Chapter 28: Her Evil Roots

424 29 6
                                    


Leckie's POV.

Hindi ko alam kung san ako dinala ni James at wala na akong pakielam kung nasan na ako ngayon.. Ang mahalaga malayo ako kay Riley.

Hanggang ngayon ay hindi pa matanggap ng sarili ko ang aking natuklasan... Gusto kong bumalik sa nakaraan at iwasan na mangyari ang nangyari kanina.

Ang sakit-sakit.. mas gugustuhin ko pang saktan nya ako ng pisikal kesa dito...

Patuloy ako sa pag-iyak ng nagring ang cellphone ko.. Kanina pa nga yung nagriring eh hindi ko lang pinapansin kasi baka sila Riley lang ang tumawag.

Binunot ko ang cellphone mula sa kinalalagyan nito sa aking kaliwang bulsa.

Sinulyapan ko kung sino ito pero hindi ito nakasave.. Ieend ko na sana yung call nang pigilan ako ni James.

"Maybe it's important." pag pigil ni James sakin.

Tiningan ko ang cellphone ko na kanina pa natunog. Bahala na nga.. Kung si Riley to papatayin ko nalang agad. Ayoko pa syang kausapin.

Katulad ng nais ni James ay sinagot ko ang tawag.

*Sobs* "H-hello?"

"Ateeeee.... si Nanay... huhuhu." Si Lisa ang nasa kabilang linya.

"Bakit?! Anong nangyari kay Nanay?!" nag-aalalang saad ko..

"Ate... si Nanay inatake ulit sa puso.. Di namin alam gagawin.. Papunta na kami sa ospital.. Ate natatakot ako" naiyak na saad ni Lisa.

"Wag kang matakot.. Papunta na ako jan ha..." saad ko.

"S-sige po.. Mag iingat ka.. " saad ni Lisa.

"alagaan nyo muna si Nanay ha.. Sige na." saad ko at pinatay ang tawag.

Kailangan kong puntahan si Nanay. Tumayo ako sa kinauupuan ko at nagumpisa nang maglakad..

May humila sakin dahilan para bumalik muli ang akng wisyo..

"Saan ka pupunta?" nagaalalang tanong ni James..

"Pupuntahan ko ang nanay ko.. Kailangan nya ako." naluluha kong saad. "Kaya bitawan mo ko para mapuntahan ko na ang nanay ko " saad ko.

" Nang ganan ang kalagayan mo? Halika na ihahatid na kita. " saad ni James.

"W-wag na nakakahiya naman maabala pa kita. " pagtanggi ko.

"Of course not. I won't let you commute nang ganyan kalagayan mo.. Now if you want to go whether you like it or not I'll drive you... Please.. I just wanna make sure that you'll arrive there safe.. That way I'll be at peace. " saad ni James.

"Sige... maraming salamat. " saad ko at sumakay na kami sa kotse.

Wag kang magalala nay, parating na ako.

-----

Lisa's POV.

Katatapos lang namin kumain ni Leroy ng tanghalian, iniwan ko si Leroy sa kusina at nagtungo ako sa banyo ng makita ko si Nanay na nakahawak sa may dibdib nya. Tila ba nahihirapan itong huminga...

"Nay, lang po ba kayo?" tanong ko dito at lumapit ako sa kanya upang alalayan si Nanay.

"Oo anak, medyo napagod lang ako.." saad nito..

Iniwan ko syang nakaupo, tumalikod ako sa kanya upang kumuha ng tubig na kanya sanang iinumin ng bigla akong nakarinig ng kalabog.. Lumingon ako sa direksyon ni Nanay at nakita ko syang nakahiga at walang malay... Agad ko syang nilapitan.

"Nay?!.... Nay.!!" tawag ko dito Habang inaalog-alog ko ito.

Narinig ni Leroy ang aking pagsigaw kaya naman lumapit ito samin.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon