HER HAPPINESS

808 20 13
                                    

This special point of view is dedicated to: _frresh MiharuBiay8 ppregn  taengmabaho0

CAIRON

"Rolling tayo in three...two...one!"

"Hi, everyone! Welcome to our new episode of Kia Talks. And now, we have with us, Cairon and Amira!"

Everyone clapped their hands as Miss Kia, the interviewer, introduced us in front of the camera.

"Hello po!" Amira smiled politely while waiving her hands.

"So, kamusta? Kamusta ang buhay bilang mag-asawa?"

Ngumiti ako at lumingon kay Amira. She's also looking at me with a grin on her face. Inabot ko ang kamay niyang nakapatong sa binti ko at mahigpit iyong hinawakan.

"Well...masaya po. Sobrang saya," ako ang sumagot sa unang tanong.

"Maraming nagulat na kasal na kayong dalawa. Ang alam ng lahat ay single kayo pareho."

Hindi ko mapigilang matawa sa sinabi ni Miss Kia.

"Yes, nakita ko nga. Sumabog ang notifications namin pareho after kong i-post 'yung beach wedding photos namin," simula ko. "Hindi naman po namin tinago ang relationship namin. Hindi lang namin din pinagkalat at sinabi."

Tumango si Miss Kia sa sagot ko. "Can you tell us, paano kayo nagkakilalang dalawa?"

Napatingin ako kay Amira. She smiled at me before turning to Miss Kia. Nakatingin lang ako sa kaniya habang nagsasalita.

"So, ahm... Everyone knows naman po that we are both YouTubers before. So dahil po same lang kami ng trabaho, may mga times na nagkakaroon ng interactions and collaboration together with other vloggers. Pero po hindi pa po kami totally close ni Cai that time. Naging close lang po kami noong parehas kami ng ini-endorse na company," kwento ni Ami.

"So, ang first interaction niyo is 'yung music video ng sister ni Cai? Which is kayong dalawa ang main lead?"

Umiling ako at sumingit. Naalala ko na naman ang reaction ni Ami when I told her our first interaction.

"Hindi po." Ngumiti ako kay Miss Kia. "Actually, 'yung first encounter namin ay noong highschool pa po kami," proud kong sabi.

"Highschool?" Miss Kia asked, shocked.

Tumango ako at sinulyapan si Amira na ngayon ay ngiting-ngiti na rin tulad ko.

"Hindi ko po alam na schoolmates kami noong highschool. Nalaman ko na lang po noong kwinento niya sa akin," ani Amira.

"Ahead po kasi ako ng 3 years sa kaniya. Nung nag-grade 7 siya sa school namin, grade 10 ako noon at saktong paalis na. So noong last day namin sa school, recognition day, nagpa-picture po kami kay Amira. Hindi niya po 'yon matandaan dahil hindi naman nga po niya ako kilala."

"Bakit ka nagpa-picture?"

Ngumisi ako at nahihiyang napakamot sa ulo. I also heard Ami's giggles.

"Crush ko po kasi siya noon," amin ko. "Si Amira po kasi noong highschool po, siya po 'yung crush ng lahat. Campus crush po ang tawag sa kaniya ng mga ka-batch ko. Halos lahat ng estudyante sa school ay kilala siya, and she's not aware of that. At iyon nga po, dahil crush ko siya tapos aalis na ako sa school. Kami pong magkakaibigan, naisipan po namin na magpa-picture sa kaniya para po remembrance."

Tumawa si Miss Kia sa kwento ko. "Pero hindi ka niya nakilala noong nagkita ulit kayo?"

Umiling ako. I put my head on Amira's shoulder as I held her small back. Dikit na dikit kami sa couch kaya madali lang sa akin ang yumakap at maglambing sa kaniya.

My Lover is a Cheater (Lover Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon