Chapter 44
"You two are...?"
"Friends?"
King raised his eye brow and tilt his head. "Friends pero may feelings sa isa't isa at palaging magkasama, tapos clingy pa? Friends kayo sa lagay na 'yon?"
Inirapan ko si King sa kaprangkahan niya.
Days after umuwi nila Dreo sa Laguna at sumunod na rin ako kaagad. Nagshoot lang ako ng quick vlog doon at isang self shoot sa isang product. Akala ko nga sasabay sa akin si Sethere pero nagpaiwan siya dahil nag-take ng leave si Camira at doon daw muna sila. And speaking of Seth, galit pa rin siya. Pero pinapansin niya na ako, ilag lang siya sa amin ni Dreo pero pinapansin niya na ako. Iyon ang mahalaga.
Unang araw ng balik ko sa Laguna sila Dreo ang sumundo sa akin sa airport. Naglunch kami at nag-usap ng saglit bago niya ako ayain na pumunta sa bahay nila para makita si Dalia.
Tulad ng sabi ni King, palagi kaming magkasama. Sa loob ng dalawang linggo lagi kaming laman ng Twitter dahil nakukuhanan ng pictures sa mall, shoots, park at sa iba pa naming pinupuntahan. Hindi naman sa amin issue 'yon pero syempre may mga tao pa ring may masasabi at masasabi.
"Anong sinabi nila Heira noong sinabi mo 'to sa kanila?" tanong ni King.
Humugot ako ng malalim na hininga at humigop ng frappe na dala niya. "Syempre nagalit."
Pinalitan ni Heira si Seth sa hindi pagpansin sa akin. Ilang araw na rin noong sinabi ko sa kanila ang nangyari at halos sigawan ako ni Heira sa desisyon ko. Kung hindi lang siya naawat ni Reign ay baka nagkasagutan kami. Si Keizira rin na kakauwi lang galing Batangas ay galit na galit sa akin nang malaman iyon. Paulit-ulit akong tinatanong kung bakit ko ginawa iyon at paulit-ulit na sinasabing isang katangahan ang pagbibigay ulit kay Dreo ng chance.
"Ami, are you sure about this?"
"Yes, Hari, I am sure. We're doing fine naman, ah? Hindi niyo ba nakikita?" I frustratedly sighed.
"Of course nakikita namin 'yon. Nag-aalala lang talaga kami."
"Try to understand us din kasi, King. We love each other! We both want each other! Ang kailangan lang talaga is trust at iyon ang ginagawan namin ng paraan ngayon."
"Okay, okay. Huwag kang magalit. Kung anong gusto mo, kung saan ka masaya, okay, fine. I'll support you." he took a deep breath. "Pero kapag sinaktan ka ulit ni Dreo, hindi na ako papayag pang bumalik ka sa kaniya," he said with finality.
I pursed my lip and nodded. "Kahit ako, hindi na papayag. But I doubted that he will hurt me again. He's doing his best right now." I smiled.
Umiling siya at ngumisi na lang sa sinabi ko. Nag-usap pa kami tungkol sa nangyayari sa amin ni Dreo at wala siyang ibang ginawa kundi ang barahin ako. Hindi ko na lang iyon pinapansin dahil wala naman akong magagawa talaga kung ayaw niya. Ang importante hindi niya ako pinipigilan.
"E, ikaw? Tuloy ba ang plano?" paglilipat ko ng topic sa kaniya. I smirked. "Ready na ba lahat?"
The tip of his lip rose. Mayabang na inangat niya ang iniinom na shake. "Of course. Ako pa ba?" at uminom.
Hindi ko mapigilang matawa sa kayabangan niya.
"Sasagutin ka naman ba kaya?"
Tumawa siya sa tinanong ko na parang isang malaking kalokohan iyon. "Isn't obvious? Siya pa ang sumundo sa akin sa airport, Ami. Syempre, papakasalan ako noon," sagot niya at nagtaas-baba pa ng kilay.
I rolled my eyes at him. Mayabang talaga.
But I'm happy for them. Finally! May ikakasal na circle namin. Ang tagal ko ng hinihintay sila Seth at Camira pero inuuna muna nila ang bahay kaysa sa kasal. Tama naman 'yon dahil may titirhan na kaagad sila kapag kasal na at may pamilya.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...