Chapter 18: Confused Hearts

730 53 16
                                    

Leckie's POV.

Matapos ang pagkapanalo ni Maam Radiance ay nagbalik na sa normal ang routine ng buhay ko. Palagian akong sinasama ni Riley kapag may mga guestings sya kasi iprinopromote nila yung bago nilang movie ni Aubrey.

Halos isang buwan din ang lumipas at sa loob ng isang buwan ay mas napalapit pa ako sa idol ko na si Aubrey. Kasi sa tuwing hindi pa sila on air laging nalapit sakin si Aubrey para kausapin ako.

Nung minsan nga nakipagvideocall sya kila Dana at Frida, syempre yung dalawang bruha tuwang-tuwa di makapaniwala.

--

Ngayong araw ay napaka-espesyal dahil ngayon na ang premiere night ng bagong movie ni Riley at Aubrey.

Pero siyempre bago ko gampanan ang obligasyon ko kay Riley ay tutulong muna ako dito sa mansion ng mga Fernandez tutal mamayang gabi pa naman ang premiere nila Riley.

As usuall, ang lagi kong ginagawa sa mansion na ito ay ang paglilins ng bakuran ng mga Fernandez.

Abala ako sa paglilinis ng may biglang sumitsit.

"Psssssst!"

Luh? sino kaya sinisitsitan nun? o baka naman guni-guni ko lang?

Ayyyyyyy...... hayaan na nga natin

"Leckieeeeee" saad ng isang nakakatakot at malagong na boses.

"S-sino ka? anong kailangan mo sakin?" natatakot kong saad.

"ako to si Heart." saad muli ng boses.

"Heart? As in my dear Heart? E diba batang babae si Heart, kailan pa lumagong ang boses nya?" nagtatakha kong tanong kay "Heart" daw.

"Ahhh... ano kasi.. ahm.... nagsteroids ako kaya naging ganto ang boses ko... Sige na nga ibahin nalang natin, ako nalang si Mes." Saad ulit ng boses.

"Ay...ang taray nagcharacter change agad. pero teka cute na multo si Mes so ibig sabihin cute ka?" maharot kong tanong sa boses na naggagaling sa kung saan.

"Oo namam mas cute pa ako kay Mes no!" saad nito

O my gosh author di mo naman ako na briffing na magkakaroon din pala ako ng He's Coming to Me experience. sana naman nainform mo ako para nakapaghanda ako ng insenso.

"Talaga ba? show it! show it!" panghihimok ko ss boses habang punapalakpak.

"O sige tumingin ka sa gate." saad nito.

Kaya naman agad-agad akong lumingon sa gate.

At nakita ko si James na nakatayo sa may gate.

"J-james? espiritu ka na? so ibig sabihin patay ka na?" naiiyak kong saad.

Bakit author? bakiiiit? kung kailan nagkakamabutihan na kami tskaa mo sya kukunin sakin? ano bang kasalanan ko sayo ha? Bakit mo ako ginaganto.

"Oo Leckie, matagal na akong patay...." nagulat ako sa mga rebelasyon na sinisiwalat ni James sakin.

Di ko na napigilan ang luha ko tumulo ito mula sa aking mata, pakiramdam ko nasa isang teleserye ako ngayon at nagple'play bilang background music ang Sa Susunod na Habang Buhay ng Ben&Ben.

Tumalikod ako at sumandal sa gate at unti-unting nagwalling masyado akong nasasaktan sa rebelasyon na aking nalaman.

" matagal na akong patay na patay sayo." dagdag ni James.

Napamulat ako ng mata ng marinig ko ang mga kataga ni James at agad na napatayo sa pagwa'walling ko.

"Teka ano?" naguguluhan kong tanong.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon