Chapter 19: Caught in the Act.

608 46 12
                                    

Leckie's POV

"Nagbibiro ka ba?" tanong ko kay Riley.

Tumingin lang ito ng nagtatakha sakin.

"So dinala mo lang ako dito para kumain ng mga to? At ngayon mo pa talaga naisipang magfoodtrip kung kailan nanunuod ako ng bagong movie ni Aub...hmmmmp!!!" di ko na natuloy ang sasabihin ko ng biglang lumapit sakin si Riley at biglang hinalikan ako.

"Ayoko sa lahat maingay habang nakain." saad nito at nakatingin ito sakin na tila nangaasar at ipinagpatuloy ang pagkain nya.

Habang ako ay natulala sa mga nangyari.

H-hinalikan ako ni Riley? Totoo ba to o panaginip lang?

Napahawak naman ako sa labi ko.

"Ubusin mo na yang pagkain mo kundi hahalikan ulit kita." nangaasar na saad muli ni Riley.

"Hahalikan ulit kita..... Hahalikan ulit kita.... Hahalikan ulit kita." paulit-ulit ba naglalaro yan sa isipan ko.

SHIAAAAAAAAAAAA!

"B'bakit mo ko hinalikan??" tanong ko sa kanya.

"So you'll shut up." nang-aasar na saad nito.

"Ano? Paano kung mabuntis mo ko, ha?! Papanagutan mo ba tong batang dinadala ko? Ano sumagot ka! Papanindigan mo ba ang ginawa mo sakin?" Tanong ko sa kanya

"Ano? That's absurd! Bakit ka naman mabubuntis?" pabulong na tanong nya.

Tinapunan ko lang sya ng masasamang tingin.

O ngayon nahihiya ka na sa ginawa mo kaya bumulong bulong ka ngayon.

"Sa mga palabas! pag hinalikan ng bidang lalaki yung bidang babae pagkaraan ng ilang episodes malalaman na buntis sya! Tapos hinalikan mo ko? Paano kung mabuntis ako? Papanagutan mo ba ako ha?! Ayokong umuwi samin ng buntis ano nalang sasabihin ng mga kapitbahay namin na ang anak ng nanay ay disgrasyadang babae?!" naiiyak kong saad.

"Pwede kumalma ka okay? Kaya kita hinalikan kasi ang ingay mo, nadi-distract ang mga tao kaya napapatingin satin ang mga tao." sagot ni Riley.

Napatingin ako sa paligid at halos lahat ay nakatingin samin, inaantay ang susunod na magaganap sa pagitan namin ni Riley. May matanda pa nga na tila nagdasal dahil nagsign of the cross ito, siguro dahil sa narinig nyang usapan namin ni Riley.

"And there's no way you'll get pregnant because of a kiss, di mo ba yan pinagaralan sa high school mo?" natatawang tanong ni Riley.

Pinag-aral ba yun nung high school? Di ko matandaan eh baka absent ako nung pinagaralan yun.

"By the looks of it, mukhang hindi mo nga napag-aralan, let me tell you this, you won't get pregnant just because of a kiss. And may I remind you na you na you don't have ovaries so I'm confident na uuwi ka sa inyo na taas noo. Cause you're not pregnant." natatawang saad nito.

"Kahit na, bakit mo pa din ako hinalikan, pwede mo naman akong sabihan diba?" pabulong kong tanong.

"Wala lang, kasi someone offered me a BL series project, tiningnan ko lang kung kaya kong humalik ng lalaki." saad nito at pinagpatuloy ang pagkain.

Ang ibig sabihin, pinagpractisan nya lang ako?

"Oo naman.... ano bang akala mo? na hinalikan ka nya dahil gusto ka nya? Parang sobrang ambisyosa mo naman ata ngayon.. Gumising ka nga sa katotohan . " singit ni Connie ang aking konsensya.

Tama si Connie, napakalabo talaga na hahalikan ako ni Riley dahil gusto nya akong halikan, pero bakit ganto nararamdaman ko, bakit parang merong kumukurut sa puso ko.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon