DREO"Sino 'yon?"
"Si Seth."
Umiling ako at tinuro ang katabi ni Seth. "Hindi! Yung katabi!"
Tiningnan ni Camira ang sinasabi ko. "Ah, si Amira."
Amira. Napatango-tango ako at ngumiti. Gandang pangalan. Ganda rin ng may-ari.
"Bakit crush mo?"
Ngumisi ako kay Camira pero kaagad ding sumimangot. "Jowa ni Seth 'yan, e," sabi ko.
"Baliw! Bestfriend niya lang 'yan!" tumawa si Camira.
Bestfriend? E, bakit ang parang ang clingy naman nila kung magbestfriend sila? Naghahabulan at nagyayakapan sa school? Sumasandal pa sa balikat? Bestfriend ba 'yon?
Pero ako rin ang napahiya nang makumpirma kong magkaibigan nga lang sila Seth at Amira. Clingy lang talaga si Amira kahit kanino kaya ganoon. Kasi kahit kay Gab palaging nakasukbit ang braso niya!
Tss. Madaling magkakagusto sa 'yo ang mga lalaki kapag ganiyan ka. Feeling nila gusto mo sila kaya magiging crush ka na rin nila. Ako nga na hindi mo pa kinakausap, crush ka na, iyan pa kayang mga dinidikitan mo?
First day of school, 6:05 ng umaga, doon sa may bilihan ng school supplies sa labas, nakita ko siya. Malinis ang uniform at plantyado, nakalugay ang straight na buhok at kulay green ang bag. Bumibili siya ng ballpen at long pad. Doon pa lang sabi ko na sa sarili ko, "Ito na crush ko buong school year."
Maganda, maputi, matangkad, ang tangos ng ilong, ang kinis ng mukha- parang hindi pwedeng tubuan kahit isang tigyawat- at mabango. Kaso masungit, suplada, snobber, hilig mang-irap. Pero matalino, palaging kasali sa top students at nanalo sa mga competition.
Iyon nga lang, kahit anong pagpapansin ko sa tapat ng room nila, wala. Hindi ako napapansin. Hindi nga niya ako kilala. Kahit, "hi" hindi pa ako nakakatanggap sa kaniya.
Pero dininig ni Seth ang dasal ko noong makasama ko siya sa lamesa. Potek. Para akong baklang kinikilig kapag tinitingnan siya. Salamat kay Camira at nagbirthday siya.
"Ami, bakit hindi ka sumali noong intrams? Mas maganda ka pa sa muse niyo, e!" tanong ni Miharu kay Amira.
Oo nga. Hindi naman sa sinasabi kong pangit si Cha, maganda naman siya, mas maganda lang talaga si Amira. Kung siya ang muse sure win na!
Nakita kong nahihiya si Amira sa mga kasama namin dahil wala naman siyang close dito maliban kay Seth. Hindi naman kasi talaga siya palalabas ng room kaya paano siya magkakaroon ng kaibigan.
"Hindi pwedeng sumali kapag officer ka. Ako talaga dapat kaso umayaw ako kasi bawal."
"Luh, ang daya naman. Kung si Ami siguro ang sumali, panalo ang Grade 7," reklamo pa ni Haru.
"Oo, gagi. Baka tayo pa lang ni Ami, talo na sila! 'Di ba, no, Dreo?"
Oo, Torres, tama ka. Gusto ko sanang sumagot kaso nahihiya ako.
"Ami, may crush ka raw kay Hari?"
Tss.
"Oo, crush niya si Hari! Kanina paglabas ng room, kilig na kilig siya kasi raw pabiro na humingi ng kiss si King sa kaniya noong nag goodbye kiss siya kay Cha," pagke-kwento ni Seth.
King, pre. 'Kala ko ba...
Nagsimulang asarin siya ng mga kaklase namin. Hiyang-hiya siya at napapatakip na lang ng mukha. Hindi ko mapigilang mainis. Kilig na kilig, Amira?!
"Taena. Dreo, tara dito inuman tayo. Mahal ka namin, pre, huwag kang umiyak!"
Tangina mo, Torres. Ikaw paiyakin ko.
BINABASA MO ANG
My Lover is a Cheater (Lover Series #1)
Teen Fiction"Bakit parang ang dali lang sa 'yo?" "You made it easy for me!" When they're in high school, Dreo and Ami are like an ideal couple. They are strong because of their genuine love for each other. They had been together for 5 years and had planned the...