Chapter 06: Stranger from the Outside

4.3K 169 6
                                    


Chapter

Leck's POV

Matapos ang eksena naming ng antipatiko kong amo ay di na muli itong nasundan ng pagdulog sa husgado. Haaaaaay buti nalang.
Andito ako ngayon sa hardin at kasalukuyang nagdidilig ng halaman ng biglang lumapit saken si Maam.

"Leckie after you water the plants can you take Tank for a walk?" nakangiting saad nito sakin.

"Sure maam, teka lang po at tatapusin ko lang ang pagdidilig." Sagot ko dito

Paalis na si maam ng maalala kong di ko pa pala kilala si Tank.

"Maam! Sandali lang po." Tawag ko sa kanya.

"Yes?" tanong nya saken.

"S-sino po si Tank?" alanganin kong tanong

"Oh I forgot my bad, we'll Tank is Riley's dog. He's at the garage."

Ahhhhhhh dog... teka dog? As in ASO (oo capslock para intense. Hahahah)

Waaaaaa!

"Ahm..Maam" tawag ko ulit dito

"Yes?" sagot ni Maam saken.

"kase po maam ano eh...yang may..."

naputol ang sasabihin ko ng may biglang tumunog ang telepono nito.

"Im sorry Leckie but I need to take this call, let's just talk pag nakauwi na ako, ok babye I need to go." Sabi nya at umalis na

Waaaaaaaa!!! Pano na ako?! Napapanuod ko pa naman sa tv na basta mga mansion malalaki ang mga aso tulad nung sa mga teleserye pag si Madam di gusto yung bida ipapahabol nya sa mga very big doggies nila. Naks umienglish hahaha pero..... waaaaaa! Pano na ang kinabukasan ko? Ni inay ni lisa at Leroy? Pano nalang sila kung lalapain ako ng asong yun, Waaaaaaaa huhuhu

Tinapos ko na ang aking pagdidilig at pagkatapos ay aking tinungo ang Garahe para harapin ang aking katapusan este ilakad si Tank. Tingnan nyo pangalan palang parang sobrang laki na nito. Huhuhu
Abot langit ang akin kaba habang tinatahak ko ang daan papuntang garahe ng makasalubong ko ang tsinelas na puro butas animo'y nilapastangan ng bunganga ng aso.
Huhuhu kawawang tsinelas, di magtatagal ay sasapitin ko din ang mapait na sinapit ng tsinelas.

Nandito na ako sa garahe ng marinig ko ang pagtahol ni Tank. Agad na tumayo ang balahibo ko sa katawan ng marinig ko ang pagtahol na iyon.

Agad akong nagtatakbo ng dahil sa takot pero bago pa man ako makalayo ay naalala kong utos parin yon ni Maam kaya dapat ko parin itong sundin kahit na kapalit nito ang napakagandang buhay ko.

Nay, Lisa, Leroy tsaka ikaw Frida, pati narin si Dana na wala naman atang pake saken, sana ipagdasal nyo nalang ang kaluluwa ko pag may napanood kayo sa TV na "Isang Dyosa nilapa ng aso." Di ko akalaing ditto lang pala magtatapos ang buhay ko. Kaloka di ko man lang naranasang magkajowa.huhuhuh kwawang Leckie.

Unti-unti ko ng nakikita ang nilalang na tatapos ng aking buhay... teka? Waaaaaaaaaaa!!! Hang kyuuuut!

Grabe nakahinga ako ng maluwag ng Makita ko si Tank, si Tank na pinacute na atang aso saking paningin. Waaaaa! Thank you at di sya malaking aso.

"tank....chu...chu.." tawag ko dito at binuksan ko ang kulungan nito
Lumabas ito at nagtatakbo patungo saken sabay damba saken, kaya napataob kami ng sabay alam nyo yun yung parang sa tv? Yung magkakabanggan yung leading man at leading lady tapos matutumba silang dalwa tapos magkapatong silang nakahiga kung saan sila lumaglag, ganun ganun ang eksena naming ni Tank. Direk ang chaka naman ng partner ko ha, Aso? Pwede namang si Sir Riley nalang kahit masama ang ugali non papatusin ko na.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon