CHAPTER 33

361 4 5
                                    

Chapter 33

Isang buwan akong nagkulong sa kwarto. Wala na akong pakialam kung bagsak na ang grado ko, wala na akong pakialam kung masira ang buhay ko. Sirang-sira na naman ang mga pangarap ko. Nakatulala lang ako at tino-torture ang sarili sa mga alaalang alam kong hindi na pwedeng ibalik.

Tumingin ako sa bintana ng kwarto, nakitang madilim ang langit at parang nakikisabay sa lungkot ko. I'm comforted at that thought.

Nakarinig ako ng katok sa pintuan. Hindi ko iyon nilingon at pinanood lang ang paggalaw ng ulap. Dahan-dahan iyong bumukas at iniluwa si Seth. He put the tray of food on the table. Tiningnan ko iyon at inangat ang tingin sa kaniya.

"Stop this, Amira," he said.

I looked away. Paano ba nila ako gustong mabuhay? Yung araw-araw na nagpapanggap na maayos? Kasi kung oo, nakakapagod.

"Hindi dapat ikaw ang ganito, Ami. Siya dapat!"

Hindi ko pa rin pinansin si Seth at pinanood kung paano unti-unting bumuhos ang ulan sa labas. Pinikit ko ang mata ko, dinadama ang tunog ng ulan at ang malamig na hangin. 

"Amira, nag-aalala kami sa'yo..." I heard Seth whispered.

Hindi ko pa rin siya sinasagot at nanatiling nakapikit ang mata. Narinig ko ang paglalakad niya paalis at ang pagsara ng pintuan. Binuksan ko ang mata ko at nanginginig na bumuga ng hangin.

Ayoko ng kausap. Ayokong pag-usapan ang lahat ng nangyari, ayokong pag-usapan ang nararamdaman ko... Gusto ko lang magmukmok at ilayo ang sarili sa lahat. Hindi na ako ginaganahang kumilos. Wala na akong pangarap.

Bumuhos ang luha sa mata ko.

Wala na 'yung kasama kong mangarap.

The scenario a month ago hunt me every night. Mas masakit pa siya sa tagpo kung saan nahuli ko silang dalawa. Kasi iba, doon mas isinampal sa akin ng tadhana na wala na talaga.

Ang paraan ng paghawak ni Dreo kay Cashiana, ang gaan at parang ingat na ingat. Ang tingin ni Dreo na hindi maalis kay Cashiana, na parang isang lingat niya mawawala sa kaniya ang babae. At ang ngiti ni Dreo, ngiti na minsan niya ng ipakita sa akin. Ngiti na puno ng kasiguraduhan at pag-iingat.

Sa mga oras na iyon ang pinira-piraso kong puso ay unti-unting naglaho. Parang tinangay ng sakit hanggang sa wala ng matira at naging manhid. Parang bumagsak ang buo kong pagkatao. Nawalan ng rason bakit kailangang mabuhay sa mundo. Nawalan ng halaga.

Sa sobrang daming masasakit na salita ang gusto kong sabihin pinili kong manahimik at magkulong. Gusto kong isumbat kay Dreo ang mga pangako niya sa akin, ang lahat ng plano at kung paano niya ako paasahin. Gusto kong sabihin sa kaniya kung gaano kasakit ang ginawa niya. Kung gaano kabigat at hirap ang nararamdaman ko ngayon.

Ilang araw pa ang dumaan bago ako pilitin ni Seth na lumabas ng bahay. Dinala niya ako kung saan-saan at kahit na tahimik lang ako ay panay ang kwento niya. Ilang lugar ang pinuntahan namin pero hindi kami nagtatagal hanggang sa mainis siya at umuwi na lang.

"Pumunta sila Camira dito noong nakaraan, hindi mo nilabas. Tapos noong inaya ka hindi mo raw sinipot. Ano ba talagang plano mo sa buhay, ha?" sermon ni Seth.

Huminga lang ako ng malalim at kinuha ang bag bago pumasok sa bahay. Nakasalubong ko si Keizira na nasa lamesa ar kumakain.

"Oh, ang bilis niyo," sabi niya.

Nakasunod si Seth sa likod ko na masama ang tingin sa akin. Hindi ko sila pinansin at naglakad papasok sa kusina at kumuha ng pagkain.

"Ikaw nga kumausap kay Amira. Baka sakaling magising at ayusin na ang buhay niya." Nilagpasan ako ni Seth at kumuha rin ng pinggan niya para kumain.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon