Chapter 11 : Woke Up Like... What?!

3.1K 106 16
                                    

Leckie's POV.

Tweet...tweet...tweet.. huni ng ibon.

Haaaaaay sana laging ganito araw-araw yung gigising ka sa malamig na kwarto at malambot na kama tapos nakabalot sayo ang isang makapal na kumot...

Teka. kelan pa lumamig ang kwarto ko? kelan pa lumambot ang kama...teka malambot nga talaga yung kama ko kasi you know di naman ako tinitipid ni Maam Joan.

Iginala ko ang tingin ko sa paligid... Napromote na ba ako? Bat parang ang bongga ng kwarto ko? kasing bongga ng kay Riley...

"Ayssssst! Bakla ano ba yang pinagiisaip mo. Bulong ko sa sarili ko.

Araaaaay! Ang sakit naman ng ulo ko. Naumpog ba ako ng bongga kagabi?

Maya maya may kamay na gumalaw at niyakap ako.

Halaaaaaa! Sino yun....

unti-unti akong humarap sa likod at sa gulat ko bigla akong napasigaw!

"Waaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!" sigaw ko.

Nagulat yung lalake at nalaglag sa kama.

"What the! What's your problem?" iritang tanong nung lalaki na walang iba kuni si Riley

"Ako? tinatanong mo ako kung ano ang problema ko? ikaw? Anong ginagawa mo?! At tsaka...b-bakit tayo nakahubad?.... Oh my gosh! Pinagsamantalahan mo ko no?! Waaaaaaaaaaa! huhuhu ang pinakaiingitan ko." sigaw ko sabay kuha ng lahat ng kumot at itinakip sa sarili ko. sabay suksok sa sulok.

"Hahaahaha! Nakakatawa ka. Ako? sa tingin mo papatulan kita... Kapal mo ha. Kahit sa panaginip di kita papatusin." Mayabang nyang saad

(Oo nga naman, bakla masyado kang ambisyosa.) singit ng konsensya kong kahit kelan di ako kinampihan.

"Aray.. ouch oo, ang sakit ha, sorry ha!saa ko "Eh bakit ba kasi nakahubad ka?" tanong ko.

"eh sa ganto ako matulog eh. tsaka binabanas ako eh. pake mo?" tanong nya.

"Binabanas, eh lakas lakas ng aircon mo binabanas ka padin. Tsaka bakit ako nakahubad at ano ba ginagawa ko sa kwarto mo.?" tanong ko.

"Di mo maalala?" tanong nya.

"Tatanong ko ba sayo kung alam ko?" mataray na saad ko. at nilibot ang aking paningin sa paligid. at nakakita ako ng mga bote ng alak.. parang alam ko na ang nangyari.

-----
Riley's POV.

Tatanong ko ba sayo kung alam ko?" mataray na saad nya.

Magaling na sya... nagtataray na eh.

"Sige sasabihin ko sayo ang nangyari" saad ko.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa kama.

"T-teka pwede mag damit ka muna bago ka magkwento." saad ni Leckie at tumingin sa malayo.

"Bakit....Nadidistract ka sa abs ko no" nakangisi kong tanong habang tinataas baba ang aking kilay.

"Kapal ha" bulong nya

"may sinasabi ka?" tanong ko.

"wala, sabi ko magdamit ka at baka magkasakit ka." saad nya ulit.

Tumayo ako at kumuha ng damit at bumalik sa pwesto ko kanina at humiga ulit..

"Anong ginagawa mo?" tanong nya.

"Nakahiga di mo ba nakikita, ipagpapatuloy ko ang aking naudlot na pagtulog." sabi ko at sabay higit sa kanya ng kumot.

"teka...akala ko ba ikwekwento mo saken ang nangyare?!" di ko man nakikita pero alam kong naiirita na sya. Hahaha!

I pretend that I snore para mas mainis sya. Hahahaa

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon