Chapter 12 (The Big News!)

2.8K 106 32
                                    

Leckie's POV

"Mars... wag kang mabibigla. Ang nanay mo.....
.
.
.
.
.
"Bigla kong nabitawan ang cellphone ng marinig ko ang sinabi ni Frida......

Agad ko ri naman itong pinulot at itinapat ko muli sa'king tainga.

"Ano ba yan bakla, ano ba yang pinagiiimik mo jan. Nakakaloka ha, kala ko naman kung ano nangyari kay nanay. Anong pinagsasabi mong may jowa na si Nanay?" natatawa kong saad.

"heheehe, biro lang to naman masyadong kabado?" saad nya.

"Grabe kasi pano yung intro mo palang napaka seryoso na may nalalaman ka pang.. ""Mars... wag kang mabibigla. Ang nanay mo....." sino ba naman ang di kakabahan sa paandar mong yan? Infairness ha bakla ang galing ng drama mo jan kabog mo na si Aubrey baks. hahaha" sabi ko.

"ahhh... heehe n-naman ang g-galing ko kaya heheeh" si Frida.

"Ay ano ba yan bakla bat ganan ka mag salita? tsaka ano ba yang tunog na yan parang ambulansya ba yan o pulis bakit anong meron?" takhang tanong ko.

"ha? yung tunog? ahmm.. kwan ano yan ay ano...ahmmm... tama pulis.. pulis nga yon. May natokhang kasi dito malapit sa may atin. Hehee" si Frida.

May kakaiba dito kay Frida pero parang ayaw nya lang talagang sabihin saken...

"Bakla yung totoo? may totokhangin o ikaw yung totokhangin. nako sinasabi ko na sayo eh tigil tigilan mo nang pagsinghot ng katol. bakla nako baka matokhang ka magtago ka na. now na!" sabi ko at ginaya ang boses ni tito boy dun sa part na Now Na!

"bakla actually ikaw nga ang hinahanap nila at notorious daw na katol lord ka dito!" bira naman saken ni Frida.

"Ganda ko namang katol lord." sagot ko.

"Teh mag nescafe stick ka dos lang yun tapos inumin mo osang lagukan ng kabahan ka kahit very light lang." sagot ulit ni Frida.

"Leckie, I'm here lets eat?" singit ni Riley saken atvpinakita ang mga pagkaen na binili nya.
"O sige na bakla tinatawag ka na ng amo mo." sabi ni Frida.

"Asus, ito naman, tampo agad. Sige.. oy bakla salamat ha, salamat at tinitingnan tingnan mo sila nanay, liza at leroy. Maraming salamat talaga." sabi ko.

"Nako ano ka ba wala yun? para ko na ring pamilya sila nanay at ang mga shupatembang mo no kaya keri na. Tsaka sino-sino pa ang magtutulongan kundi tayo lang. kaya wa na drama baka umiyak ka pa jan. Alam mo namang di ka kagandahan pag naiyak. sige na. Ba'bye" sabi nya at pinatay na ang tawag.

Humarap naman ako kay Riley na kasalukuyang nakinakain ang mga pinamili nya.

"Sino yun?" tanong nya.
"Ah yun? wala Si Frida kaibigan ko sa probinsya. " sabi ko.

"Ahhhh, okay sige kumain ka na para makaalis na tayo.

At katulad nang sabi nya ay kumain na ko. Pagkatapos naman naming kumain ay nagdiretso na din kami sa bahay nila Riley, pagod na daw sya eh.

-----
Frida's POV
"Nako ano ka ba wala yun? para ko na ring pamilya sila nanay at ang mga shupatembang mo no kaya keri na. Tsaka sino-sino pa ang magtutulongan kundi tayo lang. kaya wa na drama baka umiyak ka pa jan. Alam mo namang di ka kagandahan pag naiyak. sige na. Ba'bye" Pagkasabi ko nun ay agad ko namang pinatay ang tawag.

Buti nalang talaga napakalaking uto-uto nun ni Leckie at naniwala na kaya may sirena syang naririnig ay dahil may tinokhang dito samen.
Actually nasa ambulansya ako ngayon dahil bigla nalang nahimatay ang momshie ni bakla habang tinutulungan ko sya sa paglalako ng isda sa bayan.  Sasabihin ko na nga sana sa kanya na isinugod ang nanay nya sa ospital pero hinawakan lang ako ni Nanay at dahan-dahang umiling kaya naman nasabi ko nalang na may jowa na ang kanyang mudra. Buti nalang talaga at di na sya nag-usisa masyado. Pagkatapos ng tawag ay saktong dating namin sa ospital...

Hi Sir, I Love You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon