Chapter 22: Just a reflection of the Past.

692 43 9
                                    

Riley's POV.

"Sir.... last question, naabutan nyo na ba yung taong naglalagay ng origami flowers na yan?" tanong ko dun sa naglilinis.

Saglit itong nagisip... "Isang beses naabutan ko sya..." sagot nito.

"Talaga po?" naeexcite kong saad.

Pwede nyo po bang i-describe yung itsura nya?" tanong ko kay Manong.

Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko kinakabahan ako.

" Isang babae na sobrang payat, palagay ko meron syang malubhang karamdaman kasi medyo nanghihina sya nung naabutan ko eh." sagot ni Manong.

"yung itsura nya po manong, maganda po ba sya?" tanong kong muli.

ay nako utoy... pasensya ka na, di ko naaninag eh at malayo naman ako sa kanya pero sa tantiya ko mga hanggang ilong mo siya." sagot ni Manong.

"Talaga po Manong? Nako manong maraming salamat po. Napaka laking tulong po nang binigay nyong impormasyon. " nakangiting saad ko.

"Walang ano man yun ijo.." saad ng matanda at nagpatuloy na sa kanyang ginagawa.

Sigurado na ako ngayon na nandito sa Pilipinas si Christina...

Agad akong sumakay sa kotse at nagdrive patungo sa village nila Christina.

Mabilis lang ang naging byahe ko dahil di naman ganun kabigat ang traffic.

Agad akong bumaba sa sasakyan ng marating ko ang bahay na tinitirahan ni Christina dati.

"S'sir Riley?" gulat na tanong ni Kuya Jon, ang security guard nila Christina.

"Kuya Jon, kamusta na po kayo!" natutuwa kong saad.

"Eto sir, pogi parin... Grabe Sir Riley... iba ka na superstar ka na... alam mo ba na hindi naniniwala ang anak ko na kakilala kita? Akala nila Nagsisinungaling ako.... Pwede ba akong magpa-picture sayo para ipakita ko sa anak ko. Tiyak matutuwa iyong mga yun. " saad ni Kuya Jun.

"Sure po Kuya Jon." sagot ko at agad nyang kinuha ang kanyang Cellphone at nagpicture kami.

Matapos naming magpicture ay tinanong nya ako.

"Ngapala Sir Riley, anong ginagawa mo dito.. magsho'shooting ba kayo dito? baka kailangan nyo ng extra kung hindi mo naitatanong ay best actor ako sa play namin ng Florante at Laura nung second year high school ako kaya natural na sakin ang pag-arte." kampante na saad ni Kuya Jon.

"nako Kuya Jon, pasensya na pero hindi eh... actually kaya ako pumunta dito ay para tanongin kung kailan pa bumalik si Christina dito sa Pilipinas?" tanong ko.

"Si Maam Tina? hindi pa naman sya nabalik dito Sir... Simula po nung umalis sya ay hindi pa po sya nabalik dito.. Ang balita ko kay Manang Aque ay nagaaral na daw po doon si Maam. ang totoo nga nan sir ay ibinebenta na nila itong bahay kasi gusto na daw ni Maam Tina na magstay sa states.. Ang tagal nang walang nakatira dito sa bahay na ito Sir. Binabantayan ko na lang ito." paliwanag ni Kuya Jon.

"Ganun po ba?" malungkot kong saad. I was hoping na tama yung iniisip ko but it turns out I was just fooling my self to believe that Christina is here.

"Sige Kuya Jon it was nice to talk to you again" nakangiting saad ko.

"Sige po Sir Riley. " sagot nito.

Ngumiti lang ako sa kanya at sumakay na sa kotse.

Kuya Jon's POV.

Nang makaalis na si Sir Riley ay tumunog ang telepono na nakapatong sa lamesa ko.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon