Chapter 21: Origami Flowers

810 56 19
                                    

Leckie's POV

"Fine! nagseselos ako gets mo na?!" saad ni Riley na paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko.

Literal na wala talaga akong tulog dahil di ako pinatulog ng mga katagang binitiwan ni Riley.

Medyo.... ay mali... hindi pala medyo.. kasi di ko talaga inisip at inakala na manggagaling ang mga katagang iyon sa bibig mismo ni Riley.

Bumangon na ako sa kama kahit pakiramdam ko ay ayaw pa ng katawan ko. Inayos ko ang higaan at lumabas ng kwarto. Paglabas ko ay nakasalubong ko si Manang Tiff.

"Ay nakakaloka... Bakla anong nangyare sayo? Bakit parang mas lalo ka yatang humaggard?" tanong ni Manang Tiff..

Di ko ba alam kung nag-aalala sya sakin.. o gusto nya lang akong asarin pero mas pinili kong paniwalaan ang nauna.

"Di ako nakatulog manang." tipid kong sagot.

"Ay ganun? kaya pala mukha kang kampon ni Kung Fu Panda. O e bakit ka naman napuyat... Pinagnasaan mo nanaman si James no? o baka naman...oh my gosh! Pinagnasaan mo si Sir Riley no! Bakla umamin ka na! Di ko naman ipapagkalat. " saad nil Manang at inalapit abg tenga nya sakin.

"Baliw ka talaga manang. Ako pagnanasaan si Riley? Di no! Hahhahah" saad ko.

Asus.... tanggi ka pa jan. . eme ka nanaman... sige na maghahanda na ako ng pagkain ng mga Fernandez" saad ni Manang at nagdiretso na sa kusina.

Ako naman ay nagdiretso sa lagi ko nang ginagawa tuwimg umaga kapag walang appointment si Riley. At yun ay sa garden.. Ngayon kasi ay nakabreak si Riley ng isang linggo para magpahinga.

Nang matapos kong madiligan ang mga halaman ay napagdisisyonan kong ilakad si Tank.

Lumapit ito at tila tuwang-tuwa ito sa pagdating ko.... Nagmistulang uod na inasinan sa pagkaexcited dahil sa pagdating ko...

"Gosh iba talaga ang ganda ko pati ikaw Tank... naeexcite makita ako... Grabe talaga. " nahihiya kong saad sa naglilikot na si Tank at unti-unting binuksan ang kulangan no tank at ikinabit ang tali ni Collar ni Tank

"He doesn't find you beautiful actually kaya sya nagkakaganyan kasi natatakot sya sayo" biglang singit ng lalaking dahilan kung bakit Haggardo Versoza ako ngayon.

Tiningnan ko lang sya ng masama.

"Tara na nga Tank." saad ko at di sya pinansin. at nagunpisa na akong maglakad.

"wait.... " pagpigil nito samin.

Tumingin lang ako sa kanya....

"Let me come with you guys.. Its been a long time since I walked Tank." saad ni Riley.

Tila naintindihan naman ni Tank ang sinaad ng amo at tila naexcite to... ipinakita nya ito sa pamamagitan nang pagwagayway ng kanyang buntot at pagkahol.

" Ah... ganun ba? ikaw nalang kaya magpasyal kay Tank." suhestiyon ko.

"Why?" nakakunot noong tanong ni Riley.

"ahmmm....kwan...ano..ahm..kailangan ni Manang ang tulong ko sa kusina.... tama kailangan ako ni Manang. " pagdadahilan ko.

"Ay nako hindi okay lang keri ko na to, sige na ilakad mo na si Tank.. keri ko na to Lecks." saad ni Manang na bigla nalang sumulpot.

Tumingin ako kay Manang na tila tinatanong ko ito kung bakit nya ako ipinagkanulo, nagpeace sign lang naman ito sakin.

"See.... Manang is cool with it so... let's go?" saad nito at kinuha ang isang kamay ko at hinigit ito at nagumpisang tumakbo palabas ng bahay.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon