CHAPTER 31

357 7 3
                                    

Chapter 31

I spent my days crying.

Hindi makausap at ayaw kumausap. Para akong patay na humihinga. Walang gana at pagod na pagod na. Hindi kumakain at hindi lumalabas ng kwarto.

Para kasing wala ng dahilan para buhayin ulit ang sarili. Ubos na ubos na ako. Pagod na pagod na ako at ang gusto ko na lang ay ang mamahinga sa lahat ng ito.

Sa libing ni Mama hindi matigil ang pagtangis ko habang pinapanood ang unti-unting pagbaba ng kahon at pagtabon ng lupa. Wala akong ibang marinig kundi ang sigaw ng bawat pag-iyak ko.

Hindi umalis ang mga kaibigan ko sa tabi ko at palaging nakaabang at nakaalalay sa posibleng mangyari.

Si Seth na hindi ako iniiwan at tumira na sa bahay. Siya lang ang kinakapitan ko sa bawat araw na dumaan. Siya lang ang hindi nagsasawang pilitin akong kumain at kausapin kahit wala siyang nakukuhang mga sagot at puro lang iling.

Masakit pa rin para sa akin ang lahat ng nangyari. Ang biglaang pagkawala ni Mama, ang panloloko ni Dreo at ang pagtatangka ni Papa. Hindi ko na alam ang gagawin ko.

Sa nagdaang araw puro pag-iyak at pag-iisip ang ginawa ko. Baka may kasalanan ako kaya nangyari ang lahat ng ito sa akin. Baka may ginawa akong hindi dapat at ito ang lahat ng kabayaran.

Iniwan ako ng mga taong sinasandalan ko. Nabuwag ang lahat ng pangarap at pangakong pinanghahawakan ko. Gusto kong sumuko at isuko pati na rin ang buhay ko dahil pagod na pagod na ako.

Ayoko ng lumaban sa mundo na walang kasiguraduhan. Ayokong lumaban sa laban na posible ang pagkatalo ko. Wala akong laban.

Patuloy ang pangungulit ni Dreo sa akin. Walang araw na hindi siya pumupunta at sumisigaw sa bahay. Hindi ko siya nilabas o sinilip. Takip sa tenga ang parating ginagawa ko para hindi siya marinig.

Ayoko ng maniwala. Mahirap ng paniwalaan ang lahat ng sasabihin niya dahil binigo niya ako. Niloko niya ako at sinaktan. Sinira niya ako.

Ayokong marinig ang rason niya dahil wala rin naman akong balak na balikan siya. Hindi ko hahayaan ang sarili kong mapalapit ulit sa kaniya. Ayoko na sa kaniya.

Tunay ang pagmamahal ko, buo ang mga pangako ko pero ang sa kaniya ay lumiko. Alam kong mahal niya ako. Ramdam ko iyon kaya hindi ko alam bakit niya nagawa ang bagay na iyon. Iba si Dreo, iba siya sa lahat ng lalaki kaya hindi ko maintindihan paano niya nagawa iyon.

Dahil ba wala ako sa mga panahong walang-wala na rin siya? Naiwan ko ba siya nang iwan ako ni Mama? Lumuwag ba ang kapit ko nang bumitaw sa amin si Mama? Kasi kung oo, pasensya! Hindi niya ba naiintindihan na nawalan ako ng magulang? Hindi niya ba naisip na sa panahong nawala ako sa kaniya ay wala rin ako sa sarili ko?

Kailangan ko siya eh. Mas kailangan ko siya sa panahon na iyon pero pinili niya ang iwanan ako. May problema ba siya? Kasing kung meron, dadamayan ko naman siya. Kahit hindi ko kaya, sasamahan ko siya. Nagmamahalan kaming dalawa at nagkasundo kami na walang problema ang hindi namin haharapin ng magkasama.

Nawala lang ako sa saglit pero kami pa ring dalawa.

Dumaan ang mga araw na tahimik ang bahay. Wala si Papa at umuwi ng Cebu, huli ko na nang malamang umalis siya sa trabaho, gusto niyang magfocus sa resort. Wala akong sinabi at hinayaan lang siya sa mga desisyon niya. Hindi pa rin kami nag-uusap na dalawa ng maayos pero hindi na rin naman ako galit sa kaniya. Naalala ko pa rin yung ginawa niya noong gabing iyon.

Sinubukan niya akong iwan. Alam niyang wala na akong ibang makapitan at kasama sa buhay pero nagawa niya pa rin iyon. Sabihin na nating hindi nga natuloy ang balak niya pero nagbalak siya at masakit iyon para sa akin. Paano kung hindi niya ako nakita? Itutuloy ba niya?

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon