CHAPTER 4

733 15 4
                                    

Chapter 4

"Baby? Wala namang jowa 'yon!"

"Paano mo naman nasabi?"

"Sinabi niya sa akin nung tinanong ko siya about sa kanila ni Clarisha! Katrabaho lang daw niya si Clarisha kaya palagi silang magkasama. Sabi pa nga niya, he is single but his heart are taken."

"Edi gusto niya si Clarisha. Taken na ang heart niya kay Clarisha. Si Clarisha 'yung baby sa contacts niya or ibang tao." Naiinis na umikot ang mata ko kay Camira dahil sa mga sinabi niya. Kinuha ko ang remote sa coffee table at nilipat ng channel ang TV.

Nandito siya ngayon sa condo ko dahil tapos na ang duty niya sa hospital pero kailangan pa rin niyang bumalik bukas ng umaga. Malapit lang ang hospital sa condo ko kaya mag-oover night siya dito. Wala rin naman si Seth dahil may trabaho sa Tagaytay kaya dito na lang din siya magpapalipas ng gabi.

"Hindi si Clarisha ang gusto niya," pakikipagtalo niya.

Kwinento ko kasi sa kaniya ang nangyari kanina sa National Bookstore. Sinabi ko na may katawagan siya na Baby Dal ang tawag at may hinala akong girlfriend niya iyon. Pero pinipilit niya na walang girlfriend si Dreo pero may nagugustuhan ito.

"Kung hindi si Clarisha, sino?" I asked nang hindi nakatingin sa kaniya at nililipat pa rin ang channel.

"Hindi ko alam. Malay ko ba kay Dreo. Pero... sigurado akong hindi si Clarisha ang gusto niya. Kasi if si Clarisha ang gusto niya, hindi niya sasabihing katrabaho niya. Ang isasagot niya nililigawan o kaya naman ay nagugustuhan."

"Malay mo ayaw niyang sabihin sa'yo kasi ang gusto niya private ang relationship nila."

"Knowing Clarisha? Hoy that girl! Kahit pagligo tini-tweet niya, iyon pa kayang relasyon nila? Tsaka gwapo si Dreo, bakit hindi ipagmamalaki?"

Hindi na ako sumagot sa kaniya at nanood na lang ng TV. Kung makikipagtalo pa ako ay walang katapusan 'to.

Halata naman kasi talaga na girlfriend ni Dreo si Clarisha. Palaging magkasama at nakukuhanan ng picture sa hospital at mall. Dinedeny lang nila dahil gusto nila ng privacy. Because even me, in this industry, I will keep my personal life private. Judgements are everywhere.

"Tsaka, bakit ka ba namomroblema sa love life ng ex mo, ha? Selos ka?"

Marahas na nilingon ko si Camira sa sinabi niya. Nakangisi siya habang hawak ang cellphone, halata mong nang-aasar.

Bakit naman ako magseselos? Ang exaggerated naman ni Camira.

"Hindi ba pwedeng curious lang ako?" pasinghal kong tanong.

"Bakit ka curious?"

Hindi ako nakasagot.

She laughed. Umiling siya bago tumayo at binato ako ng unan. "Masama na 'yan," sabi niya at tuluyang umalis.

Sinambot ko ang unan na binato ni Camira at binalik sa sofa. Mainit ang ulo na pinatay ko ang TV at pumasok sa kusina para uminom ng tubig.

Ano nga ba kasing pakialam ko sa buhay ni Dreo? Bakit curious na curious ako sa kaniya? Wala na dapat akong pakialam sa kaniya.

Bumuntong hininga ako at nilapag ang baso sa kitchen sink. Hinilot ko ang sintido ko at pumasok na sa kwarto para matulog.

Simula kanina noong umuwi kami nila Keizira ay iritado ako. Hindi kasi mawala sa isip ko 'yung Baby Dal na tinatawag ni Dreo. Kating-kati akong malaman kung sino 'yon. Hindi ako naniniwalang wala siyang girlfriend. Anim na taon? Wala? Sinong niloloko niya? Baka ayaw niya lang na sabihin kila Camira dahil ayaw niyang malaman ko.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon