Chapter 17: Lee Roi "Leroy" 's Birthday. (Pt. II)

716 52 12
                                    

Dana's POV.

"Ate Dan, Ate Frida pasok kayo, nandito boyfriend ni Ate Lecks" sigaw ni Leroy...

Nagkatinginan kami ng baklang si Frida at agad na timungo ang bahay ni Leckie, alam naman namin na hindi yun Jowa ni Leckie, kasi like hello, ang lagay may jowa sya tapos ako wala eh hamak naman na mas maganda ako sa dalawang to..

"EEEEEEEHHHHHHHHHHHHHHHHHHH?!" sabay naming saad ni Frida, ginaya namin yung tono ni P'Kim sa The Shipper (kaya kung di nyo alam panuodin nyo. Maganda sya promise. Naks nag plug, taga GMMTV ka qhourl?! 😂😂)

Pano ba naman, meron atang bumaba na anghel dito sa bahay ni Lecks. Hindi namin inaasahan na ang tinutukoy ng batanes group of islands na jowa ng ate nya ay si Riley.... Oo ang nag-iisang RILEY FERNANDEZ! Shuta! ako bang nangyayari alam ko namang nagtratrabaho si Leckie sa mga Fernandez pero bakit andito siya?!

Inilahad naman ni Frida ang braso nya sa harap ko.

Tumingin ako sa kanya ng may pagtatakha.

"Kurutin mo ko friend, baka nananaginip ako." nakatulalang saad ni Frida.

Kaya naman tulad ng sinabi niya ay kinurot ko sya.

"Araaay!" saad nito. "Shuta totoo nga Riley Fernandez nga nakikita ko di ako nananaginip" saad ni Frida.

Ngumiti naman ito at kumaway samin.

Yung ngiti nya mga ses. nakakapanghina ng tuhod. Pakiramdam ko nanghihina ako sa sobrang kilig. Sobra na to.

Nagulat nalang ako ng biglang matumba si Frida sa tabi ko.

"Shuta ka Dan!!!! Bat di mo ko sinalo?!" sigaw ni Frida habang nakahiga sa lupa.

"Eh bakit ba kasi natumba ka?" tanong ko kay Frida.

Lumapit naman samin si Riley.

"Are you okay" tanong ni Riley kay Frida at inilahad ang palad nito para alalayan si Frida sa pagtayo.

Pabebeng inabot naman ni Frida ang mga palad ni Riley at unti-unting tumayo.

"S-shelemet se pegteleng me." saad ni Frida at isiningit ang invisible nyang buhok sa kanyang tainga.

"You must be Leckie's friends? Hi my name is Riley, nice to meet you. You guys are?" saad ni Riley.

Bakit naman napakaperfect naman nito.

"I'm Dana, your future wife." saad ko at agad na kinuha ang palad nya.

Napangiti naman si Riley sa naging tugon ko.

"Ako naman si Frida, your legal wife" saad ni Frida at itinulak ako palayo dahilan para mabitawan ko ang napakalambot na kamay ni Riley.

"Ate Dan, Ate Frida mag sitigil nga kayo, sabi ko diba Boyfriend to ni Ate Leckie ko?! Tara na nga Kuya Riley" saad ni Leroy at hinigit si Riley palayo samin.

"Pffffft...." nakinig kong may nagpipigil ng tawa sa likod.

"Bruha ka, bakit di mo manlang sinabi na pupunta ka dito at kasama mo pa si Riley?!" tanong ni Frida.

"Sasabihin ko naman talaga sa inyo kaso masyado kayong excited eh." natatawang saad nito samin.

"At ano namang pakulo mo at binubulag mo ang bata sa kasinungalingan na Boyfriend mo si Riley ha? Di mo ba alam na akin sya. " mataray kong saad habang naglalakad ako ng paikot sa kanya.

"Aba, wala akong sinabing ganan siya ang nagisip nun." sagot nito.

Napatingin naman kami sa kinaroroonan ni Riley kasama si Leroy.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon