Chapter 19
"Ako na magbabayad."
"No. Akin 'to kaya ako ang magbabayad."
"Pero manliligaw mo ako kaya ako na ang magbabayad. I got you!"
Inagaw niya ang dalawang notebook na nasa kamay ko at patakbong lumapit sa counter para magbayad. Wala akong nagawa kundi ang hinintay siya. He is smiling ear to ear while looking at me and looking proud that he will pay for my notebooks.
First week of courting and I am totally annoyed at Dreo.
Sa buong linggo na ginawa ng Diyos, wala siyang ibang ginawa kundi ang ituring akong iba. Ibang-iba siya kumilos hindi tulad noong hindi pa siya nanliligaw. Parang naging alila ko siya sa buong linggo. Kung sa iba okay 'yon, sa akin hindi. Ayoko ng tinuturing akong parang hindi kaya ang mga simpleng bagay. May kamay at paa ako, may pera at kaya ko ang mga bagay na 'yon. Naiinis ako kay Dreo pero hindi ko naman masabi dahil mukhang nag eenjoy siya sa ginagawa niya.
Kapag papasok sa school may time na pupunta siya sa bahay ng napaka-aga para sabay kami, kahit na ang layo ng bahay niya. Siya magbibitbit ng gamit ko kahit na hirap na hirap na siya sa sarili niyang bitbitin. Tapos sa pamasahe, gusto niya palaging siya ang magbabayad sa pagpasok at pag-uwi. Kapag may gusto akong bilhin, bibilhan niya kaagad. Palagi niya akong sinusunod at palagi rin siyang nakasunod. At ang lagi niyang dahilan sa akin ay dahil manliligaw ko siya.
Hindi naman sa nakakasakal pero nakakapikon. Nanligaw siya para ipakita sa akin na deserving siya bilang boyfriend ko at hindi bilang maid ko. Hindi ako nagpaligaw para ipabuhat ang bag ko, magpalibre ng pamasahe at kung ano pa. Nagpaligaw ako kasi gusto ko siya at gusto kong bigyan ng chance ang sarili namin. Oo, wala siyang reklamo sa mga ganoon, pero ako meron.
Nakangiti si Dreo ng malaki nang bumalik siya sa akin. He handed the paper bag to me. I almost rolled my eyes when I saw the coin change on his hand.
"Ayan na. Ano pa gusto mong bilhin?" tanong niya na nakangiti pa rin.
I sighed heavily and stare at him. Bitbit na naman niya ang tote bag at backpack ko kahit na bitbit niya rin ang backpack niya. Halatang hirap na hirap na siya sa pagdadala pero kahit anong pilit kong agaw ay alam kong hindi niya ibibigay sa akin ang bag ko.
I shook my head. "Wala na. Uwi na tayo," sagot ko at napipilitan na ngumiti. Tumango rin siya at sumunod na sa akin palabas ng bookstore.
Tahimik kaming naglakad papunta sa exit ng mall. Pero nang mapadaan kami sa isang milkshake shop ay tumigil ako para bumili. Siya na naman ang nagvolunteer na magbayad. Umupo muna kami sa lamesa sa labas ng shop para hintayin ang order. Tahimik lang ako habang nagkakalikot ng cellphone. Kapag sinisilip ko siya at tahimik lang din siya at nakayuko na parang may iniisip. I sighed heavily when I realized what he's thinking. I put my phone down and stare at him. He looks up at me.
"Galit ka ba?" tanong niya kaagad.
Nakaramdam ako ng guilt sa inaakto ko. Gusto niya lang naman akong itrato ng maganda. First time niya rin sa panliligaw kaya malamang ay wala siyang alam. And mali rin ako, hindi ko sinabi sa kaniya una pa lang ang naramdaman ko sa mga ginagawa niya. Hinayaan ko siya kahit na hindi ko na nagugustuhan tapos ako ang aasta na galit.
I shook my head and smiled at him. "Hindi ako galit."
"E, bakit ganiyan ka? Ano, ayaw mo na akong manliligaw mo?"
I bit my lip and stare at him for a second to think how should I say my words na hindi makakasakit sa kaniya. Nakatingin din siya sa akin at hinihintay akong sumagot. Dumating na ang order namin kaya naputol ang tinginan namin. Nagpasalamat ako sa waiter and tumayo na. Sumunod sa akin si Dreo na tahimik pa rin.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...