Chapter 15: The Eavesdropper

1K 59 16
                                    

Leckie's POV

"I always want to see him, I always wanna talk with him and I always wanna be with him and see him smile. I'm not sure yet with my feelings but like I said earlier, I can be everything that Leckie needs."

Simula nang banggitin ni James ang mga katagang yan ay hindi na yan umalis sa isipan ko.

Nung una di ko ito maintindihan, ay mali medyo naintindihan ko naman yung iba di naman ako ganun ka shunga sa English no pero kinailangan ko pa rin itong kumpirmahin kaya naman tinanong ko si Riley para kumpirmahin kung tama ba ang nasa isip ko.

Flashback

Matapos na bitiwan ni James ang mga katagang yun ay may biglang tumawag sa kanya kaya naman sinagot nya ang tawag na ito.

habang ako nama'y hindi parin makapaniwala at ngayo'y Shakira pa din.

"Anong ibag nyang sabihin sa mga salitang binitiwan nya?" tanong ko sa sarili ko.

"May nararamdaman ba sya sakin? kung meron katulad ba to ng nararamdaman ko? Bakit ganto sya? bakit nya ginugulo nya ang isipan ko." sunod-sunod kong tanong sa sarili ko.

Bumalik lang ako sa katinuan ng tapikin ako nito at nagpaalam na dahil may inuutos daw ang kanyang mommy."

wala sa sarili akong kumaway sa kanya hanggang sa unti-unti na syang naglalaho sa paningin ko.

"Hoy tumigil ka na sa kakakaway wala na si James feeling mo naman Feng Shui Waiving cat ka." pagpapatigil ni Riley sakin.

"Ayaw mo nun may pangattract ka ng suwerte?" saad ko.

Bahala ka nga jan magkakaway ka jan kung gusto mo" sagot nito at naglakad na palayo.

"Sandali hintayin mo ko. " sagot ko at nagtakbo palapit sa kanya.

Ng makalapit ako sa kanya ay tinanong ko sya tungkol sa mga sinabi ni James.

"Sandali lang ang bilis mo naman maglakad eh, may itatanong ako sayo. " saad ko.

"Make it quick malapit nang magresume ang shoot ko. " sagot nito habang naglalakad.

"Ah...eh... tungkol dun sa sinabi ni James, ang ibig sabihin ba nun may gusto sakin si James?" tanong ko sa kanya.

Napatigil naman si Riley sa paglalakad kaya naman nabangga ko ang likod nya.

Humarap sya sakin.

"Im gonna say this once and Im not gonna repeat it so you should listen carefully." saad nito at tumitig sa mga mata ko lumapit sya sa msy tenga ko at may ibinulong.

"Dream on.." maikli nyang saad.

"Ha?" nagtatakha kong saad.

Ngumiti sya sakin at naglakad papalayo.

Dream on? ano yun?

"Hoy bumalik ka dito ang labo nung sagot mo!" sigaw ko kay Riley.

Si Riley naman ay parang walang nakikinig at nagdire-diretso sa tent nya.

kaya nanan tumakbo ako papunta sa tent mas lalo lang gumulo nung tinanong ko si Riley.

Nang makarating ako sa loob ng tent ay naabutan ko si Riley na natutulog nakataklob sa mukha nya ang magazine at humihilik pa.

Sinipa ko ang bangkong inuupuan nya.

"hoy! hindi mo ko maloloko kahit gumamit ka ng pampatulog di ka makakatulog agad sa loob ng isa't kalahating minuto" saad ko at patuloy kong pinagsisipa yung bangko nya.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon