TW: cyberbullying
Chapter 8
"How are you?"
I shyly smile at her and nod a little. "I'm doing fine po."
"I heard you're now a famous content creator at endorser na rin daw," she said and smiled at me.
"Ah... yes po, Tita."
Malaki ang ngiti na ibinigay niya sa akin at inabot ang kamay ko na nasa lamesa. Nang magkita kami sa parking kanina ay inaya niya ako sa isang kainan para magkwentuhan. Hindi naman ako makatanggi.
"I'm so proud of you, Amira."
"Thank you po, Tita," sabi ko at ngumiti.
"Palagi kitang tinatanong kay Dreo pero palagi niyang sinasabing busy ka!" Bahagya akong nagulat sa sinabi ni Tita Dean. "Sabi ko kahit ayain ka lang sa bahay at ako ang dalawin mo hindi siya pero busy ka raw at hindi makausap."
"Ah..." awkward akong tumawa.
Nakita kong lumungkot ang mukha niya nang mapansin ang naging reaksyon ko.
"Sorry, Ami. Ang laki ng kasalanan ko at ni Dreo sa iyo. Nagkulang din ako bilang nanay niya," aniya at mapait na ngumiti. "Dahil sa mga sinabi mo sa akin noon, na-realize ko ang lahat ng mali ko. Kung hindi mo pa siguro ako nasigawan, tanga pa rin ang Tita Dean mo ngayon."
"Tita..." mahinang tawag ko.
Nahihiyang nagbaba ako ng tingin nang maalala ko ang mga nangyari noon. Ang pagkawalan ko ng respeto sa kaniya at ang naramdaman kong galit noong kinausap niya ako.
"Hindi ko po sinasadya 'yung mga sinabi ko... Mali po ako, Tita. Wala po kayong pagkukulang, mahal niyo lang po talaga si Tito. Tsaka sino ba naman po ako para makialam sa mga desisyon niyo. Pasensya na po."
Halos maiyak ako matapos ko sabihin ang mga iyon. Grabe ang pagsisisi na naramdaman ko noon nang lumagpas ako sa linya. Nanghimasok ako at hindi nakapagpigil na sigawan siya. Wala akong karapatan dahil hindi ko naman alam ang buong kwento pero nadala lang ako dahil sa inis na naramdaman ko sa kaniya.
"Hay, naku! Huwag na nga natin iyon pag-usapan. Magkwento ka na lang tungkol sa'yo. Ang sabi sa akin ni Dreo ay malapit ng mag 9 million ang subscribers mo sa YouTube," masayang sabi niya na nagpangiti sa akin.
"Bilis nga po, e. Parang noong nakaraan wala pa sa 100 yung nandoon tapos ngayon 9 million na," sabi ko.
Halos tatlong oras kaming nagkwentuhan ni Tita Dean sa restaurant. Tungkol sa trabaho at sa buhay ang napagkwentuhan namin. Nasabi niya sa akin na noong araw na pumunta siya sa amin ay lumayas si Tito Josiah sa bahay at nalaman na lang niya na may anak ito sa ibang babae na ikinagulat ko. 14 years old na raw ito ngayon at halos sa kanila na tumira dahil nasa ibang bansa ang nanay at si Tito ay laging nasa trabaho. She also said that the girl is an avid fan of me. Her name daw is Zane and close na close kay Dreo.
A memory flashed in my head. Siguro ito yung babae na nanghila kay Dreo sa mall. I also remember when she said that her name is Zane. Small world?
Tawa lang kami ng tawa ni Tita sa mga pinag-uusapan namin. Nahihiya pa ako kapag may lalapit sa lamesa namin ay babati o kaya naman ay manghihingi ng picture pero si Tita pa mismo ang kumukuha sa amin ng litrato at tuwang-tuwa si Tita doon.
Tita Dean is like my second Mom. Well, because she's Dreo's mother that's why. Whenever I have a problem with Dreo, nandiyan si Tita at kinakampihan ako. And I miss those days.
Magdidilim na nang mag-aya si Tita na umuwi na at delikado para sa akin. Hinatid niya ako sa tapat ng sasakyan ko at nagpaalam.
"Ingat sa pag-uwi, hmm? Sa pagmamaneho 'wag bilisan at baka maaksidente."
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...