Chapter 25: No more Ms. Nice Gay

566 37 2
                                    

Leckie's POV

Mga ilang araw din ang lumipas at nakalabas na rin si Connor ng ospital, mabuti nalang talaga hindi ganun katindi ang nangyari kay Con.

So ngayon, nagpapahinga si Connor kasama nanay nya na nakilala ko sa ospital. Ngayon, walang trabaho si Riley kasi di sila makapagrehearse ngayon dahil hindi pa pwede si Connor dahil sa cast nya kaya nakastay lang kami sa mansion nila ngayon.

"Bakla.... tulungan mo nga akong maghain dito... Pleaaaaase.!" saad nito at ginaya pa si Miriam na character sa BL na pinapanood ko.

"Miriam stachu?" natatawang saad ko.

Alam mo yarn. O sige na dalian mo na goooo!" saad nito at nagpatuloy sa kanyang ginagawa.

At katulad nga ng inutos ni Manang ay nagayos na ako ng mga gamit na gagamitin sa almusal.

"Good Morning my angels. " Bati ni Maam Joan samin.

"Good Morning po Maam Joan." tugon ko.

"Good Morning Madam... Parang ansaya ng gasing natin ah." puna ni Manang.

"Well, indeed I am quite happy today....kasi my friends are here na, we can all bond just like before..." natutuwang saad ni Maam Joan...

"Wow ang galing naman po Maam, hindi lang pala sila Riley ang magkakaibigan pati po pala kayo." manghang saad ko..

"Of course dear,,, kung hindi lang lahat lalaki ang mga anak namin baka inarrange marriage namin sila.... well sabagay there's Aubrey kaya lang ayaw ng mga boys namin sa kanya eh.. Kaya nga Im so happy din na okay na ulit si Rad at Toby eh... Matutupad na ang dream namin." masaya nyang saad...

"Ay nako sino ba naman ang magkakagusto jan kay Aubrey ay nako napaka sama ng ugali... di yata namana ang kabaitan ni Maam Mary... Siguro kinulang yun sa breast milk nung bata..." wala sa sariling saad ni Manang...

Nagkatinginan naman kami ni Maam Joan...Lumingon sa direksyon namin si Manang..

"Ay.... hehehehe napasobra ba???" nahihiyang saad ni Manang

"Medj...pffffft! ahahahahahah" sagot ni Maam Joan...

"Ewan ko nga ba sa batang yun bat lumaki ng ganun eh sa pagkakaalam ko pinalaki naman sya ng maayos ni Mary, nagumpisa lang naman yun nung kinuha sya ng daddy nya para tumora sa poder nya... Ewan ko ba jan kay Rhome kung anong tinuro sa bata na yun at ganun lumaki..." kwento ni Maam Joan...

"Ah baka masama ugali ni Sir Rhom..." saad ni Manang...

"Well to begin with ayaw na talaga namin si Rhom para kay Mary pero itong si Mary nalove at first sight kay Rhome simula na g ipinakilala sya ng Daddy nya kay Rhom, kasi yung dalawa ay arranged marriage which is okay lang kay Mary kasi nga may feelings na talaga sya para kay Rhome, pero si Rhome waka kaya di rin sila nagtagal..." dagdag ni Maam Joan..

"Ay nako kaya ako ayoko ng mga arrange-arrange marriage na yan eh..." singit ni Manang..

"Well sad say ganto talaga ang kalakaran sa corporate world everything should be bonded with marriage alam nyo yung sa historical drama sa mga Kdrama whereas the king should marry someone from that land to gain power, hindi pa rin sya nawawala hanggang ngayon... Sana nga lang di mainvolve ang isa sa mga anak ko sa arrange marriages kasi gusto ko pag magpapakasal sila I want them to get wed because of love and not because of some agreements." paliwanag ni Madam Joan....

Nang marinig ko yun ay bigla akong naging malungkot....

Si Riley ikakasal sa iba... Alam ko na yung meron kami ni Riley ngayon ay hindi pa sigurado pero yung maisip ko lang na ikakasala na si Riley bakit parang ang bigat sa pakirmadam ...

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon