CHAPTER 29

332 6 1
                                    

TW: suicide

Chapter 29

"Ami... Ami, let me explain..."

Umatras ng isang hakbang ang paa ko nang lumapit si Dreo sa akin at sinubukan akong hawakan.

"Clea..."

"Why..." Nangapa ako ng mga salitang gustong ilabas pero iisa lang ang tanging kumakawala sa bibig ko. "Why...?"

"Amira, please..."

"Dreo, why?!" ulit ko.

My vision got blurry as my tears began to flow like a fall. My hands are shaking and I can feel my voice will break whenever I speak. And my heart is breaking into pieces and getting ripped by the sight, hammered by the thougts and gripped by the pain.

It hurts like hell.

"Amira, I'm sorry..." Dreo whispered.

"Why, Dreo?" nanghihina kong tanong.

Pinasadahan ko ng tingin ang itsura nila at halos mandiri ako sa mga nakita kong kalat na damit sa salas. Ang ayos ni Cashiana sa sofa at halos hindi matakpan ng ayos ang hubad niyang katawan at si Dreo, na walang pang-itaas at bukas ang pang-ibaba.

Umiwas ako ng tingin nang maramdaman ko ang pagsakit ng dibdib ko. Mas dumami ang luhang tumutulo sa mukha at ramdam na ramdam ko ang panlalamig ng katawan ko. Para akong masusuka na ewan sa isiping... ginawa nila iyon.

"Babe, I'm sorry... I'm sorry. I'm sorry."

"Don't call me babe."

He gulped and felt ashamed. I looked away and found Cashiana at the back.

Mapait akong ngumisi habang pinapanood pa rin si Cashiana na inaabot ang damit niya na nakakalat sa sahig. Nakayuko at ingat sa bawat galaw para hindi makalikha ng ingay. She looked up and met my eyes. There is guilty and shame in her eyes.

"Clea..." tawag ni Dreo.

Tumingin ako sa kaniya at galit na tiningnan siya sa mata. Kanina sabi mo mahal mo ko, pero bakit biglang nakagawa ka ng pang-gago?

"I hate you."

"Ami, hindi ko sinasadya. Ikaw ang mahal ko. Ikaw lang. Clea, please..."

Umiling ako kay Dreo at unti-unting tumalikod para iwan sila. Narinig ko ang pagtawag ni Dreo sa pangalan ko pero alam kong hindi siya makalabas dahil hindi maayos ang suot niyang damit. Ginamit ko ang oportunidad na iyon para mabilis na makalayo sa kanila.

Gusto kong takasan ang sakit at inulit na sana panaginip na lang ang lahat. Na sana paggising ko wala ang sakit. Na sana paggising ko walang Dreo ang nagloko at sinaktan ako. Na sana paggising ko magiging masaya na ako.

Pero ang lahat ng sana ay sana na lang dahil na totoong mundo ako. Totoo ang nangyayari at sakit na nararamdaman ko.

Sa mismong lugar kung saan palagi kaming magkasama. Sa mismong lugar kung saan kami masaya at nakakapag-isa. Sa mismong pwesto kung saan palagi kaming magkayakap at nagpapalitan ng mga salita. Sa mismong pwesto kung saan nangarap kami ng magkasama.

Makita ang taong mahal mong nakapatong sa iba. Makita ng taong mahal mong ginagawa ang hindi dapat kasi ako ang mahal niya. Makita ang taong mahal mong niloloko ka. Makita ang taong mahal mong kapiling ng iba.

Ang sakit tangina. Mahal ko siya. Mahal na mahal ko siya. Sabi niya mahal niya rin ako kaya bakit? Bakit, Dreo?!

Kahit malabo ang paningin ko dahil sa luha ay pinilit kong makaalis ng building. Marami ang nagtitinginan sa akin pero wala na akong pakialam.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon