Chapter 17: Lee Roi "Leroy" 's Birthday.

820 59 10
                                    

Leckie's POV.

Pauwi na kami ngayon ni Riley sa kanilang bahay ng tumawag sakin si Nanay. Kaya naman agad lo itong sinagot.

"Hello Nay?" excited kong sagot sa tawag.

"Hello anak? kamusta ka na?" tanong ni Nanay.

"Okay naman po ako Nay. Maganda padin ang anak nyo wag kayong mag-alala." sabi ko.

Nagkatinginan naman kami ni Riley at umiwas ako ng tingin sa kanya at nakita ko nalang sya na napapailing na nakatingin sa daan habang nakangiti.

"alam ko naman yun nak, san ka ngayon?" tanong ni Nanay.

"Ay nagbyabyahe po ako ngayon kakatapos lang po kasi ng guesting ng amo ko para sa bagong movie nila." saad ko.

"Ahhh..kasama mo ba sya ngayon?" tanong muli ni Nanay.

"Ah opo katabi ko po sya ngayon nagdra'drive." sagot ko.

"Good Evening po Maam!" sagot ni Riley.

"Anak sabihin mo naman sa amo mo na nagpapasalamat ako sa kabaitan na ipinapakita ng pamilya nila sayo." sagot ni Nanay.

Kaya naman iniloudspeaker ko ang cellphone ko.

"O nay, nilakasan ko yung cellphone para marinog ni Sir yung sasabihin nyo." sagot ko kay Nanay.

Napatingin naman sakin si Riley na nagtatakha. at ipinakita ko sa kanya yung "Yari ka" gesture. (nagets nyo di ko kasi ma-explain eh hahaha basta yung ginagawa yung lahat ng daliri nyo nakatikom except yung hintuturo.)

"H-hello po?" nahihiyang saad ni Riley.

"Ay sir, good evening po, gusto ko lang po magpasalamat sa inyo at tsaka po ang pamilya nyo sa kabaitang ipinapakita ko nyo sa anak ko. Maraming salamat po dahil pinagkatiwalaan nyo po ang anak ko. " sagot ulit ni Nanay.

Napatingin naman sakin si Riley.

"Walang ano man po Maam, actually we should thank Leckie as well kasi po he brought back happiness at our home, tuwang-tuwa nga po lagi ang mommy ko sa kanya eh." sagot ni Riley.

Weh? may ganun?

"Naaaaaay..... ako naman ang kakausap kay Ate Leckie!" singit ni Leroy sa kabilang linya.

"O sya ito na, o anak kakausapin ka daw ng kapatid mo kanina pa ako kinukulit." saad ni Nanay.

"Hello ate Leckie?" sagot ni Leroy.

"Hello Leroy, kamusta na ang baby ko. Good Boy ka ba? baka pinapasakit mo lang ang ulo ni Nanay ha?!" tanong ko kay Leroy.

"Hindi kaya ang bait ko kaya dito, meron nga akong ribbon na natanggap sa eskwelahan eh. " pagyayabang nito.

"aba! very good naman ang baby ko. At dahil jan bibilihan kita ng regalo sakto birthday mo bukas. pero syempre pagbalik ko maibibigay ang regalo mo." saad ko.

"Kahit wala nang regalo ate balik ka nalang ukit dito miss na kita eh." sagot ni Leroy.

"Ay pasensya na Leroy, di ako makakauwi ngayon kasi busy si Ate sa work. " malungkot kong saad.

"Ate ito ang unang beses na magbi-birthday ako mg wala ka." bakas ang lungkot sa boses nya.

"Oo nga eh, pero wag kang mag-alala kasi magpapadala si Ate ng pera psra pambili ng handa mo, imbitshin mo ang mga ksibigan mo pati mga kaaway mo imnitahin mo din para matikman nila kung gano kasarap ang luto ni nanay para maging friends na kayo." pagbabago ko ng usapan.

" Oo nga ate, yun nga din sabi ni Nanay Ate. Maglalaro pa kami ni Michael sa labas. " sagot naman ni Leroy.

"Oy, gabi na ha! Lagi kayong magiingat jan ha. I love you." sabi ko.

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon