CHAPTER 16: WHAT IF
Pagkapasok ko sa loob ng aming bahay ay agad akong napasigaw sa saya " Sa wakas! Nakita ko na sila, after long years…" tumatalon-talon ako dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako maka get over sa pagtatagbo namin ni Robin sa kanila Agua at Barry.
Agad akong nilingon ni Mama na naghuhukad ng kanin sa lamisa "Anong meron sa mundo't ang saya mo?" Tanong niya, si Mama lang ang nandito ngayon dahil alas dose ng tanghali pa naman, nasa klase pa si Kuya at duty pa ni Papa.
"Nakita ko po sina Agua at Barry sa Oceana Ma..." abot tenga ang ngiti ko at pumalakpak.
"Weehhh…" sagot niya na ayaw na naman maniwala.
"Yes Ma…ito 'yong prohiba. Kasama ko si Robin, nag picture kaming apat." Pinakita ko kay Mama ang litrato naming apat na nag-akbayan, isa-isa kaming meron nito kasi automatic print na siya sa camera ni Robin.
"Aba oo nga…tignan mo silang dalawa o, ang sweet pa rin at talagang walang nagbago sa kanilang itsura, mukha pa ring mga bata…" tinitigan niya ito.
Wala namang ka-hilig-hilig si Mama sa mga books and actually ako lang talaga sa aming pamilya ang mahilig magbasa. Pero dahil napakakulit ko, walang nagawa si Mama kundi ang samahan ako sa mga book signing event ni Agua nong mga nakaraang taon at nagbabasa na rin siya sa ilang mga gawa nito, kaya naging fan na rin, slight.
"Double wedding po 'yan." Saad ko.
Si Mama nama'y natahimik at walang kibong kinuha ang mga ulam sa reef at inihain sa lamisa "Kain na tayo anak." Seryoso siyang umupo.
Nakatingin lang ako kaniya habang inilapag ko sa lamisa ang litrato at umupo sa tabi niya "Bakit po Ma? Bakit po kayo natahimik? May mali po ba?" Tanong ko.
Tumingin siya sa akin "Anak, ayaw ko lang makita kang umiiyak at masaktan ng dahil lang sa pag-ibig." Sagot niya.
"Bakit Ma, wala po ba kayong tiwala kay Robin?" Dagdag kong tanong, hindi ko alam anong nangyari kay Mama bakit tila nagdadalawang isip siya para sa amin ni Robin.
Bumuntong hininga siya "Hindi naman sa ganun, sa lahat nga ng lalaki ay siya talaga ang ramdam naming para sa'yo. Pero anak hindi lahat happy ending, eh sa mga stories nga nasasaktan ka na, sa reality pa kaya."
Napalunok ako "Hindi ko alam Ma, kay Robin lang ako tanging nakadama na handa na akong sumogal para sa pag-ibig. Haharapin ko ang sakit kung walang happy ending, ang nakilala siya ay isang malaking bagay na para sa akin." Sagot kong may ngiti sa labi. Kunwaring matapang ako sa mga sinabi ni Mama pero may kalahating takot.Pag-sapit ng gabi, ginawa na naman namin ni Robin ang routine namin sa tuwing oras ng matulog, ang pag-uusap sa dalawang magkaharap na balcony. "Your so happy earlier. I will never forget that smile." Sabi niya.
Kung mag-uusap kami rito sa dalawang magkaharap na balcony ay halos maririnig na ng iba dahil kailangan nga naming lakasan para magkarinigan. Ewan ko, pero parihas talaga kaming nagkasundo na mag-uusap sa balcony bago matulog kahit medyo nakakapaos, talagang trip lang namin. Maganda din naman kasi sa feelings kapag ginagawa ito, isa na siguro sa nakakadala ay ang decenyong mga klase-klase ng bulaklak sa kanya-kanya naming balcony."One of the reason is we bond with them." Sagot ko.
Biglang nag ring ang cellphone niya sa bulsa "Wait, someone calling.” Kinuha niya ito at pumasok sa kaniyang kwarto.
Kausap niya ang nasa kabilang linya pero hindi niya kina-kalimutang nakatanaw pa ako kaya nililingon niya ako at kumaway, dahilang kinilig ako.Mayamaya ay subra akong nagtataka dahil tanaw ko siya sa kaniyang bintana na hindi mapakali, lakad siya ng lakad habang humahawak sa kaniyang ulo na para bang may malaking problema. Mas lalo na akong nagtataka dahil parang tumaas ang boses niya sa kausap at agad siyang napahiga sa kama. Mukhang may bangayan na nagaganap.
Mag-isang oras na rin akong nakatayo dito sa balcony at pilit tinatanaw kung 'angan pa ba siya, hindi na kasi siya lumabas mula nong napahiga siya sa kaniyang kama. "Nakalimutan na ba niya ako?" Tanong ko sa sarili habang may lungkot sa mukha at gusto ng pumatak ang mga luha, pero pinipigilan ko. Intindihin ko na lang siya, kailangan niya rin mag-pahinga. Ito ang isinasa-isip ko.
Pero kailangan ko pa rin siyang hintayin lumabas dahil wala pa kaming good night sa isa't isa, ito ang napagkasundoan namin at kailangan dito sa tapat ng balcony."R-Robin?" Dahan-dahan kong minumulat ang mga mata at medyo malabo pa ang paningin ko. Napagtanto kong nakatulog pala ako dito sa balcony sa kakahintay kay Robin. Pero sirado na pala ang bintana ng kwarto niya at natakpan na ng kurtina.
Bagsak ang balika’t ulo ko at dahan-dahan akong pumasok sa kwarto, sa huling sandali ay lumingon muna ako sa kwarto ni Robin "Good night, Love." Sambit ko sabay sarado sa pinto.
Hindi pa ako inaantok, naiisip ko pa rin ang mga sinabi ni Mama. Kahit anong isip kong be positive lang, hindi pa rin nawawala ang mga What If. What if, bukas wala ng kami? What if, theirs no us forever?Hinawakan ko ang sariling ulo "Ano ba! Siya na ang sinasabi ng iyong puso, mag-iisip ka pa ng ganyan!" Napabuntong hininga nalang ako.
Minsan talaga hindi nag-kakasundo ang ating mga Puso at Utak. Kung gaano ka-gusto ng iyong puso, ganun naman karaming dahilan na ayawan ng utak mo.
Alam ko naman eh, alam kong darating ang araw na masasaktan ako. Galing siya sa malayong bansa, kahit anong gawin ko, bali-baliktarin ko man ang mundo, babalik at babalik pa rin siya kung saan siya galing.
"Hindi ako handa, pero kailangan." Sabi ko sa sarili.
BINABASA MO ANG
Memories Of Our Moments (When Two Worlds Meet #2)
RomanceBata palang ay hilig na ni Maripusa ang magbasa ng mga love stories at sa subrang pagka-adik niya nito ay nakalimutan na niyang mag-aral at nag dulot sa kaniya ng pagiging overage student. Ngunit nang ma-discobre niyang hindi pala lahat ng kwento a...