Chapter 7
Parang nablanko ang mundo ko habang diretso ang tingin sa mata niya. Namumula iyon at may paisa-isang luhang tumutulo. He's just looking at me. Like he used to do.
Kumuyon ang kamay ko at mabilis na nag-iwas ng tingin para kuhanin ang bag at umalis na. I won't cry.
Hindi ko kayang magtagal sa lugar na nandoon siya.
Sinong niloloko niya? Siya? Hindi masaya?
Hindi ko na naisip pang magpaalam kay Gab at basta na lang lumabas. Dire-diretso na sumakay ako ng sasakyan at pinaandar iyon papunta sa hospital.
Hindi pwedeng mag-isa ako. Ayokong mapag-isa.
Mabilis na pinarada ko ang sasakyan sa parking at diretso ang tingin na pumunta sa kama ni Sethere sa ER. Naabutan ko siyang kaharap ang laptop. Nakaupo siya at may pagkain sa gilid.
I hold my tears and walked towards him. Inangat niya ang tingin sa akin at ngumiti. He was about to say something pero hindi na naituloy nang dumiretso ako ng higa sa kama niya.
Hindi ko pinansin ang pagtawag ni Seth sa akin at hinayaan ang sarili na pumikit at magpahinga. Pero hindi ko magawa.
Gulong-gulo ang isip ko ngayon.
Anong ibig sabihin niya sa sinabi niya? May girlfriend na siya! Tapos magsasabi siya ng ganoon? Ano, lolokohin niya si Clarisha? Katulad ng ginawa niya sa akin?
I took a deep breath and decided to sleep. Hindi na rin nagsalita pa si Seth sa akin at mukhang tinuloy kung ano man ang ginagawa niya.
Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising na lang ako nang marinig ang ingay ng ibang pasyente sa labas. Nasa ER pa rin kami at kurtina lang ang nakaharang. Tulog na rin si Sethere sa tabi ko at pinagkakasya ang sarili sa maliit na espasyo.
Siya ang pasyente pero parang ako kung humiga ako sa kama niya.
Dahan-dahan na tumayo ako at nilagyan ng kumot si Seth. I reached my phone to look at the time. And to my surprise it's already 2 in the midnight. I overslept and they didn't even bother to wake me up. Gutom na gutom na ako.
Humihikab na lumabas ako at hinanap si Camira. She's on the information desk and talking to someone on the phone.
Lumapit ako sa kaniya at kinulbit siya. Nilingon niya naman ako ng may gulat sa mukha. She immediately drop the call and smiled at me.
"Gutom ka na?" she asked. Tumango ako at humikab ulit.
Umalis siya sa information desk at pinasunod ako sa canteen ng hospital. She ordered food while I'm texting Keizira. Mabilis lang din naman at nakabalik na si Cam dala-dala ang tray ng pagkain.
Kumain ako kaagad nang iabot niya iyon habang siya ay nasa tapat ko ay may katext. Naubos ko rin kaagad ang pagkain kaya bumalik kami sa pwesto ni Sethere. Pero hinila niya ako sa waiting area na walang tao. Naguluhan pa ako kung bakit pero nagpahila na lang din ako.
Umupo siya sa mahabang upuan at tumabi naman ako. Noong una ay tahimik lang kami pero nang may ipakita siya sa akin na text messages nagsimula na siyang magtanong.
"What happened?"
I bit my upper lip and glanced at the messages.
It was a text from Dreo saying his sorrys to me. Maybe si Dreo ang kausap niya sa phone kanina.
"Nagkausap lang kami..." I answered.
Pinatay niya ang cellphone niya at itinago sa bulsa. Hindi ako makatingin sa kaniya dahil alam kong namumula ang mata ko dahil kanina ko pa pinipigilan ang mga luha ko.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Novela Juvenil"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...