Chapter 5 : The First Encounter

4.3K 183 20
                                    


Leck's POV.

Pagkatapos akong sabihan ni Maam Radiance ng retarded eh nagaantay na ako ng pension. Hanggang sa inabot na ako ng hapon.

Di pa rin sya bumababa hanggang ngayon, di bale mamaya pagbaba nya para sa hapunan tatanungin ko sya kung pano ko makukuha ang pension ko, like duh, datung na rin yun teh.

Tinungo ko ang kusina kung saan abala sa paghihiwa ang asawa ni Chucky si Manang Tiffany (sana talaga nagets nyo yung joke ko kay Manang Tiff. hahaha)

"Manang may maitutulong ba ako sayo?" tanong ko kay Manang pagkarating ko sa kusina, Feeling ko kasi di ako katulong sa mansion na ites you know. Simula ng dumating ang beauty ko sa beautiful na balur na ito eh wala pa akong nagagawa kundi ang pagbuksan si Maam Radiance ng gate at antayin ang kanyang pagbaba para itanong kung pano ko makukuha ang naturang pension.

"Meron madami, pwede bang haluin mo tong niluluto ko habang hinihiwa ko tong ibang rekado?" nakangiting saad ni Manang saken.

Sinunod ko naman sya at inumpisahan ko ng haluin ang niluluto nyang Tinola.

Tiningnan ko ang hinahalo ko, mukhang kumpleto na naman ang mga rekado nito ah bat may pinaghihiwa pa to si Manang.

"Manang, wag mong sabihing lalagyan mo ng kalabasa yang Tinola?" puna ko dito, kasi abalang abala sya sa paghihiwa ng kalabasa.

"Huh? hindi no, para to bukas para lulutuin ko nalang hindi na ako magbabalat, diba? kasi bakit mo pa ipagpapabukas ang mga bagay na pwede mo namang gawin ngayon diba?" pangangaral nito saken.

Okk, di ko naman tinatanong ang pinaglalaban nya? hahaha Derma na lemeng at tinuon ko na ang atensyon ko sa niluluto ko.

Tinikman ko ang nakasalang sa kalan.

"Hmmmm! Fairness manang ha! ansharap" bati ko sa luto nya.

"Talagang masarap yan, MAGANDA AKO EH!! capslock with 2 exclamation point para F na F! hahaha" hanuuu daaaaw?! O.O

"K anong konek ng so called " Ganda" mo sa niluto mo ha manang pakiexplain with matching sayaw ng sorry" walang ganang sagot ko sa kanya.

"Hahaha anong sorry? sorry tagabundok basta maganda ako yun na yun!" sabi nya sabay hagikhik.

"Malala ka na tsong! nakainom ka ba ng gamot? hahaha" tanong ko dito, ewan ko pero feeling ko talaga magiging bff ko to si Manang Tiff. parehas kasi kaming may sayad sa utak ng very light lemeng pero sa ganda, sorry teh kabog ko sya. hahaha!

"Di pa nga eh, nakalimutan ko bumili sa butika? sya, e'exit na ako, my work here is done! good bye and I thank you, I shall return." sabi nya at nagsaludo saken.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon