Chapter 11
"Samahan mo na kasi ako!"
"Nakakahiya nga, Seth. Wala akong kakilala at ka-close roon." Umirap ako at binilisan ang lakad.
"Nandoon naman ako, e. Hindi naman kita iiwan doon tsaka saglit lang tayo," pamimilit ni Sethere.
Umiling ako. "Ayoko. Nakakahiya hindi naman ako invited."
"Hoy, hala, invited ka kaya! Sabi ni Cami kanina isama raw kita. Tsaka birthday mo naman kahapon, hindi mo ako nakasama kasi absent ka. Bilis na!"
Napakamot ako sa ulo sa inis dahil sa kulit ni Sethere. Pinipilit niya kasi akong sumama sa birthday celebration ni Camira—classmate niya, pero ayoko dahil hindi naman kami close no'n at I'm sure na wala rin akong kakilala roon. Hindi rin ako invited kaya mas ayoko, baka sabihin feeling close ako.
"Amira!" pumadyak-padyak si Sethere at akala mo'y batang hindi isasama ng nanay.
"Ayoko nga! Nakakahiya at baka gabihin ako."
"Ipagpapaalam kita kay Tita!" hikayat niya.
"Wala akong regalo."
"Hindi kailangan ng regalo!"
Bigong napabuga ako ng hangin at sumimangot sa kaniya. "Sethere, ayoko. Nahihiya ako!"
Ngumuso siya at itinaas ang paper bag na regalo niya para kay Camira. "Sayang 'to atsaka hindi ako papayagan ni Mama kapag hindi ka kasama," sabi niya.
Pairap na umiwas ako ng tingin at lumakad ulit.
Ayoko talaga pero sayang nga naman ang regalo na pinag ipunan niya ng isang buwan. Hindi niya pa ako nabigyan ng regalo kahapon na birthday ko dahil lang doon. Kaso nakakahiya talaga at baka magmukha akong kawawa roon. Paniguradong puro mga kaklase nila at mga kaibigan ang dadalo. Kahit na kainan lang 'yon nakakahiya pa rin. Wala akong kausap o kahit kakilala.
"Ami..."
Napatingin ako kay Seth at nakitang nagmamakaawa na ang mata. He's pouting and I really hate it when he's doing that. Nandidiri ako.
I rolled my eyes at him. Nakakainis naman.
"Libre mo 'ko ng coke float, ah," masungit na sabi ko, pumapayag na.
Napangiti ng malaki si Seth nang marinig ang sinabi ko at patakbong lumapit. "Oo! Ibibili rin kita pag-uwi nung notebook na gusto mo!" pang-uuto niya.
Napairap ako ulit. Alas tres na at alas kwatro raw sila pinapapunta. Kailangan ko munang magpaalam kay Mama dahil baka hanapin ako dahil panigurado na magdidilim na kami uuwi. Kahit pa sabihin ni Seth na saglit lang kami, alam kong hindi kami hahayaan ng mga kaklase niya.
"Anong magandang gift for Camira?" tanong ko kay Seth dahil hindi talaga ako mapakali na walang kahit anong dala.
"Hindi naman kailangan pero libro, mahilig siya sa novel books," sagot niya.
Ngumuso ako at nag isip ng pwedeng librong ibigay. May mga libro ako dala ngayon na kakabili ko lang kahapon. May isang mura doon na binili ko, iyon na lang siguro. "Bigay ko na lang kaya 'yung isa?"
"Yung maliit? Yung dala mo ngayon?" Tumango ako. "Pwede naman, lagay mo na lang sa paper bag."
Pumayag ako at binilisan na ang lakad sa tindahan ng paper bag. Nagsulat lang kami sa sticky note at bumili ng ribbon para medyo maganda tingnan. Nang makuntento ay sumakay na kami kaagad sa tricycle papunta sa bahay ni Camira. Habang nasa byahe ay katext ko si Mama para magpaalam. Nasa school pa si Papa habang si Mama ay nasa bahay ngayon at hindi nakapasok dahil nagkasakit. Ilang tanong at bilin pa ang sinabi niya bago ako payagan.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...