Chapter 4: Journey to the Center of Earth (char! )

4.2K 175 3
                                    


Leck's POV

Nandito kami sa station ng bus, at lahat present. kumbaga ay all star cast, kulang nalang ay si Direk at ang kamera man para makapagumpisa na kami ng taping. char!

Syempre present jan si Frida, na kinulit na ako ng kinulit na pag nakita ko daw si Aubrey ang idol nya, namin pala ay magpapicture daw ako at mag pa authograph at ipag Hi ko na rin daw sya, seryoso? magtratrabaho ba ako dun, di mamamasyal. -.-

Si Dana naman, ayun walang pake sa mga nangyayare dahil busy sa nginangata nitong burger.

Si Lisa at Leroy naman di pumasok para daw maihatid nila ang maganda nilang Ate, yan ang gusto ko sa dalwang yan eh, masyadong Honest! haha

Si Inay naman kung todo makaemote. Feeling mag'o'OFW lang Nay, baka bigyan ka ng Oscars award nan nay.

Ten..ten...ten...ten (isipin nyo katulad yan ng nasa mall yung mga paging paging to churva eklavoo. basta yun na yun. ganern.)

"All of passengers who has a flight going to manila please go to the plane now, thank you." Ten... ten... ten..ten.

Keme lang, di talaga ganan sasakyan ko, like duh? 500 lang pamasahe ko no, di ko afford maka bili ng plane ticket.

Ganto lang afford ko.

"Oh Manila..Manila.. Paalis na!" sigaw ni mamang Conductor.

"Pano ba yan, Nay, Lisa, Leroy, mga mare, aalis na ako, mamimiss ko kayo"  sabi ko habang nahikbi.

Syempre diba dapat dramatic scene din ang ganap ko, malay mo may mga talent pala jan na pakalat-kalat sa panabe. O diba magkakabreak na ako! hahaha

"Anak, magiingat ka dun ha? wag magpapasaway sa Tya Lilian mo ha!" muling paalala saken ni Inang bayan.

Tumango ako dito bilang tugon.

"Mga mare, ingatan nyo si Nanay ha, wag nyong hahayaang mapagod ang nanay lalo na kayong dalwa" (sabi ko kay Lisa at Leroy) "wag nyong pahihirapan ang nanay ha!" pagpapaalala sa dalwa.

"Oo naman ate" sabi ng dalwa.

"Dapat lang, at ikaw naman Lisa wala munang jowa, jowa, gayahin mo ang ate, 18 na NBSB!" maawtoridad kong banta kay Lisa.

"Ateee, ano ba yan, wala pa nga sa isip ko yan." nagmamaktol na saad ni Lisa.

"Aba dapat lang kasi pagnalaman kong may jowa ka na nakoo!" di ko naituloy ang sasabihin ko ng umeksena nanaman ang kondoktor na for the very kinis ng Ulo.

"Oh wala na bang papuntang Manila?" tanong ni Manong Kondoktor.

"Sige na, babuu na ha aalis na yung bus may hinahabol ata, over makapagmadali!" pag kasabi ko nun, rumampa na ako sa bus.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon