ako sa kwarto ni Robin at humiga sa kaniyang kama habang nakadapo sa aking dibdib ang frame picture niya noong 17th birthday niya, suot niya'y blue sweater at abot tenga ang ngiti niya dito habang hawak ang regalo sa kaniya ng pamilya na camera, ito ‘yong camera na dala-dala niya. Gustong-gusto niya daw talaga ang camerang regalo dahil automatic print ito o polaroid. Mahigpit kong niyakap itong litrato niya habang walang tigil pa rin sa pagpatak ang mga luha.

Napakarami kong tanong na tumatakbo sa aking isip ngayon.
Bakit...? Bakit ang isang matapang at malakas ang paniniwala, ay napapanaw rin? Bakit kahit ilang beses ka lumaban, sinusukoan ka pa rin ng pag-asa? Bakit ang taong gusto mo makasama sa pang habang-buhay, iiwan ka nalang na luhaan...?

Napagtanto ko nalang, kapag oras mo, oras mo na. Walang makakapigil, kahit ilang doctors, medicines, hospital. Matapang ka man, basta oras mo na, ala-ala nalang ang iyong maiiwan.

Si Robin, alam niyang bawat sigundo ng oras maa-ari na siyang magpahinga, kaya sinulit niya ang mga natitirang araw kasama ako. Bagay na ikinatuwa ko, kasi akalain mo nakapag bigay ako ng ligaya sa isang taong pilit nilalabanan ang kamatayan. Bago siya nagpa-hinga ay nag-iwan siya ng masasayang ala-ala sa akin, mga moments na sa kaniya ko unang na experience.




Nais ng pamilya ni Robin na sa kanila muna ako titira, pero sinabi kong "Uuwi ako sa lugar kung saan kami ni Robin bumuo ng mga ala-ala." Pagkauwi ko sa Pilipinas, binibisita ko ang bawat lugar na bumuo sa aming love story, dala ang mga Photographs.

Sa Oceana.
Sa Luna Street.
Sa Manila Ocean Park.
Sa Manila Zoo.
Sa Books For Life.

May ngiti sa labi ko habang nakikita ng dalawa kong mga mata ang mga ala-alang naiwan namin sa bawat lugar.

Lagi akong nakatanaw sa kaniyang Balcony at naiisip kong tinitigan niya akong naka-ngiti. Pagsapit ng gabi, lagi kong sinasabing "Good night Love." Habang nakatayo sa aking Balcony. I just feel na lagi-lagi lang siya sa tabi ko at hindi ako iniiwan bagkus ginagabayan ako.

Nagkulong ako ng ilang araw sa kwarto, hanggat hindi pa ako okay. Lumipas ang ilang araw, sa wakas unti-unti ko ng natatanggap ang katotohanan, binabalik ko ang sarili sa dati na masaya, matulongin at mabait.

Lahat ng mga taong naka-away ko, napurohan ko, lahat ng mga may ayaw sa akin, at lahat ng taong kilala ako, natutuwa silang nakikita akong nagbago. Wala ng lungkot, wala ng luha, wala ng galit, pero may kirot pa rin sa tuwing naa-lala ko ang pinagsamahan namin ni Robin.

While your life continues, have time for happiness, enjoy and go make them inspired. Oo hindi gaano ka-haba ang pinag-samahan namin ni Robin, pero lahat ng 'yon, worth it. I realize na minsan masakit mag mahal, but it is the only thing makes us feel alive. Oo wala na si Robin, pero 'yong mga ala-ala ng aming pagmamahalan ay mananatiling buhay at kailan ma'y hindi ko malilimutan.







Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon